62. STAY RIGHT HERE W/YOU 👫

200 10 0
                                    


"Minsan akala natin totoo na tayong nakawala sa nakaraan, kung saan tayo nasaktan ng sobra. Pero ang totoo hindi lang talaga natin maamin sa sarili natin. Na hanggang ngayon kaya tayo nasasaktan dahil umaasa pa tayo na baka pwede pa, na baka hindi pa huli ang lahat".

Nagising ako na nasa loob ng kwarto at nakahiga. Hindi ko alam kung anong nangyari. Dahil ang huli kong natatandaan ay hinahabol ko ang kotse ni Jeffrey.

"besh nagising kana din sa wakas! Jusme ano ba sa tinggin mo ang ginagawa mo magpapakamatay ka ba teh! Hah! " ani anj ng makitang gising na ako.

"Lien ok ka na ba? May masakit ba sayo!" mahinahong tanong ni rosaly.

"hindi ko kayo maintindihan. Ano bang nangyari sakin! " nalilitong tanong ko.

"hay nako teh dibat nagtatakbo ka nung sinabi ko sayo na ka aalis lang ng kotse ni Jeffrey. Nagulat nga ako sayo ehh. Tapos ayun sinundan ka namin. Hinimatay ka pala tapos puro gasgas ang paa mo. " si charles ang sumagot.

"ganun ba! Mabuti pala at dumating kayo. Salamat ah saka pasensya na din sa nagawa ko! " matamlay na sagot ko.

"hay nako besh wag ka sa amin magpasalamat! Hindi kami ang nagbuhat at nagdala sayo dito!" nagulat ako sa sagot ni anj.

"hah! Hindi kayo? Ehh sino? " nalilitong tanong ko.

"Ako Lien! " hindi ko napansin ang pagpasok ni Jeffrey sa pinto. Ng makita ko siya halong kaba at saya ang nararamdaman ko.

Isa isang naglabasan sila at kaming dalawa na lang ni Jeffrey ang natira sa loob ng kwarto. Medyo kinakabahan ako . Ano bang sasabihin ko. Nahihiya tuloy ako lalo't sa nangyari.

"ok ka na ba lien? Wala bang masakit sayo? " tanong niya ng makalapit sa akin at saka naupo sa tabi ko.

"hah! Ahh! Ok na ako salamat nga pala. " sagot ko.

"sa susunod wag mo ng uulitin yun. paano kung hindi ako bumalik baka napano ka na!. Saka bakit mo nga pala nagawa yun" tuminggin ako sa kanya. Nakatitig siya sa akin.

Bumuntong hininga muna ako bago sumagot. Saka tumingin sa mata niya.

"wala ehh! Nagkamali ako! I'm sorry Jeffrey . I'm sorry Hindi ko alam. Ang tanga ko masyado kong inuna ang sariling kong emosyon . Hindi man lang kita binigyan ng pagkakataon magpaliwanag. Sorry talaga!." hindi ko na napigilan at napaluha na ako.

"wag ka ng umiyak Lien. May mali din ako. I'm sorry. " hinawakan niya ang kamay ko na mas lalong nagpatulo ng mga luha ko.

"no! Ako ang may mali.. Ang dami kong naisip na hindi tama. Na akala ko meron ka na. O baka hindi mo na ako mahal nun. Tanga ko sobra. Kaya i'm sorry talaga Jeffrey!" iyak ako ng iyak sa kanya. Hinawakan niya ako sa mukha at pinunasan ang mga luha ko.

Niyakap niya ako. Sobrang higpit ng yakap niya. Hind ko alam at napayakap na din pala ako sa kanya. Mas lalong tumulo ang mga luha ko.

Luhang naghahalo ang saya at lungkot. Mga Yakap na napakasarap. yakap na parang kay tagal hinintay ng katawan ko. Yakap na muling nagpatakbo ng mabilis sa puso ko.

Pwede bang i pause kahit sandali O kahit patigilin ang pag ikot ng mundo at ng oras. Hindi naman sa pagiging marupok pero wala ehh! Puso ko na ang nagdidikta na naman.

"ehemm ehemm! Besh higpit ng yakap ahh miss na miss lang teh! "
Pang aasar ni anj. Sa gulat ko ay napumiglas agad tuloy ako sa pagkakayakap kay Jeffrey .

"ComeBack is real na ba" dagdag ni rosaly.

"Congrats bro!" sigaw ni jayson.

"hopefully " sagot ni Jeffrey. Sabay kindat niya sa akin.

"The Memories of an Ex" (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon