(Author's Note: After 23 days, yes binilang ko, jk. Kita kasi kung kelan last update mo. Anyway, After ilang weeks, nakapag-update na ako. Exams kasi namin tapos project making and all that so sobrang naging busy talaga. Plus, may nangyari pang 'di ko inaasahan so yeah. Enjoy!)
Normal Person's POV ~
*fast forward to the day before school ends*
Malapit na matapos ang pasukan nila pero hindi pahuhuli ang kanilang paaralan sa mga patimpalak. Bago kasi magtapos ang taong ito, nagkaroon pa sila ng "Eco-Pageant" kung saan ang bawat klase ay maghahanap ng isang babae at isang lalaki para gawing representative ng kanilang klase.
Si Myka at Gabbo ang napili para sa klase nila Althea, Sabrina at Pearl.
Bawat klase, hindi lang representative ang kelangang asikasuhin. Gagawa rin sila ng costume para doon sa dalawa pero ang twist ay dapat mayroong mga recycable bagay na nasa costume. Bukod sa costume, kelangan rin ng klase na makaipon ng mga kung anu-anong bagay na pwedeng i-recycle. Titimbangin kasi ito o kikiluhin para sa dagdag na puntos.
Naging matiyaga ang buong klase nina Althea para sa huling patimpalak na ito. Gusto nilang ipakita sa kanilang adviser na si Sir Dominique na kahit patapos na ang klase, hindi ito magiging hadlang para gawin nila ang lahat para manalo. Gusto rin nilang bigyan ng premyo ang kanilang guro para sa pagiging isang mabuti, mabait at maasahang kaibigan nito.
*fast forward to the last day of school*
Ito na. Ito na ang araw na pinakahihintay ng klase nila. Ginawa nila ang lahat para manalo sa patimpalak na ito. Naghanap sila ng kung anu-anong bagay na pwedeng pakinabangan, pinaghirapan din nila ang damit na susuotion ng mga kalahok, maganda rin ang ayos ng dalawang representative nila. Handa na sila. Handa na sila sa mangyayari.
Naging maayos ang patimpalak. Alam nilang kaya nilang makapasok sa Top 3. Todo sigaw ang bawat estudyante na kabilang sa klase nila. Maging ang kanilang guro ay sumisigaw na rin.
Sabay-sabay na nagtatatalon ang buong klase kasama ang kanilang mga guro noong sinabi na ng mga hurado na ang kanilang representative ang nanalo sa patimpalak. Halos maiyak silang lahat sa balitang nalaman nila. Sobrang pinaghirapan at pinagpaguran kasi nila ito. Lalo na ang pangongoloketa at paghahanap ng kung anu-ano para timbangin at maging punto.
"WAAAAAAAAAAAAH! SIMULAN NA ANG PARTY SA CLASSROOM!" Sigaw ng isa lalaki habang pumipili siya ng tugtog na papatugtugin. Sabay-sabay na nagsayaw ang buong klase. Talagang sinusulit nila ang huling araw kung saan huling araw na nilang magkikita at bakasyon nanaman.
_____
Althea's POV ~
"May naisip ako. Hahaha." Sabi ko kay Pearl. Mukha siyang nagtataka sa kung ano ang ipinaplano ko. Hindi ko alam kung nage-gets ba niya ako or hindi pero noong lumapit na ako sa speakers at nagpatugtog, alam kong alam na niya kung ano ang gusto kong mangyari...
*insert music here*
All I hear is raindrops, falling on the rooftop
Oh baby tell me why'd you have to go
Cause this pain I feel, it won't go away
And today I'm officially missing you
Nakita namin ni Pearl na napalingon samin si Sab. Ayaw niya kasi sa kantang 'to. May naaalala daw siya. Hindi si Prince pero si Matthew. Ayoko nang ikuwento si Matthew, baka masapak pa ako nun. Mahirap na.
BINABASA MO ANG
Will the chickboy ever learn his lesson?
Teen FictionSi Lance ay isang chickboy. Mapaglaro siya dahil sa kakaibang prinsipyong meron siya. Sino kaya ang babaeng makakapagpabago sakanya? Gaano kadaming problema ang kailangan niyang maranasan para lang mabago niya si Lance? Kakayanin ba niya o susuko na...