CHAPTER 03

100 9 0
                                    

CHAPTER 3

"Nangingiti ka dyan ijo?" Tanong ni Lola na may ari nitong Lola's Dining.

"Ahh may naalala lang po ako." Nakangiti kong sagot, nakaka-good vibes lang kasi kapag nakakakita ng mga lumang pictures.

"Uhm, ano namang naalala mo?" Tanong nito habang nagbibilang ng pera.

"Uhm... Secret po!" Nakangiti ko ulit na sambit. Hindi ko kasi pwedeng sabihin dahil kilala niya din si Miko. Madalas din kasi kami dito noong mga panahong buo pa kaming tatlo, si Garry... Ako... At si Miko.

"Nakooo! Ikaw ha may pasecret secret ka na ngayon ah?" Napailing na lang ito tsaka ako nginitian, nginitian ko rin naman siya bilang tugon.

Tapos na rin naman ako sa pagkain ko kaya tumayo na ako at lumapit sa kanya para magbayad.

"Pero alam mo ba? Nakikita ko sa mga mata mong mahalaga siya sayo." Seryosong sambit nito na nag-iwan ng blankong reaksyon sa mukha ko.

Alam niya ba? Alam niya ba kung sino yung tinitignan ko sa camera ko?

"Osige na ijo, heto na ang sukli mo at baka hanapin ka na ng mama mo." Sabi nito sabay abot ng sukli.

"Salamat po." Sagot ko naman tsaka ako naglakad papunta sa pinto pero bago pa man ako makalabas ay nagsalita ulit ito kaya naman natigil ako sa paghakbang ko't pagbukas ng pinto.

"Sean ijo... Mas lalo kang pumopogi kapag nakangiti ka." Sabi nito na nagpangiti naman saakin.

Humarap ako kay Lola tsaka ngumiti with matching beautiful eyes. "Yung parang ganito po ba?" Pagbibiro ko tsaka ako tuluyang umalis.

-

Pagkauwi ko ng bahay ay naligo kaagad ako tska mabilis na pumasok sa kwarto ko at nanuod ng BL series. Mag-aalasdos na rin ng makaramdam ako ng antok pero wala pa rin si Mama. Alasyete ng umaga ang pasok ko at hindi ko na kaya na hintayin siya kaya naman minabuti kong matulog na.

Mag-aalasais na ng gisingin ako ng alarm clock ko. Sapat na oras na 'yun para kumilos papasok ng school. Inaantok man ay pinilit ko ang sarili kong kumilos para hindi malate.

Pagkadating ko sa school ay swerte namang walang teacher kaya iniligay ko sa tainga ko ang earphone ko at natulog muna ako.

Nasa kalagitnaan ako ng panaginip ko ng biglang isang malakas na pwersa ang tumama sa ulo ko.

"Araaaayyy... Tanginaa ang sakit!" Daing ko habang hinahaplos ang ulo ko.

"Pumasok ka ba sa school para matulog?" Ang sermon saakin ni Garry. Hindi naman na ako nakasagot dahil sa sobrang sakit ng pagkakahampas nito sa ulo ko. "Oh heto assignment ko, kopyahin mo na. Bilisan mo dahil paakyat na si Sir." Sabi nito sabay abot saakin ng papel niya.

"Salamat!" May pagkairitable kong sagot pero nginisian lang ako nito.

'Yan ang gusto ko kay Garry, hindi niya hinahayaang mapag-iwanan ako. Palagi siyang nandyan para saakin.

Hindi na muna ako dumaldal at nagfocus na muna ako sa pagkopya ng assignment ni Garry dahil paakyat na ang teacher namin.

Matapos ang halos limang minuto ay natapos din ako. Sakto namang pagpasok ng teacher namin sa room kaya mabilis kong ibinalik kay Garry ang papel niya.

"Good morning!" Bati nito sa buong klase.

"Good morning Sir. Escoto!" Sagot naman namin. Sinenyasan kami nitong umupo kaya naman umupo na kami.

I'M IN LOVE WITH MY OLD FRIEND (Teen Bromance)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon