Im Allergic To You 19

2 1 0
                                    

(chapter 19)
*Mga Bantay ko*

(Kish POV)
Nakaupo lang kami ni kHy sa gitna ng plaza habang dinidilaan ko ang ice-cream na bibit ko?...Ohhh bat nilalapit nya ang mukha nya sakin..Ano ba to!AYOKO SAYO!!AYOKO!

Bigla nalang akong napaupo at napahinga ng malalim...Napa buntong hininga naman ako...

"Panaginip naman ohh....bat ang bastos!"

Sabay sampal sampal ko sa sariling pisngi.Nagising naman ako sa katotohanang may lalaking nakahilig ang ulo sa kama ko habang natutulog.

"Ano?"

Sinampal sampal ko uli ang sarili ko .baka kasi nanaginip pa ako..kish gumising ka na...bulyaw ko sa sarili,pumikit ako ng Mariin at dinadasal ko na sana sa aking pag gising wala na ang lalaking to.

"Kish mag isip ka ng maayos!kailangan mong gumising sa bastos mong panaginip!"

Tapos huminga ako ng malalim.Bat ko ba kasi napapanaginipan yon?..

"1..2..3..AHHHHHHH!!!"

Nagulat naman ako ng mukha ni Khy ang pinaka unang nakita ko.

"Good morning bunso."

Sabay ngiti nya pa..kumuha agad ako ng unan at pinagsasapak ko yon sa kanya.

"Aray--aray ko naman bunso."

"BASTOS KA!MANYAK!MANYAKIS!!!"

Baka kasi totoong nangyari yon!..

"Hoy!ano ba!"

Tapos pinigilan nya ang kamay kung kating-kati parin at gustong-gusto ang masapak sya.Takot na takot tuloy ako sa kanya.

"Anong nangyayari sayo?"

Pinipigilan nya parin ang kamay ko.di ko naman kaya ang pumiglas pa!Nakatingin lang sya sakin ngayon at yon ang di ko nagustuhan.

"Huminahon ka nga.."

Kaya napahinga naman ako ng malalim.Ano ba kasi tong pinag-iisip ko.Di naman siguro magagawa ni Khy iyon sa akin.Ako lang ata tong Over thinking masyado!

"Ano ba kasing nangyayari sayo?"

Tanong nya ulit sa akin pero ngayon,umupo na sya at mahinahon na ako.Inalis nya na ang pagka pigil nya sa kamay ko.Dahan dahan kong nilapit ang hintuturo Kong kamay sa ilong nya..

"Totoo ka nga!"

"Oo totoo ako!"

Pinakalma ko naman agad ang sarili ko.Bat ka nag papaapekto sa panaginip mo?haysss..

"Ahhh wala.."

Napatingin naman ako sa buong silid,Hindi ko nakita si mama at papa.nasaan kaya sila.

"Ahh saka nga pala bunso.Si mama at papa umuwi muna sa bahay mo maglilinis daw sila don,saka bibili narin nong niresitang gamot ng doktor."

Mama at papa?wow iba?saka bunso?akala ko ba di nya ako tatawagin ng ganyan ever,saka pagka-alala ko galit sya sakin kasi tinatawag ko syang Kuya ni Hindi nga raw kami magkapatid ehhh,tapos ngayon may pa bunso-bunso sya,tapos nakikisampid na rin sya sa mga magulang ko?Iba rin!

"P-payag ka na palang k-kuya ang itawag ko sayo."tinanong ko nalang talaga sa kanya baka kasi pag tinawag ko syang Kuya,totopakin na naman sya anytime mabuti na yong sure tayo.

"Bat naman Hindi?diba nga bunso kita.."

Tapos ngumiti sya..ok fine,edi masaya ang lahat..saka may Kuya narin ako..Whoaa

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 09, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Im Alergic To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon