Chapter 7

1 0 0
                                    

*Mian Pov*

Pagkatapos ng pakilala portion na yun .Naging maayos naman na kami ni Zach.Kaso naging busy na sila sa practice nila, malapit na yung Game nila.Samantalang ako .Busy din dahil sa mga projects.Malapit na din ang exams kailangan ng puspusang pag-aaral.Madalas pa rin ako sa library ngayon kasama yung iba kong classmates.Madalas gabi na din ako nakakauwi.Nakakapagod mag-aral pero masaya.

"Buti naabutan pa kita."humihingal na sabi ni Zach

"Bakit may sasabihin ka ba?" tanong ko

"Wala naman.Gusto ko lang ihatid ka.Baka mapano ka pa sa daan" medyo nakakapanibago sya.Madalas nya akong ihatid o kaya bigyan ng pagkain.Minsan may flowers at chocolate akong natatanggap sa kanya.Kung hindi ko lang alam na nagpapanggap kami ,iisipin ko na inlove sya sakin.Pero impossible namang mangyari yun.hahhaha.Sabi nya sakin dati hindi sya maiinlove.Wala lang siguro syang magawa

"Bakit ba ang tagal mo maglakad.Bilisan mo naman" hindi na ako nagulat ng hawakan nya yung kamay ko.Hinayaan ko nalang sya.Sigurado naman akong hindi nya bibitawan yun kahit hilahin ko.

"Bakit nakangiti ka jan?"nakasimangot na tanong ko.Isa pa yan ang pinagtataka ko.Madalas na syang ngumiti ngayon.

"Hindi kaya.Maglakad ka nalang jan" deny deny pa.1 month nalang pala ang pagpapanggap namin.1 month ko na pala syang nakakasama.

"1 month nalang tayo magpapanggap.Akalain mo yun natiisan ko yung ugali mo .hahaha" naramdaman kong niluwagan nya yung hawak nya sakin bago parang bumagal yung paglalakad namin

"Sa tingin mo ba pwedeng magustuhan mo ako sa loob ng isang buwan? " napatingin ako sa kanya.Seryoso lang syang naglalakad.

"Nagpapatawa ka ba?Siguro HINDI." sabi ko

"Bakit naman?Dahil ba si Raf ang gusto mo?" tumingin sya sakin

"Pwedeng yun ang dahilan .At saka wala sayo yung qualities ng gusto ko.At sigurado kapag nainlove ako sayo masasaktan lang ako kaya bakit ko naman hahayaang masaktan ako diba?" Ako

"Pano mo naman nasabing masasaktan ka lang?" sya

"Hindi ka naman marunong magmahal eh.Kapag nainlove ako sayo parang kumuha ako ng bato na ipupukpok ko sa sarili ko" sabi ko

"Ah ganun ba.Oo nga naman impossibleng mainlove ka sa kagaya ko.hahhha.Kalimutan mo nalang yung sinabi ko" Tuluyan nya ng binitawan yung kamay ko.Sabay na lang kaming naglalakad.Bigla syang tumahimik.Problema nya.??

"Nandito na tayo sa bahay nyo.Sige una na ako baka hinahanap na ako nila Jaydel.Sige " sinundan ko lang sya ng tingin.Ang Moody nya talaga.Tsss

Biglang tumunog yung phone ko

"Dont forget.Game na namin bukas .Sana makapanuod ka" message ni Zach.Bukas na pala yung game nila.Buti nalang supportive school namin sa kanila kaya siguradong walang klase.At buti nalang sa school yung Game.Makakanuod ako

Dumiretso na ako sa kwarto ko para magbihis.

*Zach POV*

"Nanjan na pala si Zach .San ka ba galing Pare.Bigla Bigla ka nalang nawawala" tanong sakin ni Jaydel

"Hinatid ko lang si Mian.Medyo Gabi na kasi baka mapano pa sya" Ako

"Wow naman.Ang sweet mo naman Zach talagang inlove na inlove ah.Hahha" tinignan ko ng masama si Jakke.Halatang nang aasar pa.

"Wag ka ngang makialam jan Jakke.Minsan na nga lang mainlove tong si Zach eh.Pero Pare kapag sawa ka na kay Mian madami akong ipapakilala sayong mga girls" Sabi si Sean.Panay babae ang inaatupag.

My DareMateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon