Meet you through stick and stone

5 0 0
                                    

Bata palang ako noon mahilig na kong sumali sa kong ano ano laro ng panlalaki, pang matanda o kahit ano madali kasi akong macuriuos sa isang bagay, kaya lang hindi kasi ako ganun katalinuhan sa pag aaral ang daming patimpalak sa elementarya na gusto kong masubukan pero kahit kalian hindi ako nakabilang. Napansin ko na ang madalas lang nilang kinukuha ay yung alam nilang magaling na, akala ko nung una kumukuha lang sila na kong sino ang may gusto para iinsayo pero hindi pala.

Madalas akong nabubully dahil kahit anong laban na sinubukan ko natatalo ako, eh panu ba naman unang subok ko palang at wala pang kahit anong karanasan. Napaka bilis ng taong manghusga parang hindi sila nagkamali nung una. Lagi akong umiiyak sa tuwing natatalo ako nasasaktan kasi ako sa mga sinasabi nilang "Talunan ka!" "Walang talento" "Mahina" si Mama ang lagi kong sandalan kaya siya lang ang tinuturing kong kaibigan hindi niya na ko pinasali sa ano pang timpalak dahil ayaw niya nang nakikita akong inaapi, pinagtutulungan at wala akong magawa kundi ang umiyak. 

Ako si Taja Ambrocio. Unang araw ko sa High school halos kilala ko na lahat ng mga kaklase ko ang iba sakanila nagmula pa sa mga matataas na section at ang iba naman ay istudiyante sa ibang school at kapwa sila ay mga salutatorian, validictorian sakanilang mga pinanggalingang school. Hindi ko alam kong bakit ako nandito pero wala na kong pakielam kasi pakiramdam ko mas matino ang mga ito kumpara sa mga naging kalase ko nung elementarya. Maaayos ang kanilang kasuutan, mababango, bago ang mga gamit, kaliwa't kanan may gadget at mga tahimik.

Masaya na ko sa apat na sulok ng silid na to, halos lahat kasi ng gurung pumasok dito gustong gusto ang section namin, pero habang nagtatagal may iba akong nararamdaman tila nagpapatayan ang mga kaklase ko ng tahimik, gigil na gigil sila sakanilang mga papel sa tuwing magkakaroon ito ng pulang marka, kaliwa't kanang tanong "Ilan ka?" "Ilan si .." "Bakit ganito". Hindi ako makapaniwala na ang pinakamataas kong marka ay iniiyakan pa nila dahil sa ito ang pinaka mababa nila. Hindi sila nang aapi o nangbubully pero ang mga salitang "Ang baba niya" "Panu siya napunta dito?" "Kaya niya kaya?" ang papatay sayo. Simula noon nagfocus ako sa pag aaral, nagbasa at ano pa ayuko na kasing matulad pa sa kong ano ako nung elementarya, pero bakit ganun? kahit anong hirap ko.. hayz.. Unang beses kong sumagot ng matimatika sa pisara aminado akong kahinaan ko talaga ang asignaturang iyon at alam kong mali ang maisusulat ko, pero kailangan bang ipagdiinang mali ako? Tama na sana ang isang beses pero parang gustong gusto talaga ng mga taong to na nakikita kong panu ka manliit sa harapan ng mga akala mong malalaki at may napatunayan nang mga istudiyante.

Simula nun hindi na ko muling sumagot pa, Mas mabuting sarilihin nalang ang mga sigurado kong tamang sagot kesa sa mapagtawanan.

*****

Noong elementarya ako hilig ko na ang pagsali sa mga patimpalak patalinuhan man o larong atleta hindi ako papatalo, isa rin ako sa mga consistent na top ng klase sa unang section. madalas kong nakikita si Taja na sumasali sa aming trial, napabelieve niya talaga ako kong ganu siya kadeterminadong malaman ang talento niya pero kahit kailan man hindi siya nakuha. Madalas kasi na bihasa na sa larangang iyon ang kinukuha upang hindi na mangapa sa insayo pero para saken kayang kaya matoto ni Taja kong mabibigyan ng pagkakataon pero ano ba namang boses ko eh isa lang naman ako sa mga manlalaro.

Kong hindi nyo napapansin basagulero ako, kaliwat kanang gulo ang hanap ko saming paaralan pero kahit anong balik ko sa guidance hindi nila ako magawang isuspende dahil magaling akong gumawa ng alibay. Bakit ako ng aaway? hindi ko rin alam siguro kasi nakikita ko saking ama? napaka lasinggero niya at walang ibang ginawa kundi ang bugbugin ang aking ina na siyang nagturo saken lahat ng mga nalalaman ko. Hindi ko magawang maipaglaban si mama kasi ang bata ko pa nun kaya sa mga kasing edaran ko lang din ako gumaganti ng inis ko sakanya. Ipinangako ko sa sarili ko na pag ako nagkaroon ng asawa hinding hindi ko siya sasaktan hinding hindi ko gagayahin ang aking Ama. Dahil alam ko ang pakiramdam ng isang anak na nakikitang umiiyak ang kanilang mga ina sa pananakit ng kanilang mga naturingang ama.

The why's of Renaissance Human ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon