Wanna Play?

0 0 0
                                    

Tumingin ka sa ugali hindi sa balat nyang maputi
~angelheaven
Ang mga lalake ngayon iba ang estado ng pagpili
Una yang titingin sa mukha kasunod sa hita
Titingnan kung may peklat o may bagay na kahinahinala na pwede nilang idahilan kung ang interes ay nawala
Titingnan ang bawat sulok ng mukha na tila ba parang may hinahanap 
Kulang na nga lang maglista sya ng mga sangkap kung paano gumawa ng matinding desisyon bago magpanggap na liligawan
At kapag nakumpleto na at puno na ng tsek ang listahan
Saka ito babanat ng "Miss pwedeng malaman kung ano ang iyong pangalan"
At kapag naibigay na susundan ito ng mga katanungang"Pwedeng akin ka na lang?"
WOW!! Ang bilis
Dinaig mo pa si Flash sa tindi ng bilis mong bumanat
At dahil nagkaintindihan kayo mabilis pa sa sigundo ang pagsabi nya ng "OO"
At ikaw naman tong si gago tuwang tuwa dahil meron ng bago
Sabay hila sa kamay nya at sinabing "Ipapakilala kita sa tropa ko"
At dumaan ang segundo,minuto at mga oras
Masaya nyong binabahagi ang bawat kwento ng inyong buhay
Na tila ba isang taong pinaghintay
Hindi mo na alam na ikaw ay unti unti ng bumibigay sa taong tatlong oras mo lang nakilala
Nasa kalgitnaan na kayo ng paglalandian ng biglang may nag text sa kanya 
Tinanong mo sya"Mahal sino yan?"
Tinawanan ka nya sabay sabing"Wag mo kong tawaging ng ganyan"
Takang sagot mo na"Bakit may mali ba?"
Sabi nya"Aalis na ako,salamat sa oras ha."
Hindi maintindihan hindi maipaliwanag 
Bakit sya ganon kabilis mang iwan at hindi manlang nagpaliwanag
Hinabol mo sya sabay tanong"May problema ba tayo?"
At lalo kang naguluhan ng sabihin nyang"Wala ng tayo.hinahanap na ako ng boyfriend ko"
Naiwan kang nakanganga na parang tanga lang
Pilit pinaiintindi sa utak kung ano ang kahulugan ng salitang sinabi nya
Di ba kanina lang kayo nagkakilala
Kanina ka lang rin nya pinaglaruan.ginamit pampalipas oras
Kaya magising kayo sa katotohanan
Kung magaling kayong maglaro mas magaling ang mga babae
Sila ang nagpapatunay na kaya nilang sumali
Sa anumang laro na mga lalaki ang taya
Kaya bago kayo tumingin sa balat nyang maputi
Tingnan mo muna ang kanyang ugali

November 3, 2017 at 2:49 AM

Heaven's TearTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon