Chapter 46: Bloody Red Card

42 5 0
                                    

[Vladie's POV]

Nagising ako dahil sa mga halik ng lalaking naging alarm clock ko na rin nitong  naka lipas na mga buwan. Napa ngiti ako at pag kuway ginantihan siya ng halik.

"Goodmorning Rockyroad"

"Goodmorning spongebob"

Ngomoso siya at agad akong bumalikwas ng bangon hindi naman siya rito natutulog sa kwarto ko  ngunit kada umaga ay nag pupunta siya rito para gisingin ako.takot lang niya kay trishna.

Ayaw kasi ni trishna na mag katabi kaming matulog ni North ayaw daw kasi niyang magaya ako sa kanya na nabuntis na hindi pa ikinakasal.

Muntikan lang naman naming nagawa iyon.

Muntikan lang.

Diritso akong pumasok sa banyo at naligo doon narin ako nag bihis dahil paniguradong nasa kwarto ko parin si North. Pag labas ko ay agad akong umupo sa harap ng salamin diritso namang kinuha ni north ang suklay at sinuklayan ako habang naka ngiti.

Hinalikan niya ang ulo ko at tumayo na ako nong natapos na niyang itali ang buhok ko. Palagi na niyang ginagawa iyon dahil gusto iyang siya ang mag susuklay sakin at mag tatali ng buhok. Lihim akong napa ngiti

Pag dating namin sa hapag ay maingay na sila habang si trishna naman ay balisa at parang hindi mapa kali. Komonot ang noo ko nong yumoko siya at hinimas ang tiyan niya kabuwanan na rin niya at ang baby na lang ang hinihintay naming hudyat para gumawa ng aksyon.

"Okay ka lang?" Mukhang nalansin na rin ni Migs ang pag ka balisa ni Trishna. Ngumiti lang ito ng tipid.

Kanya kanya na kaming sakay sa sasakyan habang absent mona ngayon si crishna para alalayan si fin na nanghihina pa mula sa ilang buwan niyang pag ka coma. Muntikan na kaming sumuko na magigising siya ngunit si crishna itong naniniwalang gigising pa ito.

Ilang bses niyang pina amoy ng pag kain si fin umaasang gigising agad ito lag may na amoy na pagkain . Pfft. Those two.

Naramdaman ko ang pag hawak ni north sa kamay ko at ngumiti siya.

Dumating na kami sa College dept at nag punta  na kami sa kanya kanya naming building habang si North naman ay as usuall muntik ko nang upakan dahil sa kalandian. Lilipat na lang daw siya sa course ko para mabantayan niya ako. Nyemas lang talaga ang spongebob fanatic na iyon.

Sa huli  isang halik lang ang naka pag tigil sa kanya tsaka siya nag martsang nag lakad papunta sa building nila. Na pa iling ako at kasabay ko na si Migs dahil madadaanan ko lang ang building niya.

"May kakaiba kay juntis a"

Napa isip ako Oo nga. Mag ta tatlong araw narin siyang ganoon. Nag kibit balikat lang ako.

"Baka manganganak na atey"

Arte arte talaga nito tch. Nauna na siyang nlmag lakad palayo habang kinakaway ang kamay niyang may pink na nail polish. Tsk tsk. Pumasok na ako sa una kong klase at as usual tahimik lang ako habang panay tingin sakin ang mga prof namin. Ranggo uno narin kasi ako kaya hindi maiwasang maka hakot ng atensyon at isa pa akong babae. Habang ranggo dos naman ang nobyo ko kaya walang basta basta bumabangga samin ngunit matapos ang Bloodygames hindi ko maiwasang kabahan dahil wala ng nangyayari samin, siguroy dapat kong ikatuwa iyon ngunit nakakaa duda ang katahimikan.

Break time na ngunit nanatili ako sa library upang mag basa ng libro. Natigilan ako ng nahulog ang isa kong libro na hawak ko sa kaliwang kamay ko pag tingin ko hindi ko alam kung bakit,ngunit biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Ipinilig ko ang ulo ko at kinuha ang libro sa lapag nanatili akong naka tayo at ipinag patuloy ko ang  pag babasa sa libro.

Bloodshed High:SFMHAH (Completed)Where stories live. Discover now