Chapter 4

109 0 0
                                    

Althea’s POV ~

Lumipas ang mga ordinaryong araw. Wala namang mga kakaibang nangyari. Focus lang ang lahat sa pag-aaral. Malapit na kasi ang exams namin, kaya medyo naghahabol kami sa lessons lalo na sa CL. Nakabalik na kasi si Sir Dominique pero hindi parin siya magtuturo samin ngayon. Si Sir Dan parin kasi maraming inaasikaso si Sir Dominique. Di bale, atleast alam naming ligtas na siya :)

Nagdiscuss lang kami for the whole hour. Medyo inaantok na nga ako eh. Hindi pala medyo, inaantok talaga ako at pilit ko itong nilalabanan. Ang hirap naman kasi ng tinuturo ni Sir. Mga Marian names tapos kailangan mo pang sauluhin kung saan yung place nila tsaka date. Ah ewan, matutulog nalang ako.

Patulog na sana ako nang biglang…

*riiiiiiing*

Oh yeah baby! Saved by the bell nanaman ako! Tapos pagtingin ko sa kanan ko… Ay shit! Lahat sila halos tulog?

Yung totoo, bakit parang hindi sila pinagalitan or pinagsabihan man lang ni Sir Dan? Teacher ba talaga ‘to? Hindi ba niya nakikita na tinutulugan lang siya ng mga estudyante niya? O baka namna sadyang wala lang siyang pakielam? Palibhasa, magturo man siya o hindi, susuweldo parin naman siya.

“Okay class, you ma…” Hindi na siya pinatapos ng mga kaklase ko at tuloy-tuloy na silang lumabas. Nahuli akong lumabas kasi hinihintay ko pa si Sabrina. May inaayos pa kasi siya sa bag niya. Bagal talaga.

“Ugh! Since ikaw nalang ang nandito, Miss Dela Cruz. Ikaw nalang ang magsabi sa class niyo about sa announcement ni Sir Dominique niyo tungkol sa exams niyo at Area Meet.” Sabi sakin ni Sir Dan.

“Sige po, Sir. Ano po ba yun?”

“Next week would be your exams. Ipopost yung schedule sa bulletin board so tignan niyo nalang doon. Feeling ko same schedules parin like before pero check niyo narin dun for sure. Next, yung area meet niyo naman ay the following week. Monday would be allotted for the meetings, trainings and practices of everyone. You would be going to your club on Friday afternoon for the first meeting and then everything would follow. Wednesday would be the start of our Area Meet.” Tango lang ako ng tango habang salita siya ng salita sa harapan ko. Natapos na ring mag-ayos si Sabrina kaya lumapit na siya samin.

“Am I clear, Miss Dela Cruz?”

“Yes Sir!”

“Okay, you may go now.” At umalis na nga kami ni Sabrina.

Naglalakad na kami ngayon papunta sa bulletin board sa main lobby. Titignan na namin kasi malamang tatanungin rin ako ng mga kaklase ko tungkol dito.

“Same schedule lang naman pala so no need to worry. Tara, cafeteria tayo.” Sabi sakin ni Sab.

“Ugh. I can’t. I’m going home early.”

“At bakit naman kaya, Miss Dela Cruz?”

“Matutulog kasi ako. Pagod ako, Sab. Sorry.”

“Hay nako. Fine fine. I’ll text Prince nalang. Ingat ka pauwi.”

“Salamat! Ingat si Prince sayo. Joke.”

“Che. Shut up, Thea!” Sabay inirapan pa niya ako.

Sabrina’s POV ~

Ito ako ngayon, hinihintay si Prince sa paseo. Ang tagal naman niya. Grabe. Mai-text nga muna…

To: Prince My Loves

“Asan ka na ba? Kanina pa ako naghihintay dito sa Starbucks. Mauubos ko na yung drink ko.”

*clicks send*

After 10minutes, may tumabi sakin. Paglingon ko, finally!

“Ang tagal mo naman. Ano bang ginawa mo?” Tanong ko sakanya.

“May pinuntahan lang. Sorry na. Andito na naman ako oh.” At kiniss niya ako sa cheeks.

Matagal rin kaming nag-gala gala sa Paseo. Masaya talaga ako kapag kasama ko si Prince. Magtu-two months na nga kami eh. 2 weeks from now, ice-celebrate na naming yung 2nd monthsary namin.

Napagod na ako sa paglalakad kaya naman tumambay na ulit kami sa Starbucks. Sa taas kami pumwesto para may comfy na chair. Hahaha.

“Sab, malapit na monthsary natin oh! Excited na ako.” Sabi niya sakin. Tuwang-tuwa siya. Kitang-kita sa itsura niya. Para bang first time namin magce-celebrate ng monthsary. Hahaha.

“Ako rin. Haha. Gala tayo ah? Kahit sa ATC lang tayo!”

“Sure! Ikaw pa, lakas mo sakin eh.”

Prince’s POV ~

Hinatid ko na si Sab sa bahay nila pagkatapos nung biglaang gala namin.

Ako nga pala si Prince, boyfriend ni Sab. Magtu-two months na kami 2 weeks from now. Mahal ko naman talaga yan si Sab pero paano na si Kris…

Si Kris ay bago kong kakilalang girl. Siguro mga 1 month na rin kaming magkakilala. Medyo nararamdaman kong may something samin kaya kinausap ko na siya.

*flashback*

Kanina bago ako makipagkita kay Sab, nagkita muna kami ni Kris.

“Kris, may tatanong ako sayo.”

“Ano yun?”

“Ano ba tayo?” Nakita kong medyo nagulat siya sa tanong ko sakanya.

“Hindi ko alam pero ang alam ko, special ka sakin, Prince. Alam kong hindi pwede kasi may girl ka. So I respect that. Eh sayo, ano ba tayo?”

“Yun na nga eh, may girl ako. I’m sorry, Kris.”

“Okay lang yun. Pinili ko rin naman ‘to. So I guess, this is goodbye then?”

“Basta lagi mong tatandaan, Kris, na kung ano yung ipinakita ko sayo, ako talaga yun. I love you, Kris. And I’m sorry.”

Nginitian lang niya ako sabay umalis na siya.

*end of flashback*

Mahirap pero kailangan. Mahal ko si Sab kaya kelangan ko nang itigil ang mga kalokohan ko. As much as possible, kelangan ko nang magbago. Para sa sarili ko, para kay Sab at para samin.

(Author's Note: Oooopps! Mukhang hindi lang si Lance ang chickboy sa story natin ah? Hahaha. Magbabago rin kaya si Prince para kay Sab? Abangan.)

Will the chickboy ever learn his lesson?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon