Chapter 10

5 0 0
                                    

* Mian POV *

Nagising akong mabigat ang katawan ko at masakit ang ulo ko.Gusto kong bumangon pero hindi ko kaya.Maaga pa yung class ko ngayon.Waaaahh.Ang sakit ng ulo ko.Ang lamig ng room ko.Binalot ng kumot ang buo kong katawan.

*TOK TOK*

Napatingin ako sa pintuan .Siguro si lola yung kumakatok.Daily routine nya na kasi ang katukin ako sa umaga para sabay kaming kumain.

"Apo Gumising ka na jan.May klase ka pa at handa na yung almusal" rinig kong sabi nya

"La medyo masama po yung pakiramdam ko" Nakita kong papasok na sya ng room ko.

"Anong masakit sayo Apo? *hinipo nya yung noo ko* Ang init mo Apo" Sya

"Wag po kayong magpanic La okay lang ako.Pahinga lang po ako" Ako

"Kukuha lang ako ng mainit na tubig at bimpo at magpapaluto na rin ako ng lugaw para makakain ka" tumango nalang ako kanya

Hinanap ko yung phone ko.Kailangan kong sabihin kay Jerica na hindi ako makakapasok ngayon para maexcuse nya ako.

"Jerica hindi ako makakapasok ngayon medyo masama yung pakiramdam pakiexcuse nalang ako.thanks."text ko sa kanya

Ilang saglit lang ng maramdaman ko na may umupo sa tabi ko.At pinupunasan ako sa braso .Hindi ko na minulat yung mukha kasi alam kong si Lola yun.Hinayaan ko na sya sa ginagawa nya pero nagtataka lang ako kasi parang ang laki ng kamay ni lola.Hindi ko nalang pinansin.Naramdaman ko yung bimpo na linagay nya sa noo ko.Naramdaman ko din yung pag ayos nya sa buhok ko at paghawak nya sa pisngi ko.Sobrang caring talaga ni Lola.Ngumiti nalang ako.Naramdaman ko yung pagbigat ng talukap ng mata ko hanggang sa makatulog ako.

Naalimpungatan ako nang may marinig akong nag-uusap sa kwarto ko.

"Iho kumain ka muna .Kanina ka pa dito baka naman ikaw ang magkasakit nyan" Base sa boses siguradong si Lola yun pero sino yung kausap nya

"Okay lang po ako Lola.Gusto ko po kasing bantayan si Mian at Gusto ko ring masiguradong gagaling sya" yung boses na yun.Yung boses na ang tagal kong hindi narinig.Yung boses na yun sobra kong namiss.Bakit sya nandito?Anong ginagawa nya rito?

"Gagaling din sya ,Matapang yata ang Apo ko.Buti nalang nandito ka iho.Boyfriend ka ba nya?" Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan sa isasagot nya

"Ah ano po kasi Lola.Ex ko po sya pero gagawin ko po ang lahat para bumalik po sya sakin." Hindi ako mapakali sa sinabi nya

"Mahal mo talaga ang Apo ko.Wag kang mag-alala Iho Boto ako sayo para sa apo ko.Mukha ka namang mabait" Gusto kong kumontra sa sinabi ni Lola.Tsss.Yan mabait?kelan pa?sinaktan nya nga ako eh.

"Thanks po Lola" sabi ni Zach

"Basta kumain ka Iho .Magpapadala ako dito ng makakain mo" Lola

"Maya maya nalang po Lola kapag nagising na si Mian.Para masabayan ko po sya" Zach

"Sige na nga.Basta bumaba ka nalang kapag nagugutom ka na .O sya baba na ako.Ikaw na muna ang bahala kay Mian" Lola wag mo akong iwanan kasama sya.Kailangan kong magtulog tulugan .Ayaw kong makausap sya o makita ngayon.

"Alam kong gising ka na .Wag ka ng magpanggap hindi bagay sayo." narinig kong sabi nya sakin

"Tulog ako wag kang istorbo." nakapikit paring sabi ko sa kanya.

"Hahaha.Huli ka.May tulog bang nagsasalita? Nagugutom ka na ba?" tanong nya

" Hindi ako nagugutom.Bakit ka ba nandito?"minulat ko na yung mata ko.Tinignan ko sya ng masama

My DareMateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon