Im Allergic To You 8

2 1 0
                                    

(Chapter 8)
*Im khy!*

(Khy POV)
Lumabas na ako ng campus bit bit ang bag ko...duguan na naman ang labi ko kakaaway ko lang kasi...tinapik ko yong balikat ni manong guard

"Uwi na ko huh?"

Pang aasar ko sa don...palagi kasi akong hinahabol non sa tuwing may kaaway ako kaya tuwing pag uwi ko pinapahabol ko lang sya lagi at madalas pag tawanan bonding ba tawag don?!Hindi sya nakakahabol sakin kasi matanda na sya kaya pinagtatawanan ko lang sya

"Bleeehhhh.....Bukas ulit huh?"

Sabay tawa ko at balik ulit ang tingin sa daan ....rinig na rinig ko tuloy yong pag pito nya sakin...isa sa mga hidden talent ko ay ang magsalita mag isa...

"I'm KHY!"

Sabay shake hands ko don sa damo.

"I'm khy!"

Sabay tapik ko Kay Mr. Poste....haha

"I'm khy!"

Sabay wave ko don sa vacant lot...huhu nakakatawa

"I'm khy!"

"I'm khy!"

"I'm khy!"

Pagpapakilala ko sa sarili ko....gusto ko kasi makilala nila ang natitirang gwapo sa mundo ulol!

"I'm kh--"

"I'm KISH...,HEY IM KISH!...HI IM KISH!..,KISH!...KISH PO PALA!"

kumunot yong noo ko sino yan?akala ko ba walang tao!napatingin ako sa gilid ng vacant lot may babaeng naka upo at kinakausap ang mga damo,bato ,at ibat iba pa.

Akala ko ba ako lang ang ganto sa Mundo!?tumahimik lang ako at naglakad straight ...ayokong lumingon sa kauri Kong baliw...luhhh baka narinig nya na kagaya nya ko kinakausap ang kahit ano mag isa!KHY!YOUR SO EMBARASS!

Yumuko lang ako at naglakad ng nag lakad....huhu ayokong mapansin nya ko

"Ako si kish...ikaw sino ka?...ahhh ako pala si kish...tao bayon?naku tao nga!"

Rinig na rinig ko ang paghabol nya sakin kaya mas binilisan ko ang bawat hakbang ko

"Hoy!!hintay!"

Alam Kong ako ang tinatawag nya..

"HOY! HINTAYIN MO KO!!WALA AKONG KASAMA HOY!"

Tawag nya sakin....wag kang lilingon khy!wag na wag!

"Hoy hintay!"

Tawag nya parin sakin...pero bakit mas humihina...mas mabuti nayon...kaya mas pinili ko nalang maglakad siguro naman long distance na kami ngayon...long distance nga ba?

Bakit parang wala ng naka sunod sa akin lumingon ako pero wala na yong babae may lahi ba syang multo?tumayo lahat ng balahibo ko at dahan dahang lumingon pabalik daan na tinatahak ko

"HEY!IM KISH!"

Bigla ba naman syang tumalon papunta sa harapan ko kaya Napa upo ako sa sobrang takot...

"Ahhhh!"

Napasigaw pa nga ako sa sobrang takot...multo!multo!multo tong babaeng to!

"Mamatay nako...mamatay na talaga ako...."

Tapos bigla nya ba naman akong hinawakan sa balikat..

"Umalis ka!"

Pagtataboy ko sa kanya...

"Ano ka ba si Kish to!di mo ba naaalala?Ikaw si khy?"

Tanong nya sakin dinilat ko ang mata ko di ko alam naka upon rin pala sya sa harapan ko para mag ka level na kami..

"Naalala?"

Tanong ko sa kanya!pero may bigla akong naalala sya pala yung babaeng dinuplaan ko ng laway...bigla akong napatayo at tinuro turo sya...

"Ikaw lumayo ka sa akin nakakadiri ka!"

"Ako?ehhh kuya khy!mag best friend tayo!!"

Pagpapaliwanag nya sakin....kailan ko ba sya naging matalik na kaibigan ehhh naiinis nga ko sa kanya

"Pano mo nalaman ang pangalan ko?at saka hindi naman tayo mag bestfriend!?"

Napahawak naman sya sa baba nya sabay isip isip...

"Pano ko nalaman....ahhh sinabi ng best friend ko at narinig ko rin kanina..I'm khy!I'm Khy!I'm Kh--"

Agad akong nagsalita....

"Tama na ano ba!"

Narinig nya pala lahat ng kabaliwan ko kanina ...dumiretso lang ako sa paglalakad at dinundan nya rin ako

"Ako pala si Bluesom Pinkish pero mas sanay akong tawaging kish!at ikaw naman si khy!puros K lahat ng first name natin....nakakatuwa naman.."

Sabay palakpak nya at tawa...ang dami nyang sinasabi...FC masyado.

"Parehas pala tayo no!kinakausap ang sarili pag mag-isa...hahaha nakakatuwa lang na may katulad ko pala sa mundo"

Bat parehas ang sinasabi ng utak ko sa sinasabi nya....nakakainis!
Naglakad lang talaga ako na Hindi sya pinapansin...pero sya satsat parin sya ng satsat!

"Alam mo ganit--"

"Tumigil ka nga!!nakakainis ka!!san ba bahay mo?buntot ka ng buntot ehhh"

Tapos tiningnan nya lang ako na parang ang saya nya pa....

"Wow!kinausap mo ko!naku salamat...Ano nga yong tanong mo?..ahhh Bahay ko!Actually dito yong bahay ko!"

Napatingin ako sa bahay nya ehhhh ang kasunod nito bahay namin...

"ANG MALAS KO!!!"

Napatakbo agad ako papasok ng bahay namin..Kung may ganon akong klaseng neighbor NO WAY!!AYOKO SA KANYA!!hayyysss Ang malas ko naman...huhu






•YourMissPisngi•

Im Alergic To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon