23. CHRISTMAS DECORATION.

192 13 0
                                    

LIEN POV.

kasama ko si anj. Nag iikot kami ngayon para sa ambagan sa room ng Christmas decorations. Papa kabog ba kami sa mga katabi naming room.

Pagkatapos nito ay dederetso kami sa palengke para mamili.. Hayst parang ang bilis ng panahon. Mag papasko na agad.

Naka pangolekta naman kami ni anj. Pagkatapos ng klase ay dumeretso kami sa bayan ng palengke.

Madmi ng mga nagtitinda at mga mura lang din. Mga pangsabit sa Christmas tree at mga ibat ibang kulay na pang design ang binili namin.

Ako na ang nag-uwe at nagpaalam na si anj saka sumakay ng tricycle. Ako naman ay naglakad na lang pa uwe.. Malapit na din naman ehh. Sayang pamasahe.

Kinabukasan sa school.

Naglalakad na ako papasok ng school ng may biglang humigit ng bitbit ko. Si jeffrey pala.

"ayos lang naman magaan Lang naman yan eh" sabi ko.

Hindi siya sumagot. Kaya nagpatuloy nalang din ako sa paglalakad.

Mabagal ang paglalakad niya kaya nagbagal din ako. Napansin kong malungkot siya.

"ayos ka lang may problema ba?" tanong ko habang naglalakd pa din kami. Hindi pa din siya nagsasalita..

Pagkadating namin sa room ay inilapag niya sa upuan ko ang mga pinamili namin ni anj.

Nakita kong nagtaka si anj. Tinignan ko din si jeffrey. At na curious talaga ako bakit mukang malungkot siya

"beshy. Taray may taga bitbit." sita ni anj.

"kinuha niya lang sa akin yun kanina nung papasok pa lang ako sa gate. Ikaw talaga. ?!" sagot ko.

Nilingon ko si jeffrey kung ano ginagawa niya. Pero pansin kong malungkot talaga siya. Sa labas lang ng bintana siya nakatinggin.

Nakakapanibago ang mga kinikilos niya. Dumating na ang teacher namin sa math na si maam ethel.

Maya maya ko siya nilingon. Di ko alam na napansin na pala ako ni maam. Ethel.

"lien! can you solve this problem in blackboard now" tawag niya.

Tumayo naman ako at sinagutan ang problem na nasa board. Mabuti at alam ko toh. Kaya hindi ako mapapahiya.

Pero nagkamali ako hindi pala tama ang solving na ginawa ko.

"kanina kapa lien pa lingon lingon sa likod. Hindi mo na nasundan ang mga tinuro ko kaya nagkamali ka ng isa. Alam nyu naman na isang pagkakamali lang ay mali na agad ang lahat. " pagalit na sabi ni maam ethel.

"im sorry po maam. " sagot ko.

"can anyone help lien to solve this problem . " tanong ulit ni maam.

Nakita kong tumayo na si mikko. Pero naunahan siya ni jeffrey na lumapit sa board. Saka sinagutan ang problem.

Sa totoo lang hindi naman ako magaling sa math ehh.. Naka upo na ako at nanonood sa ginagawang Pag solve ni jeffrey ng problem.

Napakagaling niya halatang alam niya ang isasagot. Matapos nito ay naupo na siya.

"very good jeffrey" puna ni maam.

Hindi na ako lumingon sa kanya at baka makita na naman ako ni maam.
Matapos ang math ay
Subject na ni maam melin.

pinagawa niya lang kami ng mga Christmas decor. Bumaba kami para bumili ng mga art paper.

"beshy anyari sayo bakit pa lingon lingon ka sa likudan. Sinusulyapan mo si jeffrey noh! " tanong ni anj

"sira hindi. Pero tama ka. Na kaka panibago kasi siya. Napaka tahimik niya ngayon. Kanina kasabay ko siya papasok ni hindi man lang niya ako kinausap. " paliwanag ko.

"The Memories of an Ex" (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon