61. REVELATIONS 😢

205 9 0
                                    

LIEN POV.

1am na ng madaling araw at natapos na ang reunite party namin. Andito na kami sa room namin.

Tulog na tulog na sila anj at rosaly dahil medyo naka inom sila. Madami kasing ibat ibang alak at pinag titikman nila yung dalawa. Sa kakatikim nila ayan mga nalasing. Habang ako heto di ko alam bakit hindi ako madalaw dalaw ng antok.

Naisipan ko muna lumabas at magpahangin. For sure wala naman ng tao sa labas saka di naman ako lalayo.

Naglakad na ako palabas at sa tapat ng dagat ako naupo. Hindi naman madilim dahil may mga ilaw naman na maliliit na ibat ibang kulay.

Ilang segundo lang ay may napansin akong papalapit sa akin kaya lumingon ako. Nagulat ako ng si Jeffrey yun. Tumayo ako para umalis agad pero. Hinawakan niya ang kamay ko.

"Lien pwede ba tayong mag usap muna? Plsss!" tumingin ako sa mga mata niya. Nakaramdam ako ng galit.

"para saan pa jeffrey. Sa tagal ng panahon bakit ngayon lang!. Hah! sige sabihin mo asan ka nung mga time na kailangan kita. Asan ka nung ilang taon na hinintay kita. " hindi ko na napigilan at tumulo na naman ang mga luha ko. Kanina pa kasi ako naiinis sa mga pinag gagawa niya. Na parang walang nangyari.

"Lien im sorry, im sorry kasi wala ako sa tabi mo sa mga oras na kailangan moko. Pero lien walang oras na hindi kita inisip. Kung alam mo lang kung gaano kita namimiss sa bawat araw bawat buwan, taon miss na miss kita lien" sagot niya

"Pero bakit nga! Bakit wala ka Poy. Bakit nagkaroon ka ba ng iba! Hindi mo na ba ako mahal nun! Yan ang paulit ulit na tanong ng utak ko poy"
Sa sobrang sama ng loob ko ay halos humagulgul na ako sa iyak.

"Lien naaksidente kami ni mama. Na bangga ang kotse na minamaneho ko. Ihahatid ko lang sana si mama nun sa tiyahin ko pero ayun ang nangyari. Halos 2 days akong walang malay at ng magising ako nalaman kong namatay ang papa mo ng ibalita sa akin nila jayson at james. Sinabihan ko sila na wag ng ipa alam sayo kung ano ang nangyari sa akin. Dahil ayaw kong mag alala ka pa.. Di ba hindi mo din naman ako na alala. Halos dalawang buwan akong pa balik balik sa sungken tuwing sabado diba usapan natin pero ano nasan ka. Nakalimutan mo din ako diba! " hindi ko alam anong magiging reaksyon ko sa mga sinabi ni Jeffrey sa akin.

"Oo aaminin ko jepoy nakalimutan kita. Pero poy depress na depress ako nun. Hindi ko alam anong gagawin ko ng mga time na yun. Pero poy hinanap kita. Hinintay kita. tinatawagan kita pero bakit ganun hindi kita makontak. Kasi ano Nawala lang ako nawala kana din. Dalawang buwan lang ako nakalimut. Nakalimut kana din. Bakit parang ang bilis mo naman gumive up. Bakit hindi ka man lang naghanap ng reason to stay. Dalawang buwan akong nawala kapalit na nun ay ilang taon. Minahal mo ba talaga ako poy! " iyak ako ng iyak habang sinasabi ko lahat ng nasa loob ko.

"Lien mahal kita. Sobrang mahal kita kung alam mo lang lien! "
Nakita kong may pumatak na ding luha sa mga mata ni Jeffrey.

"kung mahal mo ako sana hindi umabot ng ganto katagal. Sana hindi ako nasaktan ng ganun katagal. Ilang beses ko sinabi sa sarili ko na tama na pero poy everytime na sinusubukan kong kalimutan ka mas lalo ako nasasaktan. Tapos sasabihin mo sa akin na mahal mo ako. Ehh lintik na pagmamahal mo na yan napaka bilis sumuko. Kaya tama na Jeffrey ngayon alam ko na ang lahat. Im sorry na lang sa time na wala ako sa tabi mo ng maaksidente ka. " pinunasan ko ang mga luha sa mata ko. Saka naglakad paalis. Pero napatigil ako ng mag salita siya pero di ako humarap sa kanya. At hinayaan ko lang siyang magsalita pa.

"Hindi mo alam lahat ng pinagdaan ko Lien. Pero kahit ganun hindi ako tumigil na mahalin ka. Kahit hanggang ngayon ikaw parin Lien!How can I forget you if all the things that surround me makes me remember you. I miss you. You are always in my thoughts. Though I know things will never be the same again. Pero di ako susuko Lien mahal na mahal kita" nagpatuloy ako sa pag lakad palayo sa kanya. Hindi ko alam pero naguguluhan lang ako.

"The Memories of an Ex" (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon