*Mian POV*
"Sure ka ba talagang Okay lang sayong ihatid ako? Nakakahiya naman sayo" tanong ko sa kanya habang nasa kotse kami
"Oo naman.Wag ka ng mahiya sakin Magkaibigan na tayo ngayon at Girlfriend ka ni Zach" sinulyapan nya ako saglit. Okay na sana na magkaibigan na kami eh pero yung alam nyang girlfriend ako ni Zach.Haysss...Sayang.
"Masaya akong maging kaibigan ka Ael ,I mean Rafael.hehe" A-el yan ung pagbigkas sa Ael.
"Parang mas gusto ko yung Ael kesa dun sa Rafael" nakangiting sabi nya.Lumalabas dimple nya.Cute cute nya talaga.
"Talaga ?O sige From now on tatawagin na kitang Ael" Ako
"Okay pero tatawagin din kitang Anhae.Okay lang ba?" Sya
" Okay Deal.Ael at Anhae.Ang cute pqkinggan at magkatono pa sila.hehe" hindi ko maiwasang mapangiti.Dati pangarap ko lang na makausap sya pero ngayon hindi ko lang sya nakakausap ,magkaibigan na kami at may bonus pang call sign
"Anhae Anong nagustuhan mo kay Zach?" nagulat ako sa tanong nya.Paano na ?Anong sasabihin ko?Hindi ko naman talaga gusto ang Zach na yun eh.Help me!!Buti nalang malapit na kami sa bahay.Save by the house.I Guess .hehe
"Ihinto mo nalang jan sa Red na gate" sabi ko sa kanya.Nang nakahinto na bababa na sana ako kaso pinigilan nya ako.Sya na daw ang magbubukas ng pinto sa sasakyan nya.Ang gentleman diba?Malalayong malayo kay Zach kaya hindi ako magtatakang sya ang nagustuhan ko.
"Thanks nga pala sa paghatid Ael"Ako
"Ur always Welcome Anhae.Oo nga pala ,can I get ypur number ?Para naman matext kita.Mahilig ako maggm ,Papadaan kita kung okay lang" Sya
"O sige .Akin na phone mo"Sinulat ko nalang yung number ko.Gusto ko malaman kung pano sya magGm .hehe
"Thanks Anhae so pano Una na ako.Magiging Driver pa ako ng mga lasing .Goodnight Anhae.Text text nalang" paalam nya sakin.Nagbabay nalang ako sa kanya saka pumasok sa bahay.Nadatnan ko si Lola na halatang hinihintay ako.
"O La bakit gising pa kayo?Masama sa inyo ang napupuyat" Ako
"Sinigurado ko lang na maayos kang makakauwi Boyfriend mo ba yung naghatid sayo?Sana pinapasok mo para nakilala ko naman " Lola
"Hindi ko po yun boyfriend La.Kaibigan ko lang po yun .Tara na nga po sa kwarto nyo magpahinga na kayo.Gabi na po eh" inalalayan ko na sya papunta sa kwarto nya
"Apo hindi ka naman namin pinagbabawalan magkaboyfriend bastat sabihin mo samin at dapat ipakilala mo samin" si Lola talaga.
"Opo La.Matulog na po kayo.Sige po .Akyat na po ako .Goodnight " kiniss ko sya sa noo.At umakyat na ako.
Hindi naman gustong sabihin na boyfriend ko si Zach kasi in the First place Fake lang naman yung samin.Mahirap na.Baka malaman pa ni Lola at sabihing niloloko ko sila.Kaya tikom nalang bibig ko.
Pero may maganda din namang naidulot ung pagpapanggap namin kasi naging kaibigan ko na si Ael bago may tawagan pa kami kaso nga lang Ang alam nya girlfriend ako ng kaibigan nya. 2 months lang naman ang usapan namin ni Zach .Mabilis lang naman ang araw eh baka nga pagkagising ko sa susunod tapos na yung 2 months.Okay na ako kahit magkaibigan lang muna kami ni Ael bastat nakakasama ko sya at nakakausap.Dream come true na yun hehe.
So paano guys.I need to sleep na.Goodnight ..zzzzzzzzz
Nagising ako sa Tunog ng phone ko.Istorbo naman eh.
Inabot ko lang yung phone ko sa table na katabi ng kama ko habang nakapikit.Lagot sakin tong tumatawag.
-Phone conversation-
"Sino to?" tanong ko sa kabilang line
"Good morning" kabilang line
"Anong maganda sa umaga kung inistorbo mo tulog ko.Alam mo bang late na ako nakauwi kagabi bago iistorbohin mo tulog ko" Ako
"Alam kong late ka na umuwi.Ako pa nga naghatid sayo .Parang dragon ka pala pag naiistorbo Anhae" bigla akong napaupo nung sinabi nya yung last word .PATAY!! Siguradong si Ael to.HALA!!baka maturn off sya sakin.Pano na.
"Ael? Sorry kung nasungitan kita.Ganun kasi talaga ako kapag naiistorbo sa pagtulog eh .Sorry talaga"Ako
"Okay lang Anhae.Atleast may bago akong nalaman sayo.I want to know you more Anhae" He want to know me more?para san?
"Bakit gusto mong mas makilala ako?" Nagtatakang tanong ko
"Hmmm Para ano,Para malaman ko kung bakit ikaw yung nagustuhan ni Zach.Oo tama yun nga" Yun lang pala kala ko kung ano na .Kala ko gusto nyang mapatunayan na compatible kami para sa isat-isa .Chos lang.hehe
"Bakit hindi ba yung tipo ko ang magugustuhan ni Zach" Ako
"Hindi naman sa ganun. Wag kang maoffend pero kasi ibang iba ka sa past girlfriends ni Zach.Yung past girlfriends kasi nya masyadong possessive at grabe kung mag-ayos sa sarili para hindi sila palitan ni Zach pero ikaw , Simple ka lang bago kampante kang hindi ka papalitan ni Zach at Strong yung personality mo.Nagtataka lang talaga ako.Sorry Anhae" Ganun pala mga girlfriends ni Zach.Ayaw ko ng maging ganun.Simplity is Beauty at hindi naman kami tunay na magkarelasyon kaya i dont need to be possessive.Mas gusto ko pa magbasa ng books sa library kesa makasama ang Zach na yun.
"Okay lang.Opinion mo naman yan eh at hindi ko kelangan magpaganda kasi may tiwala naman ako kay Zach na hindi nya ako ipagpapalit.hehe" Pweee.Kelangan ko magsipilyo ng hundred times para sa mga kasinungalingan ko ngayong araw na to.Sorry po.
"Grabe ka pala magbigay ng trust.Pero pansin ko namang mahal ka talaga ni Zach kaya hindi ka lolokohin nun" Mahal nya ako? magaling lang sya umacting kamo.Pwede na sya mag artista .
"Ah ganun ba.hehe.Oo nga pala bakit ka napatawag?Impossible naman na dahil lang to samin ni Zach." Ako
"Ano Kasi may lakad ka ba ngayong araw?" siguradong nagkakamot sya ng ulo ngayon .Ganyan sya kapag may gustong sabihin na hindi nya masabi .
"Wala naman bakit?" Ako
"Birthday ko kasi ngayon .Invite sana kitang icelebrate yung birthday ko.Kung okay lang sayo" bigla akong napatingin sa calendar.August 21 ngayon.Birthday nya nga pala.Bakit nakalimutan ko.At iniinvite nya ako.
"Oo naman at Happy birthday Ael.?" kelangan ko ng regalo sa kanya.
"Thanks.Sunduin nalang kita jan mga 10:30 am.Okay lang ba?" napatingin ako sa orasan.HALA! 9:00 am na .1 hour and 30 minutes nalang.Kailangan ko pa mag ayos .
"O sige .Ibaba ko na to ah .Mag-aayos lang ako.Hintayin nalang kita dito.Happy birthday ulit.Babay"