Answer

2 0 0
                                    

Walang sagot..
-@ngelheaven
Kay daming tanong pero walang sagot
Walang sagot na mahugot sa pinakamalalim na dahilan kung bakit ako malungkot
Sinubukan ko isa isahin ang posibilidad
Na parang nagbibilang ng bigas na binilad sa araw
Madami.sa sobrang dami gusto ko ng umayaw
Ano nga ba ang dahilan 
Bakit mo ako iniwan mag isa sa ilalim ng ulan
Walang karamay .mga kamay ay duguan
Dahil sa pag pigil ng tinik na sumira sa ating kaharian
Kahariang haligi ay tiwala
Na bigla na lang nawala sa hindi alam na dahilan
Walang sagot..
Walang sagot kung bakit puno ako ng takot
Takot na nagbabadya na akoy masangkot 
Sa isang krimen na puso ko ang nasangkot dahil ikaw ay walang takot na akoy iwan
Sa ilalim ng ulan habang ang puso koy sugatan
Na parang tulisan na handang masaktan maipagtanggol ka lang
Pero ikaw..parang sanggol na hindi alam ang ginagawa
Iniwan ako kahit nagmamakaawa.
Wala
Walang mahagilap na sagot
Sa hindi mabilang na tanong

October 26, 2017 at 9:10 PM · 

Heaven's TearTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon