Im Allergic To You 14

2 1 0
                                    

(Chapter 14)
*CONVO*

(Khy POV)
Nakaupo lang ako sa gilid ng daan...hinangad ko na sana ako nalang ang nasagasaan...hawak hawak ko ngayon ang bag ni kish kasi nong nasagasaan sya natapon yong bag nya..kaya kinuha ko.

Binuksan ko yong bag nya...nakita ko doon sa bulsa nya na punong puno ng Candy's ..nakita ko rin yong gamot nya na nasa isang garapa at isang lagyanan ng tubig..hinanap ko kung saan ang phone nya..nakaipit lang pala sa isang notes nya..

Ginalaw ko ang phone nya walang password kaya mas naging madali sa akin ang buksan iyon...pero bat walang password?baliw ba sya!..ehhh pag ibang tao ang nakapulot nito..nag iisip ba talaga sya...

Yung wallpaper nang phone nya ay sya ang NASA gitna at parents nya ata ang nasa gilid nya..pinuntahan ko ang contacts sa phone ni kish...nakita ko don ang tatlong contacts...tatlo lang ang meron sya...Mommy B,Daddy P at Fetus.kaya mas pinili kong tawagan si Mommy B.

Rinig ko nag ri-ring na ang kabilang Linya...

"Hello.."

Sabi nong mama nya sa kabilang linya

"Anak naman miss mo na agad kami...katatawag mo lang kanina huh?"

May kung anong kirot sa puso ko...tila ba babagsak ang luha ko...naalala ko ang mama ko.

"Nak? Bat parang umii---"

Pinunasan ko ang luha ko..

"Yung papa mo nak. Ewan ko bah bat hanggang ngayo---"

"Ahh hello po.."

Saad ko...biglang napasigaw yung mama nya at tinawag ang papa ni kish...

"Paaaaa....May lalaki!..boyfriend ata ni kish"

Tuwang tuwang tugon ni Tita sa papa ni kish...

"Talaga totoo yan"

Rinig kong tugon ng papa niya sa kabilang linya.

"A--hh ehh naku po..hindi nya po ako boyfriend..."

Saad ko sa kanila..

"Ano ka ba naman Mama B baka yan yung Fetus..o baka yung khy!"

Saad nang papa nya... nagulat ako ng nabanggit ang pangalan ko..bat nila ako kilala?

"Ahh ehh sino kaba hijo?"

Tanong nong mama ata ni kish.

"Ahh ako po si Khy!yung neighbor nya"

Pagpapakilala ko sa kanila

"Sabi ko sayo mama B...Si khy nga."

Saad naman nong papa ni kish.

"Ahhh ano yon?"

Pag iiba nang usapan nang mama ni Kish...yong totoong pakay ko talaga ay  sabihin ang totoong nangyari...Hindi ko alam kung saan ako magsisimula..

"Ahh si kish po kasi--"

sinusubukan Kong di mautal para makapagsalita ako ng maayos

"NABUNTIS MO?!"

Halos mabingi naman ako sa sigaw ng mama ni kish...na shock ako Don.

"N-naku po hindi po yon...Si Kish po..nasa---"

"NASA KWARTO MO!!!ANONG GINAGAWA NYO?"

Bulyaw naman ng papa niya sa kabilang Linya...napakamot naman ako sa ulo ko.Problema ata tong pinasukan ko.

"Naku po mali po ang iniisip nyo...si kish po.....nasagasaan."

Pinilit kong sabihin yon ng mahinahon..para di naman sila gaanong mabigla sa nangyari.

"ANO???YUNG ANAK NAMIN?"

"Ahh---"

Tapos napatingin ako sa phone ni kishhh ayon biglaang nag power off..

Lowbat.

Hayyyss kainis naman ohhh...Napa pikit nalang ako at naglakad na din..

Pupuntahan kita kish.

Im Alergic To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon