Ang nakaraan
-angelheaven
Mahal naaalala mo pa ba noong hinawakan mo ang aking kamay sa ilalim ng galit na galit na ilaw ng buwan
Habang ang mga alitaptap ay tahimik na nakamasid sa kakaibang anyo ng pagmamahalan natin
Habang nakapikit ang mga matang lumulusong sa ilog ng pagtitiis ay nariyan ang mga matang hindi natin mawari kung kanino ..kung kanino ..
Mahal naaalala mo pa ba sabay tayong nakipaglaban sa unos ng tukso..sa bagyo ng lungkot at sa baha ng pangungulila...na parehas na ting alam na ito ay dulot ng ating pag ibig na hinamak ng panahon.mahal
Sana naaalala mo pa ang ating nakaraan na niluma na ng panahon at ang oras na sing bilis ng kidlat kung dumating ngunit mahal..sana naalala mo pa ang bawat salita na binitawan natin noong gabi na tayo ay nagsumpaan..noong gabi na tayo pinagisa sa ilalim ng galit na galit na ilaw ng buwan..mahal
Sana naaalala mo pa ang mga nakaraan nating dalawa..kung paano tayo lakas loob na umahon sa ilog ng dusa at lumaban sa unos na dulot ng mali nating pag ibig mahal...
Lahat ng ito ay naalala ko pa..sariwa pa sa mga alala ko ang mga pangyayari noong nakaraan
Oo mahal sariwa pa..sariwa pa ang mga sugat na dulot ng pag ibig natin..sariwa pa ang mga markang iniwan ng nakaraan. Na akala ko ay pahihilumin ng panlangas kong luha pero mali ako..mali ako...
Mahal...sana naalala mo rin ang ating nakaraan.
Nakaraan na pinunit ng mga kuko sa dilim ng pangungulila say
Ito ung nakaraan na hinding hindi ko na ilalarawan sa salitang ABANGAN..
EndApril 28, 2017 at 8:48 PM ·
BINABASA MO ANG
Heaven's Tear
PoetryEvery moments in my life that I kept hidden,trying to let it out through writing spoken poetry. -english description para sosyal,tagalog po lahat ng spoken poetry ko✌