Chapter 9

0 0 0
                                    

*Mian POV*

--> 1 MONTH later <----

Isang buwan na rin ang nakakalipas simula nung nag end yung dare namin ni Zach.Maraming nagtaka kung bakit hindi na kami nagpapansinan ni Zach parang stranger na kami sa isat isa.Isa yun sa hiniling ko sa kanya.Then they find out na break na Jake.Madaming nagulat, Nadisappoint pero sobrang daming natuwa.Syempre campus crush si Zach kaya madaming may crush sa kanya.At ang pinakamasaya ay si Hannah.Nagpaparty pa nga sya eh.tsss.Ako tuloy lang sa move on process ko.Nung umpisa sobrang hirap.Halos gabi gabi akong umiiyak ,parati akong puyat para akong zombie pero dahil laging nandyan si Jerica at kuya Nic unti unti nakakarecover na rin ako pero nandun pa din yung sakin.Sabi nila 3

months daw bago tuluyang makamove on.Hindi alam ni Ael yung dahilan ng break up namin ni Zach.Inilalayo ko na yung sarili ko sa barkada ni Zach pati kay Ael.Halos hindi na kami masyadong nagkakausap ni Ael.Miss ko na kakulitan nya.

Si Zach naman parang wala lang naman sa kanya yung nangyari.Ano namang aasahan ko sa kanya.Hahaha.Asa pa akong affected sya.Sa tuwing makikita ko sya parati syang may kahalikang babae at take note paiba iba pa.Ewan ko kung anong nangyari sa kanya naging playboy na sya kagaya ni Sean.Kunwari nalang na wala akong nakikita pero deep inside parang tinutusok yung puso ko.Hindi ko pinapakita sa kanyang affected ako.Kala ko nga totoong may nagugustuhan na sya,pero sa nakikita ko parang joke nya lang yun.Siguro alam nyang pupunta ako sa tambayan kaya sadyang pinarinig nya yun sakin para matapos na yung Dare.Wala talaga syang puso.Napatunayan ko lang lalo ,na hindi sya worth mahalin , na masasaktan lang ako kung umamin ako sa kanya.Buti nalang pinagana ko yung utak ko kesa sa puso ko.

"ANHAE" napatingin ako dun sa tumawag .AT sino pa nga ba kundi si Ael.Papalapit sya sa akin.Ngumiti lang ako sa kanya.Miss ko na sya.

" Hi Ael" ngumiti lang ako sa kanya.Nabigla ako ng yakapin nya ako.

" Hindi naman masyadong malaki tong school para hindi tayo magkita.I really miss you Anhae" napangiti nalang ako sa sinabi nya

" Busy lang tayo kaya hindi tayo nagkikita" bumitaw na ako sa yakap nya

" Busy ba talaga o iniiwasan mo kami kasi break na kayo ni Zach?" nagtatampo nyang tanong

" Hindi ah.Busy lang talaga." sabi ko

" Kahit naman break na kayo welcome ka pa rin sa tambayan o kaya sa barkada namin hindi mo kailangang umiwas",napatingin lang ako sa kanya

" Alam ko naman yun.Dami lang talagang projects wala nang oras para tumambay.Promise nagsasabi ako ng totoo" I raised my right hand

" Naniniwala na ako sayo" hinawakan nya yung ulo ko.Para akong bata sa ginagawa nya.

"Stop that" saway ko

"Stop what?"nagtataka nyang tanong

"Yan ginagawa mo para akong bata" nakasimangot na sabi ko

"Hahahha.So matanda ka na pala Anhae.Ikaw na pala si Lola Anhae.Sorry Lola.hahahha" tinignan ko sya ng masama

" Then you'll be Lolo Ael.tsss " ako

"Pikon ka talaga kahit kelan.Una na ako Lola Anhae may practice pa kami.Babay" he waved at me

"Babay Lolo Ael matamaan ka sana ng bola" pahabol kong sabi.He just smile at me.He was really cute.

Akala ko dati sa kanya ako maiinlove kasi sobrang crush ko sya .Ngayon narealize ko na minsan ang crush ay hanggang crush lang talaga.Kung sino pa yung ayaw mong mahalin sa kanya ka pa maiinlove.Ipinilig ko yung ulo.Masyado ko na naman syang iniisip.Pano ako makakamove on kung lagi sya ang laman ng isip ko.Siguro tama lang na magbusy bisihan ako para makalimutan ko sya.

My DareMateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon