CHAPTER 04
"Sean? Naalala mo pa ba nung unang magkita tayo?" Tanong ni Yohan tsaka umakbay saakin.
"Paano ko naman makakalimutan 'yun?" Sabi ko sabay ngiti. "Noong araw na 'yun ko nalaman kung gaano ka kasinungaling!" May diin kong sabi sa kanya.
"Ay wow!? Ako lang ba?" Sabi niya sabay siko sa braso ko. "Sabi mo 45 years old ka na, moreno, maraming tattoo't hikaw sa katawan! Pero putek nung nakita kita eh mukha ka lang 10 years old, ang slim mo, tsaka wala ka namang tattoo't hikaw sa katawan, kahit nga butas sa tenga eh wala ka!" Sabi nito tsaka kami sabay na nagtawanan.
"Eh kumusta naman sayong nagsinungaling din!?" Sabi ko sabay siko rin sa braso niya. "Ang sabi mo lang naman eh kalbo ka, maraming kang tigyawat sa mukha, may malaki at makapal na eye glasses, pango ang ilong at mapayat! Pero nung nakita kita eh ang kapal kapal ng buhok mo, wala ka namang salamin, matangos ang ilong mo't sakto lang naman ang katawan mo." Sabi ko tsaka kami muling nagtawanan. "Akala ko pangit ka, 'yun pala eh mas pangit ka pa kaysa sa inaasahan ko." Pagbibiro ko na hindi naman niya ikinatuwa.
"Ako pangit?" Malungkot na sabi nito.
Natawa ako sa itsura niya dahil ang cute niya ng magpouty lips siya hindi ko tuloy napigilang kurutin ang pisngi niya. "Ang cute mo Yohan. Binibiro lang naman kita eh."
"Talaga?" Tanong nito na parang isang bata.
"Unang araw na magkita tayo sa banyo diba? Bakit? Kasi tinataguan mo ang mga fans mong patay na patay sayo." Pagpapaalala ko. "Wala silang ibang sigaw kung hindi ang pangalan mo, jusko ang haharot." Dagdag ko pa. "Yohaaaaannn! Ang gwapo mooo! Yohaaaaannn papicture! Yohaaaaannn asawa koooo!" Paggagaya ko naman sa mga fans niya, with feelings pa.
Tinawanan ako nito tulad ng inaasahan ko, 'yan sana hindi na siya galit.
"Ang galing ah! Gayang gaya!" Sabi nito na ikinahiya ko naman. Naimagine ko kasi ang sarili ko saying that fucking lines with feelings. Grabe bakit ko ba ginawa 'yun?
"Get lost!" Iritable kong sagot.
"Hindi mo naman sinagot ang taong ko tss." Sabi nito tsaka sumimangot muli.
"Sa tingin mo, titilian ka ba ng mga babaeng 'yun kung pangit ka?" Usal ko.
"Hindi mahalaga saakin ang opinyon nila, kaya nga ikaw ang tinanong ko kasi sagot mo ang gusto kong marinig." Nabigla ako ng maging seryoso ang mukha't tono ng boses nito kaya naman hindi na ako nakasagot. "Alam mo masarap sa pakiramdam kapag pinupuri ka ng ibang tao, pero mas masarap sa pakiramdam kapag yung mahalagang tao sa buhay mo ang pupuri sayo. Sa kabilang banda, masakit kapag hinusgahan ka ng ibang tao, pero mas masakit kapag yung mahalagang tao na sa buhay mo ang manghuhusga sayo." Seryosong sabi nito na tumatak naman sa isipan ko.
BINABASA MO ANG
I'M IN LOVE WITH MY OLD FRIEND (Teen Bromance)
Roman pour AdolescentsI'M IN LOVE WITH MY OLD FRIEND Bromance | Action | Teen Fiction Inspired by Night Flight Written by imyourjikjik