Chapter 34

49 4 0
                                    

"Mga punyemas kayo! Cha chop chopin ko kayo!" -fin.

"Wow, magagawa mo 'yan tol? E baldado kana ngang di pungas ka !" -kaleel

Natigilan kami at agad na napalingon sa isang bagay na gumulong sa paa namin.

"Sh*t, takbo!"

Sigaw ni hayes at agad kaming nag si takbohan at bigla na naman itong sumabog dahilan para tumilapon kami sa mga sahig diritso akong tumayo at  ininda ang mga tama ko sa likuran dahil saktong pag bagsak ko ay sa mga bobog ng mga nabasag na baso.

Bloody hurts. Tch

"Tayo! Bilis"

Sigaw ko sa kanila agad silang tumayo at nag patuloy kaming  sa pagtakbo ngunit naging pag lakad nalang dahil sa mga sugtan naming ka groupo.

"Dito"

Senyas ni North at agad kaming sumunod sa kanya. Nasa parking lot na kami at isa isa naring nag si takbuhan ang mga kotse palayo rito.

Agad kaming natigilan nong pina ulanan kami ng bala.

"Dapa!"

Sigaw ko at diritso kong sinogod ang isa at sinaksak sa bandang tiyan nakita kong tumakbo rin si North at binaril ang isa. Inihagis niya sa akin ang isang baril kaya pansamantala kong binitawan ang isa kong katana para barilin ang isa na medyo malayo. Panay baril lang kami  sa mga  susugod sa'min kinuha ko ang isa kong katana at kinagat ito habng ang isa ay hawak ko.

Binaril ko ang isang babaeng akmang sosogod sa grupo namin na nasa likod lang namin ni north  at tinaga ko naman ang isa na nasa may likuran ni North. Dahilan para hindi ko mapansin ang lalaking nasa likuran ko but North manage to kick him tsaka niya ito binaril.

I nod at him but he just grin. Natigilan kami nong nakita naming marami na ang paparating.

We all look at the white van na diritsong pumarada sa harap namin at binuksan ni Migs ang drivers seat

"Sakay!"

He shouted lumabas si timothy at agad naming inilalayan ang iba papasok. I look at timothy ang he motioned me to use the bigbikes.

Akmang lalayo ako sa van nong hinawakan ako ni north. I look at him.

"Where are you going? Sumakay kana!"

"Ikaw ang sumakay, we'll ride on the big bikes to protect all of you para walang sumunod! Now go!"

He was bout to protest pero hinila na siya ni kaleel papasok. Diritso naman kaming sumakay ni Timothy sa mga bigbikes. At agad naming sinundan ang van na lulan ang mga ka groupo namin.

Dahil sa labis na pag mamadali hindi na namin na isoot ang mga helmet namin pero hindi na namin iyon pinag toonan ng pansin.

Napa tingin ako sa salamin ng motor at kita ko ang pag sunod ng ibang mga studyanteng ka anib ni dominus. Napa tingin ako sa van. At pinatakbo ko ang motor papunta sa driver's seat.

"Faster!"

"Ito na juskobels! Pinu push ko na nga ang fast 'n furious peg dito halos nag fly na ang kotse!"

Nakita kong takang napa lingon ang lahat sa inasta ni Migs pero ang bakla hindi na napansin ang inakto dahil focus siya sa pag papatakbo ng kotse.

Pinauna ko na ang van at sumabay ako kay Tim. Sabay kaming napa lingon saglit sa likuran namin nong may sumunod na mga bigbikes at kotse at panay baril sa van. I nod at timothy.

Diritso akong tumayo at tumalon para maka upo sa bigbike ni timothy dahilan para sumimplang ang bigbike na naiwan kong tumatakbo sa kalsada at nahagip nito ang isang bigbike.

Bloodshed High:SFMHAH (Completed)Where stories live. Discover now