CHAPTER 02
"Hindi ko na alam ngayon kung paano pa ako makakapasa sa darating na midterm exam." sambit nito ng makalabas kami ng school building. Naglalakad na kami ngayon kung saan nakapark ang mga bisikleta namin.
"Sus! Ikaw pa babagsak?" sabi ko sabay ngisi. Nakakatawa lang kasi na sa kanya pa talaga nanggaling yung tanong na 'yun eh siya nga itong walang ibang inatupag kung hindi ang mag-aral at kumain.
"Ang hirap kaya ng mga lesson!" sambit pa nito. Psh! Stop being so humble Garry!
"Kailangan ko ng umuwi, tinatawagan na ako ng mama ko." Sabi nito tsaka inilagay sa bulsa niya ang kanyang cellphone na kanina ay kinakalikot niya.
"Psh! Takot na takot?" Natatawa kong sabi dahil kitang kita sa kanyang mukha ang takot.
"Goodbye Sean Kupal!" Sumakay ito ng bike niya tsaka mabilis na pumadyak palayo.
Gago talaga 'yun bigla bigla na lang umaalis, hindi man lang ba siya magpapasalamat saakin dahil pinagtanggol ko siya kanina? Hmm... Sabagay kasalanan ko rin kung bakit nangyari sa kanya 'yun, dahil kung hindi ko siya pinagtripan ay hindi naman siya lalabas ng room at hindi siya pagdidiskitahan nila Gino.
"Ingat!" sigaw ko bago siya lumiko. Nagthumbs up lang ito tsaka tuluyang pumadyak palayo.
Sumakay na rin ako ng bike ko dahil napansin kong malamig ang hangin at makulimlim na ang langit, tila nagbabadyang umulan.
Padyak, padyak, padyak lang ako ng padyak hanggang sa makahanap ako ng masisilungan ko. Inabutan na kasi ako ng ulan sa daan at habang tumatagal ay palakas pa ito ng palakas.
"Ayun! Lola's Dining!" Kaagad akong pumadyak papunta sa kainang nakita ko.
Pagkapunta ko roon ay pinark ko kaagad yung bike ko tsaka nagmadaling sumilong sa labas nito. Nahihiya kasi akong pumasok dahil basa na ako, kaya naman naisipan kong hubarin muna ang coat ko at punasan ang braso't mukha ko ng panyong nasa bulsa ko.
Habang pinupunasan ko ang mukha ko ay isang makapal na usok ng sigarilyo ang dumampi sa mukha ko.
"Ano ba 'yan ang baho!" Asar kong sabi habang pinapaypay ng panyong hawak ko ang usok palayo.
Saktong pagkawala ng usok ay isang hindi inaasahang tao ang nakita ko.
***Tugs-Tugs***
***Tugs-Tugs***Ewan ko ba pero sobrang bilis talaga ng tibok ng puso ko ngayon, pakiramdam ko nga ay parang may grupo ng mga kabayo na tumatakbo sa dibdib ko.
"Miko?" Pagtatawag ko sa pangalan niya kaya lang ay nanatili ito sa paghithit ng sigarilyo.
Hindi ko alam na nakasilong din pala siya dito, itim kasi ang suot niya't sobrang tahimik niya.
"Tapos na ang pasko at bagong taon, tapos na ang bakasyon. Kailan ka papasok? Mag-aaral ka pa ba?" Tanong ko pero hindi pa rin ako nito sinagot, ni-hindi nga rin ako nito tinitignan, diretso lang ang tingin nito.
BINABASA MO ANG
I'M IN LOVE WITH MY OLD FRIEND (Teen Bromance)
Ficção AdolescenteI'M IN LOVE WITH MY OLD FRIEND Bromance | Action | Teen Fiction Inspired by Night Flight Written by imyourjikjik