Im Allergic To You 16

1 1 0
                                    

(Chapter 16)
"Anak"

(Khy POV)
Sumunod ako kay Tita at Tito don papasok sa loob ng room ni kish..andon umiiyak parin sila..tumikhem ako kaya napatuon ang pansin nila sakin.

Unang lumingon ang papa ni Kish kaya ako ito kinakabahan baka kasi anytime masasapak nya ko...ako po yong may kasalanan.

"Ahhhh Boyfriend ka ba ng anak ko hijo?"

Napakamot ako sa ulo...nasabi ko na naman kanina na di nya ako boyfriend tong papa ni kish may tama rin.

"Ahhh naku po..mali po ang iniisip ninyo.Ako pala si Khy.."

Sabay lahad ko sa kamay ko nagtaka naman ako nang humakbang si Tito palapit sa akin napahakbang tuloy ako pa atras..nakakatakot.anong gagawin nito sakin?Tito wag hindi ho ako ang may kasalanan...aksidente lang po ang nangyari.

Humakbang lang ng humakbang si tito habang ako naman tumatagaktak na ang pawis ko at nag uunahan pumatak.

"T-tito..w-agg"

"Yung anak ko...mahal na mahal ko yan..ayoko syang masaktan kelan man.Hindi ko akalain na mangyayari to sa kanya.litong lito na ako khy...di ko na alam kung anong gagawin ko kung may mangyari sa kanya"

Maluha-luhang saad ng papa ni Kish...napalunok tuloy ako.tapos bigla nalang nya akong niyakap habang humahagulgol.

"Khy anakkk..."

Umiiyak lang sya ngayon niyakap ko rin sya at hinimas himas ang likod nya para mahimasmasan.

"Ho."

"Papunas huh?..lalabas lang kasi ang sipon ko.."

Sabay blow nya don sa T-shirt sa bandang braso ko.Malagkit sya pero OK lang kesa sa sampalin nya ko.

"Salamat nak huh?"

Sabay kalas nya sa pagkakayakap nya sakin.Ngumiti lang ako kahit pilit ehhh wala naman talaga akong pakialam sa babaeng to.pero bakit ako andito.?hayysss .tinawag ni tito si Tita.

"Mama B si Khy nga pala anak natin.Kaibigan ni Kish yung tumawag sa atin kanina."

Pinunasan naman ni tita ang luha nya saka ako tinuonan ng pansin..

"Khy anak."

Marahang saad ni tita.tapos suminyas sya na lumapit ako sa kanya.lumapit rin ako palapit sa kanya.

"Salamat at tinawagan mo kami agad."tapos hinawakan nya ang kamay ko..bakit sila nagpapasalamat?"ahh ehhh wala po yun" Niyakap agad ako ni Tita.feeling ko tuloy ang sarap magpayakap,ganito ba ang yakap ng isang ina?kumalas sya sa pagkakayakap sakin at tiningnan nya ang kabuoan ko.

"Naku!ang dumi mo.maupo ka na muna anak"

Tapos pinaupo nya ako sa kama ni kish.Ikaw yong nadihado pero bakit ako ang nakakadama ng alaga nila ngayon?napatingin ako Kay Kish na ngayon ay tulog.Nagi-guilty parin ako.tiningnan ko si tita ayon kung ano ano na ang nilabas sa bag nya..

"Papa pink saan ko nalagay yung wipes?"

"Andon sa kabilang bag mama.."

Tapos dali-dali namang pumunta si mama ay este si Tita.kinuha nya agad yon sa kabilang bag.nang makita nya na yong wipes lumapit agad sya sakin..pinunasan nya ang mukha ko,braso ko,at paa.puno raw kasi ng dugo at grasa ang mukha ko.Nakatitig lang ako kay Tita dinadama ko kung anong ginagawa nya.Sana lahat ng nanay ganto,ang swerte ni kish.pinagkalooban sya ng mapagmahal na magulang.Tiningnan ko rin si Tito andon lang pala sya sa kabilang bahagi ng kama at awang-awa syang nakatingin sa anak nya..Hinahalikan nya ngayon ang mga galos na natamo ni Kish..

Mahal na mahal nila ang iisa nilang anak.ako?may nagmamahal bah?

"Ohh anak..."Parang napansin ni tito ang pagtingin ko sa kanya."Ahh ehh"..yun nalang ang nasabat ko..ano ba dapat ang sabibihin ko?

"Papa..halikan mo rin yong sugat ni khy."Napatingin tuloy ako Kay Tita.natawa naman ako kasi lumapit rin agad si Tito..

Ehhh ayaw ko po.

"Ahh ehh naku po tito wag na po.."pagpipigil ko..nakakahiya naman talaga."Nahihiya ka lang ehh"saad naman ni Tita..owwws mukhang mahahalikan ako ngayon.

"Ok lang po talaga ako."pagpipigil ko uli wala naman akong sugat ehhh."sure ka anak walang masakit?"tanong ni Tito na ngayon ay nakahawak na sa braso ko.umiling lang ako bilang sagot.

"Ohh sige..Papa P pahiramin mo ng masusuot tong si Khy.Ang dumi kasi ng damit nito,dahil to sa kakatulong to Kay kish papa ehh"

Umalma ako syempre..ok lang naman sakin kahit dugyot ako.

"Ahh naku wag na ok lang po talaga sakin kahit madumi."

Lumapit si Tito at may dala na syang damit ngayon at binigay nya sakin,Hinawakan nya agad ang braso ko."Anak narin kita ngayon,kaya Ok lang wag ka nang mahiya samin,Suotin mo yan medyo malaki nga lang kasi malaki tyan ko..Suotin mo yan kundi magtatampo ako"

Saad ni Tito ngumiti lang ako saka tinanggap ang damit,sinuot ko yon dito sa banyo at napatingin sa repleksyon sa salamin.ang sarap Lang sa feeling na inaalagaan ako ulit.

Im Alergic To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon