Who will fall first?

1 0 0
                                    

Paglipas ng tatlong araw hindi ko na muling inabala pa si Taja sa pagpunta sa awarding ng mga nanalo. Ako ang mag aabot ng award sa mga bagong kampyon kong kay Gene ko naman ito iaabot wala akong magagawa kundi tanggapin nalang.

Nang nasa back stage na ko nakita ko na napaka raming matataas na tao sa likod ng stock market ang nanduon, walang nakakakilala sakanila, hindi ko rin alam kong bakit nung ako ang pinarangalan wala naman sila. Iniidulo ko ang ilan sakanila kaya sobrang kabado rin ako ng mga oras na yun. 

Habang inaayos ko ang aking kasuutan sa harap ng salamin nakita ko mula dito ang mga inaayos ng staff na certificate para sa mga nanalo. Lumapit ako dun para malaman kong sinong papalit sa pwesto ko.

Napaka rami niyang inaayos na certificate at merong mga bilang.

Kahlil "Wow we have a lot of winners this year."

Staff "Ahh opo, mas marami po kasing participants ngayon kaya nagbigay po ng ranking si boss hanggang 10 lang naman po ito."

Pero napansin kong siyam lang ang kanyang inaayos, habang pinupunasan niya ang mga ito pasimple kong binabasa ang mga pangalan nila pero hindi ko nakita ang pangalan ni Gene at ni Taja.

Kahlil "Wait you've said earlier that there's 10 winners but that's only 9 at your hand right? where's the other one? the first one?"

Staff "Special certificate daw yung ibibigay sakanya. Saka ang daming opportunity na naka abang bibigyan siya ng scholarship saka isasabak ata sa competition sa New york kasama mo."

Kahlil "you mean? Makakalaban ko ganun ba?"

Staff "Kateam mo tatlong tao daw per team eh"

Kahlil "ah ganun ba so yung 1rst and 2nd ang makakasama ko sakanila?"

Staff "not sure, sasabihin din naman mamaya."

Kahlil "ah sha nga pala, sino yung bagong Champion ngayon?"

Staff "si Miss Ambrocio from school nyo nanaman grabe hype talaga yung school nyo ang gagaling siguro ng mga mentor nyo dun."

Kahlil "sigurado ka ba? I mean yung champion yung papalit sa place ko. Sino?"

Staff "Oo nga si miss Taja Ambrocio, ang galing niya sa 12% na babaeng sumali nanalo pa siya ng 1rst place siya lang kaya yung kaisa isang babaeng nakasama sa rank tapos biruin mo una pa ha."

Manghang mangha ako kay Taja hindi ako makapaniwalang nanalo siya hindi na ko makapaghintay ibalita to sakanya kailangan niya nang makapunta dito ng maaga.

Lumayo ako sa staff saka ko siya tinawagan.

Kahlil "Hello? taja nasaan ka ngayon?"

Taja "nandito po sa school."

Kahlil "ano ka ba bakit nandyan ka pa awarding ngayon ah diba dapat nandito ka rin?! Magbihis ka na at pumunta ka ngayon dito dalian mo mag uumpisa na."

Taja "pero Mr.Kahlil kayo po ang nagsabing wag na kong magpunta diba saka may play po kami ngayon."

Kahlil "Ano? Kailan ko sinabi? Umalis ka na dyan at mas mahalaga to! Bilisan mo na naku! Lagot ka talaga saken napaka iresponsable mo!"

Taja "guys alis na ko ha awarding kasi ng competition ngayon sorry guys babawi nalang ako sa susunod bye."

***
Taja

Iniwan ko nang galit na galit ang aking mga kagrupo. Pagdating ko sa awarding nakita kong nakaupo sa harapan si Mr. Kahlil kaya imbis na lumapit nag txt nalang ako sakanya.

Taja "nandito na po ako."

Kahlil "sit anywhere."

Kahit pala mentee niya ko hindi parin ako excuse kapag nalilate, nang sinasabi na ang mga panalo hinihintay kong makasama ang pangalan ko kahit sa lima lang duon sa pinaka ibaba para magkaroon naman ng saysay yung pag skip ko ng klase. Pito na ang natatawag wala parin ang pangalan ko kong bakit ba naman kasi pinapunta pa niya ko dito. Ibinaling ko nalang ang attensyon ko sa iba tinawag na ang 3rd place noong nakaraang taon para ipasa ang kanyang karangalan sa bagong nagkamit ng pangatlong karangalan, siyempre ganun din sa 2nd place at maya maya lang tinawag na rin si Mr.Kahlil ang gwapo ni Mentor sa suot niyang suit suportadong suportado ko siya kahit di na siya ang stock market champion ngayong kaya naman tumayo talaga ako para kuhanan siya ng picture.

Emcee "and our new Stock market competition champion will receive A bucket, certificate, a trope, 30,000 cash and free ticket to New york for International Stock Market competition with Zee Arellano the pro stock market broker in the philippines and Kahlil Del mundo the stock market champion year 2018, patatagalin pa ba natin to?"

Nagulat si kuya ng marinig niya ang pangalan ni Zee Arellano ano kayang meron ganun ba kataas yung Zee na yun?

Emcee "The stock market champion 2019 is no other than the woman dust Taja Ambrocio from Demazar University Again"

Gulat na gulat ako ng tawagin ako ng emcee, ako ba talaga yun? Grabe hindi ako makapaniwala nakangiting tinitignan ako ni Mr.Kahlil naninigas talaga ang tuhod ko at hindi ako makagalaw parang trip lang lahat ng to panung naging ako, habang umaakyat ako sa stage bukod tanging ang mentor ko lang at ang kanyang maaliwalas na ngiti ang tinitignan ko sa buong pagtuturo niya ngayon lang siya ngumiti saken ng ganito palagay ko sapat na nga to sakanya para isiping hindi nasayang ang pagod at hirap niya saken pero para saken wala lang lahat ng to kumpara sa araw araw niyang pag gabay wala paring papalit sakanya. Habang iniaabot niya saken ang tropeyo, certificate kitang kita ko sakanyang mga mata kong ganu siya kasincere sa mga sinasabi niya.

Emcee "Ms.Taja Ambrocio may gusto ka bang sabihin?"

Pag abot saken ng micropono hindi ko alam kong saan magsisimula nakatulala lang ako sa mga taong nanunuod at pinapalakpakan ako at ng biglang tumahimik para pakinggan ang sasabihin ko ang una kong nabanggit..

Taja "gusto kong magpasalamat sa Mentor ko na si Mr.Kahlil Del Mundo hindi ko po inaasahan na ako ang papalit sakanya sa posisyon na to. Ipinagpapasalamat ko rin na minsang dumating ang isang araw na nakilala ko siya at nakaabot ako sa puntong to. Hindi ako mapapagod na magpasalamat sayo dahil alam kong hindi ka rin napagod noon saakin, pinagtiyagaan mo ko kahit wala kang kasiguradohan sa kakayahan ko kaya kong meron mang dapat parangalan ngayon walang iba kundi si Mr.Kahlil Del Mundo parin maraming salamat po para sainyo po ito."

Nilapitan ko siya at iniabot ang aking mga nakuhang award pero hindi niya to kinuha bagkos ay hinawakan niya kong bigla papalapit sakanya umiyak siya saka niya ko niyakap.

Kahlil "I'm so proud of you, at the 1st place I won't expect you to be with me now here in stage knowing that I don't taught you everything I know but you did it that's why I'm really really happy you deserve that you exert a lot of effort to get that, congratulation my precious student."

Sapalagay ko mas masaya pa kumpara saken itong mentor ko feeling free na ko ngayon kasi ganito naman pala siya ka genuine. Nagpalakpakan ang mga tao at siyempre may iilan ring naiinis, pag uwi namin hindi ko akalain na aabangan ang mentor ko ng dati niyang katunggali na si Gene.

Gene "tuwa ka naman panalo yang manok mo?"

Kahlil "hmmm."

Gene "alam mo dapat disqualified na kayo eh kasi tinuruan mo siya nandaya kayo."

Kahlil "Well it is important to know what are you going to do. Hindi ka naman siguro sasabak sa laban ng walang armas diba except you're too lazy to find a way."

Lumihis na kami at dumiretsu sa sasakyan yun ang unang beses kong nakita si mr.kahlil na pumatol sa lalaking yun, habang paalis na kami nakita ko ang girl friend ni Gene na nakatayo sa di kalayuan, masama niyang tinitignan ang sasakyan ng mentor ko hindi ko alam kong bakit istudiyante lang naman niya ko at wala akong karapatan kong ano ba ang nangyayari kaya pinabayaan ko nalang.

Pagkatapos ng ilang araw nalaman ng buong campus ang pagkapanalo ko at pati ang pagtuturo saken ni Mr.Kahlil napaka raming lumalapit saken para ipakilala ko daw sila sakanya. Isang araw napaisip ako sa tanong isa kong kaklase..

Classmate "Taja napaka gwapo , humble, matalino at mayaman ng mentor mo sa tagal ng pagtuturo niya sayo hindi mo man lang ba siya nagustohan?"

Kung sa bagay may punto siya gusto ko rin ang mga tipo ng mentor ko pero..

Taja "Oo alam ko, hindi naman ako bulag para hindi magkagusto sa gaya niya, napaka ideal ng gaya niya pero kong magkakagusto man ako ng tulad niya hindi siya. Mataas ang respeto ko sa mentor ko at iginagalang ko siya higit pa sa iniisip nyo at kailan man hindi pumasok sa isip ko na magkagusto sakanya."


The why's of Renaissance Human ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon