Ikaw at Ako,Paano?
Ikaw, yung taong binansagang salot sa lipunan
Kilala na kapag ikay nilapitan ay siguradong may wampipti kinabukasan
Makasalanan,yan ang tingin ng mundo sayo
Hindi dahil gumawa ka ng krimen kundi dahil sa taliwas sa dapat makita ng mga tao
Ang mga ginagawa mo,malabo ang pagkakakilanlan sayo
Hindi ka babae at hindi ka naman lalake
Nasa pagitan ka ng dalawang kasarian
Kapalaran ang nagdikta kung saan ka ilalagay
At ngayon lahat ng mata ay sayo nakatingin nakikita ang bawat galaw,sasaktan,lalaitin
Minamaliit ang pagkatao ,talo sa sunod sunod na pagbato ng masasakit na panlalait
Bakit,kahit gumawa sila ng kabutihan,kahit sila ang totoong magmahal
Hindi sila makaranas ng tunay na pagmamahal mula sa taong kanilang minamahal
Ginoo o binibini o ano mang tawag sa iyo heto ako,nakatitig sayo
Nakatingin mula sa malayo,tahimik na sinasamba ang natatangi mong ganda
Gandang hindi nakikita ng kahit sino man,gandang nakabihag sa pusong pihikan
Pero ikaw lang ang aking naibigan,corny mang pakinggan pero ikaw ang pipiliin magpakailanman
Sa lahat ng taong nakilala ko,ikaw ang bukod tanging naiwan sa ala ala ko
Kaya paalala ko,binibini ka sa mga mata ko kahit mabalahibo pa ang binti mo
Hindi na mababago ang desisyon ko
Ikaw ang tanging inspirasyon,ang paboritong destinasyon
Ang tanging binibining inibig ni eba sa katauhan ni adan
-angelheavenApril4,2020
BINABASA MO ANG
Heaven's Tear
PoetryEvery moments in my life that I kept hidden,trying to let it out through writing spoken poetry. -english description para sosyal,tagalog po lahat ng spoken poetry ko✌