(Chapter 18)
"Tulog"(Khy POV)
Nagtatawanan lang kami ni papa habang papasok ng room ni Kish nang marinig naming may tunog babae ang tila masayang masayang nagki-kwento."Ma grabehh ang saya pala dito sa labas no....Di ko ma explain.minsan halos matawa ako sa mga nangyayari,basta ang saya lang mama."
Boses ni Kish yon.Agad agad namang nilapag ni papa yong pinamili nya at dali daling nilapitan ang anak na ngayon ay gising na.
"Miss you papa"nakayakap na ngayon si Tito Kay kish.at humagulgol narin sa iyak si Kish.Miss na miss nya siguro ang mga magulang nya.ang pagkakaalam ko kasi ehh unang pagkakataon nya na hiwalay sa magulang.nakangiti ako habang nakatingin sa kanila.Ang saya ng pamilya nila.nilapag ko na yong mga bitbit kong pinamili namin kanina at nakapag isip ako na aalis na ako dito.oras pamilya to,ehh di rin naman ako ka ano-ano kaya wala akong lugar dito.humakbang na ako palapit sa pinto.
"Kuya khy."boses iyon ni kish.ang hina-hina parin ng boses ni kish at naaawa ako dahil ako ang dahilan.humigpit ang pagpihit ko sa door knob ng pinto.
"Ahhh uuwi na ako.."Hindi na ako lumingon pa habang sinasabi ang mga salitang iyon.
"H-hindi ka lang ba lalapit sakin"base sa tono ng boses nya nalulungkot sya.
"Nak wag ka na munang umuwi"pagpipigil ni Tita."Oo nga naman nak bubuksan pa natin yong pinamili natin kanina..hali ka muna dito,nahihiya ka ba sa dalaga namin."saad naman ni papa..napangiti lang ako inaasar na naman ako ni papa.
Rinig ko naman ang pag angal ni Kish dahil sa sinabi ni papa sa kanya.humakbang ako papalapit sa kanila.tumabi naman si Tita at papa para makita ko ang anak nila ng maayos.Pagkalapit ko don saka ko pa nasilayan kung gano ka lala ang natamo nyang disgrasya.Maraming bandage ang nakadikit sa kanya ngayon meron dalawang binti nya,braso,at pati narin sa noo nya.Parang dinukot ang puso ko.Ako ang dahilan kaya sya nahihirapan ngayon.yumuko ako at natagpuan ko nalang ang sarili ko na niyayakap ko sya.
"Sorry kish...I'm so sorry..."
Di ko na maisip kung ano ba ang tama Kong sabihin pero sa ngayon ang humingi lamang ng tawad ang nasabi ko.
"K-kuya OK lang naman ako."
Mahina parin ang boses nya at sa tuwing naririnig ko ang boses nyang mahina ,mas nasasaktan ang puso ko.pumatak ang luha ko at humihikbi na pala ako ngayon.nagsisi ako kasi wala namang masamang ginawa sakin si kish pero ganito ang ganti ko sa kanya.
"Humihingi ako ng tawad...Hindi na ulit mangyayari ulit yon pangako."
Naramdaman ko namang hinihimas himas nya ang likod ko at sa tingin komukomportable ang pakiramdam ko.
(Kish POV)
"Nak ano?,OK na kayo?"
Tanong ni mama habang hinahanda ang pagkain ko pang hapunan,pagkatapos non kumuha rin sya ng unan dahil oras na para matulog.Ako nakatingin lang sa parang batang nakayakap sakin na ayaw na kumawala.may plano pa ba syang umalis?
"Kain ka na nak...kakahatid lang nitong pagkain mo."
"Ehhh kayo po ma?"
Habang ang kamay ko ay nakahimas parin sa likuran ni Khy.ehhh kanina pa kasi to humihikbi tapos di maawat sa kaka hingi ng tawad.
"Tapos na kami nak.yung papa mo naman masyadong maaga natulog."
Tapos sabay nguso nong labi nya paturo Kay papa na ngayon ay nakanganga sa sobrang sarap ng tulog.
"Ayyy cgeh po ma matulog ka na din..kakain ako maya maya."
Ehhh hindi pa ako dinadalaw ng gutom,pano ako gugutomin ehhh may batang nag e-emote.
"Tulog ka na..OK lang ako."
Sabay ngiti ko sa kanya.
"Sige nak.pagod narin kasi ako ehh,good night na."
Lalapit pa sana sya sakin dahil hahalikan nya ko sa pisngi.kaya lang pano yon mangyayari Kong may malaking batang nakayakap parin sakin ngayon.Nag flying kiss nalang ako sa kanya at nag flying kiss rin si mama saka pa sya natulog.
Inalog ko naman si Kuya.
"Hoy Kuya.."
Tiningnan ko sya,parang nakatulog ata.kaya mas minabuti kong alisin yong ulo nya sa balikat ko.hawak ko ang dalawa nyang pisngi at saka inalis iyon sa balikat ko..nakahawak parin ako ngayon sa magkabilaan nyang pisngi di ko mabitaw-bitawan ehhh nakaka akit kasi ang cute nyang mata,yung ilong nyang mataas na maliit,at saka yong hugis puso nyang labi.shemsss.
"Pinagnanasahan mo kapogian ko no?..Alam ko yon..."
Na shock naman ako dahil bigla bigla syang nagsalita.dahil sa gulat nabitawan ko yong mukha nyang nakatapat rin sa mukha ko...
Ehhh bakit ko yon ginawa?
"Ku---ya"
Halos mahirapan naman ako sa pagsasalita.Napa pikit nalang ako kasi nga yong mukha nya nahulog rin sa mukha ko.Y-yong labi nya kasi nasa ibabaw ng mga labi ko malapit sa ilong.
Pinapawisan na tuloy ako ngayon.medyo mga ilang segundo rin bago nya pa naisipan umalis.tumawa lang sya pagkatapos non..
Ulol masaya pa sya!
"Ohh bat ka pinapawisan?"
Sabay tawa nya sa tanong nyang di naman nakakatawa.halos di ko na nga alam ang gagawin ko dahil sa nangyari.
"M-matutulog na a-ako...k-kuya"
Bat ako nauutal?pumikit nalang ako at napagdesisyonang matulog.Parang malilipasan ako ng gutom ngayon ehhh..huhu
BINABASA MO ANG
Im Alergic To You
Novela JuvenilI'm Kish Ang babaeng 18years pinagkaitan makilala kung ano ang tunay na mundo,dahil sa allergic sa isang bagay na alam Kong di ko naman maiwasan. Dont expect to much kasi newbie si baby...... Sorry sa wrong spelling mga beh di perfect si author;) Sa...