Acceptance

4 4 1
                                    

NAKITA MO NA SYA
-angelheaven
Sa wakas, masaya ka na
Masaya ka na dahil nakita mo na sya
Masaya ka na dahil minahal ka rin nya
Masaya ka na dahil masaya rin sya
Sa wakas, nakita ka rin nya
Nakita mo sya habang titig ang dalawa kong mata sa mukha mong masaya
Kahit hindi ako masaya pipilitin kong tumawa kahit ang sakit sakit na
Bakit ba?? Bakit ba hindi sinabi sayo ng mas maaga
Kahit na alam ko na isusukli mo lang ay tawa
Ngayon akoy natatawa sa tuwing babalikan ko ang bawat minuto na masaya tayong dalawa
Hindi iniisip kung ano ang sasabihin ng iba
Pero lahat nag iba,nung nakita mo sya
Pakiramdam ko kahati ako sa bawat oras mo
Sa bawat oras mo na para lang sa kanya pero eto ako
Hindi pa nasasanay na meron ng kayo
Na mahal mo sya at andito lang ako, handang sumaklolo sa tuwing nasasaktan ka nya
Kahit doble ang sakit na nararamdaman ko kapag nasasaktan ka pero dumodble at dumodoble sa tuwing kayoy nagkakabati na
Ang saya diba?? Kayo nagtatawanan habang ako nasasaktan
Pero hindi habang buhay ako ang luhaan
Hindi habang buhay ako talunan kaya ngayon makikipaglaro ako kay kapalaran
Susugal kahit hindi sigurado kung ano ang kalalabasan 
At ang tanging paraan upang ang sakit na nararamdaman ay akin ng mawakasan ay ang ikaw ay pakawalan
Pakawalan sa isip ko
Pakawalan sa puso ko
Pakawalan ang alaala na mag isa kong binuo
Dahil alam ko bumuo ka na ng alaala kasama ng mahal mo
Kasama ang buhay mo
Masaya ka na,masaya na kayo
Masaya na ako dahil nakita mo na sya
At nakita ka na nya

June 1, 2018 at 8:28 PM · 

Heaven's TearTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon