Me

2 0 0
                                    

Warning: This spoken poetry contains words that make you feel uneasy and make you cringe.(jk)

Sino nga ba si AKO
-angelheaven
Sino si ako na lagi kong kasama sa lahat ng bagay
Si ako na madalas magtago sa dilim ng hiya at pagkatakot na baka mahusgahan ng iba
Si ako na takot magkamali dahil sa maraming nakamasid sa bawat galaw ay baka magkamali si ako na lagi na lang nagkakamali. 
Si ako na nilamon ng modernong panahon..nilamon ng laro na sa tingin ko ay nakakapagpasaya at nakakatuwa sa malungkot kong puso ngunit mali..mali ako
Dahil parang ako ay nagtatago sa sarili kong anino sa takot na mahusgahan ng karamihan..takot makitaan ng pagkakamali sa bawat galaw..sa kilos ko sa mundong mapagkunwari
Si ako na takot mahusgahan ng taong mapanghusga sa mundong itsura ang basehan ng kagandahan
Si ako na may maskarang mapagpanggap na tanging ako lang ang makapgtatanggal nito..ako lang..
Ako lang si ako na tao na nagkakamali at nadadapa sa bawat paghakbang sa hagdan ng pag unlad.sa hagdan ng pagkatuto
Ako si ako...na tatayo at patuloy na maglalakad sa harapan ng matang mapanghusga..
Sa mga matang mapagkunwari..
Pero ako si ako na handang tanggalin ang maskarang matagal ng nakaharang sa totoong ako..
Ako si ako na handang isampal sa mukha nyong mapanglait ang mukhang walang maskara ng pagpapanggap..
Ako si ako na naging matapang sa paglipas ng hangin na oras...
Ako ay si ako...
End--

April 29, 2017 at 9:45 AM · 

Heaven's TearTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon