*Mian POV*
"Hoy Mian!! Sinong tinataguan mo jan?" tanong ni Jerica sakin.
"Tinataguan?Wala ah.Pinagmamasdan ko lang yung mga langgam dito sa puno.hehe" sabi ko sa kanya.Magsama kasi kami ngayon kaso bigla ko nakita si Zach kaya nagtago ako sa likod ng puno.
"Alam mo these passed days para kang Ewan.Parang parati kang may tinataguan.Sabihin mo nga sakin May ginawa ka bang kalokohan?" makatanong naman sya parang reporter.
"Syempre Wala .Mukha ba akong gumagawa ng Kalokohan?"tanong ko sa kanya.
"Maraming mukhan Anghel na nasa loob ang kulo.Malay ko ba.Peace" inirapan ko lang sya.
"Okay na yung mukhang Anghel eh.Bakit dinagdagan mo pa?tsss .Pero tara na nga may class na yata tayo"aya ko sa kanya.
At kung minamalas ka nga naman .Nakita ko na naman si Zach buti nalang malapit kami sa Cr kaya hinila ko si Jerica sa Cr.
"Kala ko ba sa room na tayo bakit hinila mo ako dito sa Cr?OMG !! wag mong sabihing dito tayo magkaklase.NO WAY" Napailing nalang ako sa sinabi nya.Minsan talaga may pagkashunga si Jerica
"Wag ka ngang OA.Naiihi lang ako kaya hinila kita dito ." sabi ko sa kanya
"Ikaw lang naman pala ang naiihi pati ako dinamay mo.Pero okay na din para makapagretouch ako para kapag nakita ako ni Papa Sean mainlove sya sakin" ang daming papangarapin si Sean pa.
"Lumayo ka kay Sean.Alam mo naman na Babaero sya diba?Baka mapabilang ka sa mga naging Babae nya" payo ko sa kanya.Hindi ko sinisiraan si Sean kasi alam naman ng lahat dito ang reputasyon nya.
"Okay lang basta maranasan ko lang na maging Girlfriend nya.Diba nakakakilig yun?" Malala na talaga sya.
"Whatever.Hintayin mo ako jan.Iihi lang ako"bilin ko sa kanya.
Pumunta nalang kami sa room namin at Maghapong naging busy.Buti nalang hindi ko na ulit nakita dito sa campus si Zach.Nakahinga na ako ng maluwag.
Nagtataka ba kayo kung bakit ko iniiwasa si Zach.
Naalala nyo ba nung hinatid nya ako nung Birthday Celebration ni Ael?Yung ginawa ko bago ako pumasok sa bahay namin.Yeah! yung kiniss ko sya sa cheeks.waaaaaahhhh.T.T kapag naaalala ko yun ,nahihiya talaga ako.Wala akong mukhang mahaharap sa kanya.
(A/N:Bakit mo nga ba sya kiniss?)
Bakit nga ba?Basta naisip ko nalang para matapos na yung pag-uusap namin.At parang pasasalamat na din na maghapon kung nakasama si Ael at sa paghatid nya sakin.Yun lang.No feelings involve.
(A/N:Weh?Yun lang?Talaga?)
Oo nga Miss Author.Alam mo naman si Ael ang gusto ko diba?Kaya wag mo akong asarin Miss Author.Tsss
-.-
(A/N: K .Whatever)
Kaso ang hirap taguan ni Zach.Parati syang tumatawag parati nalang ako gumagawa ng excuse.Buti nalang busy sila sa pagpractice ng Basketball para sa laro nila nextweek.Nasabi ko ba sa inyo na lahat silang magbabarkada ay Mga player.Gusto ko nga sana panuorin si Ael kung pano sya maglaro kaso siguradong makikita ko si Zach kaya hindi nalang ako nanunuod.Sa Game nalang nila para suportahan ko ang school namin.
"Haysss" buntong hininga ko
"Ang lalim nun ah.May prob ka ba Baby Hae?" napatingin nalang ako sa nagsalita.Si Kuya Nic (Niccolo ang true name) pala.Yung pinakamatalino sa class namin pero hindi sya nerd.Cute nga sya eh with his dimple.hehehe.
"Wala .Naiisip ko lang yung mga mahihirap nating subject Kuya Nic." palusot ko sa kanya
"Kelan ka pa nahirapan sa mga subject?Ang cute mo talaga" he pinch my nose.