Chapter 48

57 5 0
                                    

[Author's POV]

"Magandang umaga binibining Red"

Humigpit ang hawak ni vladie sa kanyang dalawang katana at matalim ang tingin na ipinokol sa matanda.

"Let us go you dipsh*t"

Agad pinigilan ng matanda ang kanyang mga reaper sa pag sogod kay vladie dahil sa pagiging walang galang nito. Ngumiti lamang ito at pag kuway sinulyapan ang sanggol na walang tigil sa pag iiyak agad namang hinarang ni north ang sarili sa sanggol at hinawakan niya ng maigi ang kanyang armas.

Ibinalik ng matanda ang kanyang tingin kay vladie.

"Ano ba ang kailangan mo sa amin!?"

Hindi napigilan ni hayes ang sarili sa sumigaw nang gaga laiti na siya sa galit para sa matanda pag kuway ngumiti ang matanda at kalmado lamang ito.

"Wala akong kailangan sa inyo..." tinignan niya si Vladie."sa kanya meron"

Makahulugan ang kanyang tingin sa babae. Napatingin sila kay vladie na na natiling kalmado lamang sa tinuran ng matanda.

"Hindi kayo makaka alis rito hanggat hindi na papa sa akin ang armas"

"Baril lang ang meron kami at sa tingin ko marami kayo non"

Kalmadong sabi ni north habang matalim narin ang tingin sa matanda.

Humalakhak ang matanda pag kuway tumigil rin at sinulyapan si vladie na naka konot na ang noo.

"Siya ang tinotokoy ko"

Naka ngisi niyang turan kay vladie gamit ang mata nito. Mas tumalim ang tingin ni north sa matanda at agad niyang hinarang ang sarili para kay vladie.

"Hindi siya armas!"

Umiling ang matanda.

"Alam niya kung ano siya. Ginawa siya bilang isang armas at mananatili siyang armas hanggang sa huling hininga niya"

Ramdam ni vladie ang bigat ng pag hininga niya nanatili ang tingin niya sa matanda ngunit nag kakalkyula ang isip niya sa mga aksyon na gagawin niya upang tuluyan na silang makatakas. Hindi niya maiwasang mapakonot noo sa sinabi ng matanda kahit noon paman ay alam na niya kung ano siya.

Isang armas.

Armas upang pumatay.

"Hindi siya mapupunta sa inyo"

Isang ngisi ang pinakawalan ng matanda at sa isang iglap ay natigilan sila sa mabilis na pag kilos ni Eldice sa pag kuha sa sanggol dagli siyang tumakbo papunta sa matanda na walang emosyon.

Natigilan silang lahat habang si trishna ay napa luhod at si hayes ay nag uunahan na ang mga luha. Bagsak ang mga balikat nila habang naka tingin kay eldice na hawak ang sanggol.

Wariy hindi nila inaasahan iyon.

"Dice... anong..."

Hindi na na ipag patuloy ni Migs ang kanyang sasabihin nong humalakhak na ang matanda tila nasisiyahan sa nakikitang reaksyon nilang lahat.

Humalik si dice sa singsing ng matanda bilang pag bibigay galang habang karga ang sanggol na iyak parin ng iyak.

"Eldice!"

Hindi maka paniwalang tawag sa kanya ni North. Bakas ang galit at sakit sa boses nito dahil sa pag kabigla.

"Hayes...si Night"

Humagolhol na si trish habang si hayes naman ay nag uunahan narin ang luha nag halo na ang kaba at takot para sa kanilang anak.

Ngumiti ang matanda. "She is my reaper" at agad nitong pinonit ang damit sa bandang tiyan ni eldice na hindi ka kikitaan ng emosyon.

Bloodshed High:SFMHAH (Completed)Where stories live. Discover now