"WALANG TAYO"
-angelheaven
MAHAL,OO, MAHAL NA NGA YATA KITA
PERO KAIBIGAN LANG ANG TURINGAN NATING DALAWA
NA NAGSIMULA NOONG NAGING CLOSE TAYO SA ISAT ISA
AT NAGKUKULITAN NA PARA BANG ISANG TAONG HINDI NAGKITA
NAAALALA KO NOONG HUMINGI KA SA AKIN NG TULONG
NOONG HINDI KA MAKATULOG SA KAIISIP SA KANYA
KAIISIP NG PARAAN PARA MAPANSIN KA NYA
PERO AKO,AKO NA NASA TABI MO LANG HINDI MO PA MAKITA
NAGSESELOS AKO,OO NAGSESELOS AKO SA TUWING KINUKWENTO MO
KUNG PAANO MO SYA NAPA OO.KUNG PANO KA NYA TAWAGIN NA "MAHAL KO"
KUNG PAANO MO SYA HALIKAN SA NOO AT SINABI ANG BAWAT PANGAKO NA BINUO NYONG DALAWA
NA HINDI MO MANLANG NAISIP YUNG AKO
YUNG AKO NA LAGING ANDYAN PARA SAYO
YUNG AKO NA NAGPAPASAYA SA BAWAT ARAW MO
YUN YUNG AKO,PERO NAAALALA KO WALA NGA PALANG TAYO
WALA NGA PALANG TAYO NA NABUO DITO SA MUNDO
WALANG TAYO PARA MAGALIT AT MAGSELOS AKO
WALANG TAYO PARA PUMASOK AKO SA MUNDO MO NA MAY NABUONG KAYO
WALANG TAYO,OO WALANG TAYO
KAYA IKAW AT AKO NA LANG ANG PINAGKAKAPITAN KO
PANGAKO, KUNTENTO NA AKO SA IKAW AT AKO
AT MAGIGING MASAYA AKO SA PANGHABANGBUHAY NYONG PANGAKO
PANGAKO.HINDI AKO IIYAK
HINDI AKO IIYAK
HINDI DAHIL TANGGAP KO NA ANG SAKIT
HINDI DAHIL MANHID NA AKO PARA HINDI MARAMDAMAN YUNG PAIT
KUNDI DAHIL ALAM KO ANG AKING LIMITASYON
AT ANG LUBOD NA NAGSISILBING KONEKSYON KO SAYO
NA MGAYON AY UNTI UNTI NG KUMAKALAS
KUMAKALAS,NAAALIS,NAWAWALA
NAWAWALA NA ANG SAKIT
NAAALIS NA ANG LAHAT NG HINANAKIT NA AKING BITBIT
KUMAKALAS NA ANG LUBID NA NAKATALI SA AKING LEEG
PERO SA PUSO KO NARARAMDAMAN UNG SAKIT
PERO,NGAYON.WALA NA ANG SAKIT
HINDI KO NA ITATANONG KUNG BAKIT
AT HIWAG KA NA RING MAGPUMILIT NA MAIBABALIK PA ANG DATING AKO NA MAKULIT
DAHIL IKAW NA MISMO ANG PUMUNIT SA DATING AKO
NOONG NAGSIMULA ANG WALANG KATAPUSAN NYONG KWENTO
NOONG BINALEWALA MO AKO NUNG NAGKAROON NG KAYO
WALANG AKO SA MUNDO NYO
WALANG AKO SA MUNDO MO
WALANG TAYO.OO TANGGAP KO NA..WALANG TAYOSeptember 7, 2017 at 6:01 PM ·
A.N
Guys sorry ulit sa all caps na letter,copy paste lang kasi galing sa fb account ko hehe. Saka salamat sa mga nagbabasa at nakaka relate kahit papaano.
BINABASA MO ANG
Heaven's Tear
PoetryEvery moments in my life that I kept hidden,trying to let it out through writing spoken poetry. -english description para sosyal,tagalog po lahat ng spoken poetry ko✌