Chapter 45: Bloody Cage

41 5 0
                                    

[Author's POV]

"Sama sama tayong lalabas walang maiiwan"

Ngunit, kahit kailan hindi nila napag handaang may mamatay. Halos madurog na ang puso nila nong nawala si timothy at ngayon nanganganib ring mawala si terrence.

"Terrence!" 

Agad umiyak ang mga ka groupo nila maging si north ay natulala nalang habang umaagos ang masaganang luha sa kanyang dalawang mata. Kung ang groupo nilay nag luluksa ang iba namang manonood ay humiyaw na tila nasiyahan.

Natulala si vladie. Ngunit pag kuway umusbong na naman ang galit sa kanyang systema at ramdam niyang pumula na ang kanyang mata ngunit pinili niyang ilugay ang kanyang buhok upang bahagyang ma itago ito.

Umaagos ang luha niya ngunit mas ramdam niya ang gakit.

Nangako siya sa bangkay ni timothy  lahat ay lalabas at walang maiiwan ngunit... nabigo siya.

Nabigo ulit siyang ipag tanggol ang isa sa mga importanteng tao sa buhay niya.

"Damn you!"

Hindi na  niya ininda ang sugat niya sa kamay sa pag salag sa espada diritso niya itong kinuha mula sa kamay ni melon at agad niyang sinaksak ang babae. Natigilan si tania at napa tingin sa mata ni Vladie.

Napa atras siya.

"Ikaw..."

Sa isang iglap diritso siyang sinaksak sa dibdib ni vladie dahilan para  agad siyang mawalan ng buhay. Humahangos dahil sa galit si vladie at napalingon siya sa kamay na humawak sa binti niya.

Si terrence.

Napa luhod siya at inilagay ang ulo ni terrence sa kanyang kandungan. Nanatiling umaagos ang kanyang masaganang luha at unti unting bumabalik sa natural nitong kulay ang kanyang mga mata

Hindi... hindi pwede... tama na. Nawala na si timothy hindi maaring pati siya

Agad namang nahimatay si trishna dahil sa kakaiyak at agad siyang binuhat ni hayes na ngayoy umiiyak narin si north ay hindi na napigilan ang sariling tumakbo papunta sa entrance ng bloody cage maging sina eldice inggrid migs fin at crishna habang si hayes ay hinahalik halikan sa mukha si trishna na hinimatay. Binuhat niya ito at ng punta rin siya sa entrance ng bloody cage.

Panay hampas si north sa cage upang buksan ito ngunit hindi parin ito nag bubukas. Mas nagalit siya nong nakita niyang nakangiting umiinom ng wine ang staff ng paaralan maging ang  matandang si Mr. Taneda ay naka ngiti rin at nakipag toast pa.

Sh*t wala ito sa plano!

"Buksan niyo to please, terrence!"

"Terrence, hindi... terrence!"

Panay kalampag na ang ginagawa nila habang ang ibang estudyante ay naka ngiti at humihiyaw.

Nawawasak ang puso ni vladie habang sapo ang pesngi ni terrence namay bahid na ng dugo. Unti unti naring humihina ang tibok ng puso nito at ang pag hinga niya ay nagiging mahina . Naka ngiti nitong hinawakan ang pesngi ng babaeng bumihag sa puso niya

"You're...m-my...Black...Mysterious..Ro-rose"

Pinigilan ni vladie si terrence na mag salita at ramdam niya  ang pag hihirap ni terrence.

"Sama sama... tayong lalaya diba? Sama sama tayo. Tayong lahat,nangako ka"

Hindi na niya napigilang maging emosyonal maging ang boses niyay garalgal narin. Ngumiti si terrence.

"Kami...n-ni ti-timothy a-ay ka-kasama niyo pag-la-labas niyo"

"Buksan niyo to! Buksan niyo please! Terrence!"

Bloodshed High:SFMHAH (Completed)Where stories live. Discover now