59. FINALLY 😄

188 9 0
                                    

LIEN POV.

Nagtext na si anj na naka kuha na daw sila ni rosaly ng Grab na maghahatid sa amin sa terminal sa batangas.

May service naman daw kasing susundo sa amin sa terminal Pa puntang resort. 3pm na at Paalis na ako ng bahay. sila anj at rosaly ay inaabangan na ang Grab na dumating.

Medyo nakakaramdam ako ng kaba. Na halos maisip ko na wag na Lang tumuloy. Kaso hindi naman pwede dahil baka mas lalo nila akong pag isipan na hindi pa nakaka get over kay Jeffrey. Bahala na nga.

Nasa bayan na ako at sakto naman na dumating na ang Grab. Nakasakay na kami at halata sa itsura ng dalawa na toh ang excitement.

"besh. Ano excited ka na ba? " maarting tanong ni anj

"hay nako anj mukang ikaw dapat ang tanungin ko jan. Palibhasa alam mong andun si james. Matutulog muna ako bahala muna kayo jan wag nyu akong istorbohin ok! " kinuha ko ang shades ko at headset ko saka sumandal para makatulog muna.

"hahaha ano ka anj ikaw pala excited jan ehh haha " narinig kong asar ni rosaly kay anj.

"i hate u beshy" sigaw ni anj.

🚕🚕🚕🚕🚕🚕🚕🚕🚕🚕🚕

6pm na ng makadating kami sa terminal ng batangas at nagtext na din si aileen na parating na daw ang service namin. Halos ang iba daw ay andun na.

Wala pa namang ilang minuto ay dumating na din ang service. Puting van yun. Para akong mahihilo sa kaba. Ano bayan pero need kong ipakita na parang wala lang mga mapang asar pa naman ang dalawa na toh.

"wow beshy ang ganda dito diba grabe. " halos matanggal na ata ang panga ni anj sa sobrang mangha.

"anj, lien, rosaly kamusta! " bungad sa amin ni aileen. Wow grabe ang pinuti ni aileen. Ganyan siguro talaga ang kutis pag nanirahan sa amerika.

"aileen wow grabe mas gumanda kana kesa sa akin ahh! " bati ni anj. Nag beso beso naman sa amin si aileen.

"mas maganda kapa din anj!. Tara na sa loob ihahatid ko kayo sa room nyu. Let's go! " dala ang mga bag namin ay dineretso kami ni aileen sa room namin.

Magkakasama kaming tatlo sa room. At bilin ni aileen ay lumabas kami bago mag 8pm dahil may dinner kaming lahat. Grave talaga ang niyaman ni aileen.

"napaka sosyal talaga nitong resort tignan nyu oh! Malapit sa dagat ang room. " sabi ni rosaly na naglibot libot sa loob ng room.

"sige na ayusin na natin ang gamit at may dinner daw mamaya. Maligo muna ako diyan muna kayong dalawa ah! " paalam ko. Natulog kasi ako kanina kaya gusto ko maligo baka kasi may muta o amoy laway na ako.

Matapos ko maligo ay napansin kong wala akong kasama dito sa kwarto. Nako naman itong dalawa na toh iniwan pa ako. Pero 07:30pm palang naman asan na kaya ang dalawa na yun alam ko 8pm pa. Na excite ba ang dalawa at nauna dun dina ako inantay.

Lumabas ako para hanapin ang dalawa.

"san kaya nag punta ang dalawa! Nako naman" bulong ko habang nag lalakad palabas.

Naglalakad ako at nag pa linga linga dahil hinahanap ko ang dalawa. Ng biglang maka bunggo ako ng lalaki ata dahil medyo matangkad sa akin at matigas ang dibdib. Napapikit ako saka napahawak sa nuo ko.

"ay sorry di ko sina----" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng makita ko ang lalaking naka bangga ko. Nanlaki ang mga mata ko sa sobrang gulat. Si JEFFREY!!! kasama ang dalawa na sina jayson at james.

"ayos ka lang ba? " tanong ni Jeffrey.
Napatitig lang ako sa kanya. At halos napipi na ata ako. Walang salita ang gustong lumabas sa bibig ko.

Hindi ko alam pero nag kusa ang paa ko na lumakad paalis. Hindi ako nagsalita at umalis na lang ako bigla. Habang naglalakad ay kagat kagat ko ang labi ko at napapa pikit din ako sa sobrang hiya. Ni hindi ko na alam san ako dinadala ng mga paa ko. Basta ang mahalaga maka layo ako khit kunte.

Napaka lakas ng kabog ng dibdib ko. Ito na naman ba ako? Bakit ako umiwas? Akala ko kaya ko pero bat ganun? Nakita ko lang siya natameme lang ako? .. Nagsisi tuloy ako sa ginawa ko. dapat kahit nag panggap .na lang ako na diko siya nakita. Baka anong isipin nila. Kainis..

"hoy besh andiyan ka lang pala kanina pa kami nag hahanap sayo ni rosaly . San kaba nag punta?" napalinggon ako ng marinig ang tawag ni anj.

" hah? Ano nagpa hangin lang ako. Saka kayo kaya ang nawala diyan. San din ba kayong dalawa nag punta" pabalik na tanong ko sa dalawa.

"kumuha Lang kami ng tubig at nauuhaw na itong si rosaly. Saka bakit parang naka kita ka ng multo diyan!. Anong nangyari sayo? " tanong ulit ni anj. Napansin pala niya.

"wala! tara balik na tayo sa room! " pag iiba ko.

"oo nga pala bilisan na natin at mag sisimula na ata ang dinner natin nako excited nako makita ulit lahat ng mga klasmeyts natin" sabat ni rosaly. Parang ako lang ata ang hindi na eexcite.

Bumalik muna kami sa room namin at nag ayos. Naka white ako na spaghetti strap na medyo fit sa katawan ko na pag tinaas ko lang ang kamay ko kita agad ang puson. Tapos naka paldang stripped na red. Nilugay ko lang ang wave kong buhok. Tapos suot ko ang salamin ko sa mata.

Lumabas na kami ng room at pa punta na sa venue ng dinner. Pag pasok namin ay kita ko lahat ang mga klasmeyts namin nuon. Halos madami naman ang umattend.

"hi lien wow ang sexy mo naman" si gino ang makulit naming klasmeyts. Hay nako mukang wlang pinagbago ang isang toh.

Lumapit din sila mikko at jade. Na naka couple shirts pa.

"wow sana all" sabi ni anj. Na halatang kinikilig kilig pa.

"hi lien kamusta " bati ni mikko.

"ok lang. Congrats nga pala sa inyu ni jade. Masaya ako para sa inyu. " ngumiti ako.

"Salamat lien" sagot ni jade.

Pa punta na kami sa table namin ng dumating ang tatlo. Sila james, Jayson at Jeffrey. Umiwas ako ng tinggin ng makita kong naka tinggin sa akin si Jeffrey.

"hi Jeffrey long time no see. You look so handsome. Kamusta" narinig kong bati ni step sa kanya.

"besh sabi na ehh di ako nagkamali. Mag papa bida bida talaga yan." bulong ni anj.

"ano pa nga ba? Sakit na niya yan ehh" dagdag ni rosaly

"hayaan nyu na buhay niya yan. Tara upo na tayo. " aya ko.

Ang venue ay simple lang naman pero napaka ganda. Madaming table at chair. Bali sa isang table 4 na chair.
Sumama sa table namin si Charles. Yung klasmeyts naming bakla.

Napansin kong sa harap ng table namin naupo sila Jeffrey. Kaya kitang kita ko siya at gnun din sa akin. Tatlo sila kasama si gino. Medyo magkakalapit lapit ang mga table dahil sa dami namin. Nasa 40 kasi kaming umattend kaya ganun medyo crowded.

"besh si Jeffrey nakatinggin sayo beshh baka matunaw ka hah! " bulong ni anj

"ayy di na ba talaga kayo nagka balikan niyan si Jeffrey. Parang dati lang ehh kilig much kayo nyare? " tanong ni bakla.

"wag muna itanong yan Charles baka maghalo pa ang balat sa tinalupan. " si rosaly ang sumagot.

"ayy ganern ok! Takot naman aketch!" sabay takip ni charles sa bibig niya.

"wag nyu na lang pansinin pabayaan nyu siya. Tara na kuha na tayo pagkain nagugutom na ako ehh! " aya ko.

Tumayo na kami para kumuha ng pagkain. Naka buffet kasi kaya ikaw mismo kukuha ng pagkain mo.

Habang kumakain ay diko maiwasang sumilip sa kanya kahit kunte. Pero nakatinggin talaga siya. Naiilang tuloy ako. Minabuti ko na lang na makipag chikahan sa tatlo para maiwasan na Hindi tuminggin sa kanya.























📇📇📇📇📇📇📇📇.....

Hi guys if you like this chapter just click the star 🌟 button for your voting on my story .

Thank you and godbless ❤

"The Memories of an Ex" (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon