44. CLOSING PARTY : clearance Day 😭

152 12 0
                                    

LIEN POV.

Closing party na namin ngayon kaya maaga ako gumising para tulungan si mama maghanda ng dadalhin kong lumpia sa school.

Alam niyo na top 2 ako kaya need ko mag dala. Nag balot ako ng lumpia habang piniprito ni mama ang ibang nabalot na. Mukang maaga si mama gumising para dito.

"ma salamat ah! "

"oh para saan naman anak? "

"wala gusto ko lang magpasalamat sa lahat lahat! "

"ikaw talaga anak! Salamat din at nagsisipag ka sa pag aaral mo yun lang naman ehh masaya na kami ni papa mo. Proud na proud kami ni papa mo at ikaw ang naging anak namin ok! "

"iiihhhh! Mama naman papaiyakin pa ako! Thank you din po" sabay yakap ko kay mama.

Matapos namin magluto ay naligo na ako. Nag tokong pants ako, maluwang na t-shirt na parang hanging blouse tapos white rubber shoes.

Nag pa alam na ako na aalis na. Nag mamadali ako kasi anong oras na ehh tagal ko kasi mamili ng susuotin. pa ano ba naman baka mapuna na naman ni jeffrey ang suot ko.

"lien !"

"oh! Jerome kaw pala sabay na tayo"

"ako na magbitbit ng dala mo! Mukang nasa top ka ata at may pa food kang dala.! "

"Oo eh top 2 ako! "

"di na ako nagtaka lien matalino at masipag ka kasi . "

"nako hindi naman sakto lang! Pero salamat"

Nakarating na kami sa school at pa akyat na pa puntang room.

"hi beshy ko ang sexy mo talaga eh! Oww hi jerome kamusta ka? ngayon na lang kita nakita! "

"hi anj! ayos lang medyo busy eh!"

I aabot na sakin ni jerome ang dala kong food pero nagulat ako ng si jeffrey ang kumuha andiyan na pala siya sa likod ko di ko napansin.

"ako na lien! Ok na pre! " sabay akbay sa akin ni Jeffrey.

"oh! Ok! Sige lien dito na ako" sabay kindat ni jerome.

"ano bayan parang uminit dito beshh mukang may kumukulo! Makapasok na nga sa loob"

"anjjjj! "saway ko

"mukang close na close talaga kayo nung jerome na yun ah!"

"kaibigan ko yun kaya mabait siya sakin! Nagseselos ka ba? "

"tssss! Kaibigan kung maka kindat sayo wagas! Tara na nga sa loob !"

"uyyy nag seselos siya hihihi! "

Dumating na si maam melin kaya nag simula na kami. May dala si maam na cake. Medyo natakam tuloy ako.

"ok simulan na natin class president and top 1 punta dito sa unahan para mag speech! Rosaly ikaw muna. "
At Nagpalakpakan kami.

"ahm. Thank you sa inyu lahat at thank you sa one year na pag sasama sama natin especially sa mga teacher natin at kay maam Tenkyu! Yun lang po. " at naupo na si rosaly. Sunod naman ako.

Ako na ang sumunod. Di ko napag handaan ito kaya medyo kinakabahan ako. Nakaharap na ako sa kanila. Medyo natagalan ako mag isip pero nakita ko sa mga mata nila ang sagot sa tanong na ano bang sasabihin ko?. Napangiti muna ako bago nagsimula magsalita.

"bilang Class president dito syempre hinding hindi ko makakalimutan yung mga times na nagtutulungan tayo. May pasaway at meron din namang mga mababait at tahimik. Ahmm thank you sa inyung lahat kasi nagin masaya ako na naging kayo ang mga klasmeyts ko. Tinulungan niyo ako everytime na kailangan ko kayo. sa mga officers kahit yung tatlong sgt. Of arms na sila pang maingay (tawanan ang lahat) Salamat sa inyu. Sa mga naging malapit kong kaibigan at syempre sa mga teacher natin na nag guide sa atin especially maam melin thank you po talaga. Kung pwde lang po ikaw na lang advicer namin hanggang grumaduate ng high school eh! Thank you sa Memories na nabuo natin lahat! Walang limutan truthful. Thank you"

"The Memories of an Ex" (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon