Chapter 24

47 6 0
                                    

[North's POV]

"Hindi ko alam *hik* kung saan mag uumpisa *hik* masakit tol *hik* ang sakit"

Patuloy ko lang na tinatapik ang balikat ni Hayes na ngayoy lasing na lasing na at panay iyak. Wengya wala namanln akong naiintindihan sa sinasabi niya eh hind namann ako nakikinig.

Iba iniisip ko eh. Hm.

"Pero teka *hik* gusto mo si vladie? *hik* di ka nag jo joke?"

Don na ako napa react at napa nguso sa sinabi niya.

"Hindi ako nag jo joke! Hmp! Alam ko namang hindi kapa ni paniwala kaso tol wengya ito na eh ewan ko ba bakit ko nagustuhan iyon eh mas matalas pa pag iisip ko don!"

Hindi ko mapigilang mapa ngoso. Abot langit naman kasi talaga ang galit ko sa babaeng iyon eh! Hindi man lang marunong mag suklay kahit pulbo hindi, pati uniform niya kahit naka saya ang kapal ng mukhang mag dekwatro angas angas pa tapos may pa mesteryos epek pa ang tomboy na iyon pero nagustuhan ko ahhhh! Bakit ko ba iyon na gustuhan? Ginayuma niya ba ako!?

Gayuma!? F*ck mas mukha pa iyong leader ng maute kay sa albularyo o ano pa iyang ka ek ekan.

"Matalas daw pag isiip! Ha ha ha"

Kung hindi lang to broken hearted kanina pato bogbog sarado sa akin.eh ts

Napatingin ako kay hayes nong humiga na siya sa damuhan humiga rin ako at tumingin ako sa langit na wala namang ni isang bituin. Nakikisali sa ka dramahan ng ka groupo kong ito ang langit ah!

Hm. Saan kaya nag tatago ang mga bituin pag hindi sila makita ng mga tao? Lilipad ako minsan gamit chopper namin at ako tutuklas niyan tatalbogan ko ang mga natuklasan ni einstein bwhahaha bwbababa.

"Mukhang pati ang langit nag dadamot sa akin. Isang bituin lang naman eh, gusto kong may shooting star at hihiling ako...na sana... sana ako parin"

Tinignan ko ang ka dramahan ng bwesit. Ang bad ko namang leader kong hindi ko dadamayan diba? Kaya tumayo ako.

"Diyan ka lang!"

Tumakbo ako papunta sa garahe at kumuha ng bombilya bumalik ulit ako kay hayes at ipinolopot ko ang tali sa bombilya na de baterya at pinalutang ito sa may mukha ni hayes.

"Oh ayan! Shooting star hiling na!"

Aba genius ko ah!  Sinamaan ako ng tingin ni hayes.

"Punyemas nakakatulong ka ah!"

Teka? May kulang ba? Ah! Baka yung kanta baka kailangan kumanta.

"Twinkle twinkle little star how I wonder what you are--"

"ANONG GINAGAWA MO"

Nakita ko kong paano tinakpan ni hayes ang dalawa niyang tenga. Napa ismid ako.

"Kumakanta mag wi wish ka diba!? Oh ayan wishhh na!'

Tsaka ko kunyari pinalutang lutang sa may mukha niya napa balikwas siya ng bangon.

"Ewan ko sayo tol! "

At kinuha niya ang bote ng beer at ininom. Natigilan ako at nakiramdam sa paligid. Ang presensyang iyon.... kay Vladie.

Hindi ko na lamang pinansin aba bukas na ako da damoves sa kanya. Mag isip mona ako ng strategy kasi naman pag sa girls walang duda matinik ako pero kung sa tomboy 50-50. Eh tomboy yang si vladie kaya dapat ibang tiknik.

"Liligawan mo ba si Vladie?"

Npaisip ako.

"Tingin mo tol pag ibig nato? Ngayon lang kasi ako nakaramdam ng ganito"

Bloodshed High:SFMHAH (Completed)Where stories live. Discover now