Play safe Witch

1 0 0
                                    

Hindi pa ko nakararating sa Bahay may mensahe na ko kaagad mula kay Nathany. Pagod na pagod ako nang araw na iyon at gusto  ko nalang humiga pero..

Nathany's message "Free ka ba ngayon? Tara hang out tayo."

Hindi ako gumigimik o ano pa man at Ayuko na rin magkaroon pa ng communication sakanya but somehow gusto ko parin siyang makausap dahil siya lang ang una't huling babaeng minahal ko sa ngayon. Kakaisip mas pinili ko nalang matulog dahil mas mahalaga yung mga dapat gawin.

*****

*Charles*

Pagkatapos namin ng isang taon sa kolehiyo unti unti nang nagbabago si Taja maliban sa hindi ko na siya halos nakakausap, nakakalimutan niya na ring mag iwan saken ng message sa tuwing umaga at gabi. Sa tuwing tatawag ako palaging naka off yung cp niya at kong hindi naman sasagutin niya para lang sabihin sakeng busy siya. Hindi ko na alam ang gagawin parang ako nalang ang lumalaban sa relasyon naming dalawa. Buo man ang tiwala ko sakanya di ko parin maiwasang mag isip ng hindi maganda, Gabi gabi ipinagdadasal ko na sana matapos na tong mga taon na to. Unti unti na kong bumabagsak gawa ng lumilipad ang aking utak.

Isang araw tinawagan ko siya.

Charles "Busy ka ba?"

Taja "mmm.. Nagpapahinga lang maya maya rin may gagawin na ko."

Charles "Kong ganun, pwede bang makausap si Taja? Kahit sandali lang, miss na miss ko na kasi yung makulit na yun eh."

Taja "Ikaw talaga kausap mo na ko ngayon at miss na rin kita."

Charles "Hindi ah, yung mahal ko lagging nagmemessage saken yun at kinakausap parin ako kahit tadtad siya ng Gawain. Kailan mo ba isusuli tong phone niya sigurado hinahanap na ko nun, hindi niya kaya nang mag isa yung assignment niya."

Taja "Hmm.. Wag kang mag alala Malaki na siya kailangan niya ring matoto ng siya lang mag isa."

Charles "Hindi niya kaya magtatanong at magtatanong parin yun saken, sino ka ba? bakit ayaw mo kong ipakausap sakanya?"

*****

*Taja*

Pinatay ko ang phone, nalulungkot ako kong panu ipamukha saken ni Charles ang mga pinagbago ko sakanya, siya parin naman talaga ang mahal ko kahit na ganu pa ko kabusy dito. Manhid ba siya? o talagang hindi ko na nga maparamdam? sa palagay ko hindi niya lang maintindihan na para rin saming dalawa lahat ng ginagawa ko.

Kailangan talaga na pag igihan ko sa kompetisyon na to para naman maisip niya na totoong abala ako sa mabuting Gawain.

Sa sumunod na mga araw mas nagging istrikto saken si Mr.Kahlil, puspusan talaga ang pag aaral namin ngayon walang araw kaming pinalampas para magpractice at magbasa. Hindi ko na rin hinahawakan ang phone ko sa tuwing kasama ko siya iniisip ko nalang para to samin ni Charles at pasasalamat ko kay Mr.Khalil na kahit anong flaws ko eh hindi parin ako sinukuan.

Pagdating ng araw ng kompetisyon nakasunod lang ako sa Mentor ko at lagi niya lang akong nasa tabi saan man siya umupo maya maya Nakita ko yung nakasagutan naming lalaki na Nakita rin namin dito nung huling beses na naggaling kami dito kasama ang babaeng lucky charm niya haha joke. Tinitignan ko sila ng pasimple hanggang sa makaupo at sa hindi sinasadyang pagkakataon napalingon din ang babae saakin kaya madali kong iniwas ang tingin, Maya maya tumingin akong muli at Nakita kong nakatingin parin siya nginitian ko siya pero hindi nagbago ang mukha niya. Palagay ko hindi ako ang tinitignan niya, Tahimik na nagsusulat si Mr.Khalil saaming lamesa umabante ako at pinasandal ko naman siya, Saka ako tinignan ng babaeng yun at confirm nga na si Mr.Khalil ang tinitignan niya.

Khalil "Ano bang ginagawa mo? Mag notes ka ng mga dinidiscuss nila. mamaya magtatanong ka nanaman ng magtatanong."

Taja "Sabi ko nga po eh diba."

The why's of Renaissance Human ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon