26. GANDA MO TEH!

199 12 0
                                    

LIEN POV.

tanghali at kumain na kami nila anj sa canteen may t.l.e kasi kami ngayon.
Medyo mainit ang panahon kaya dumeretso na kami ng. T. L. E room.

Hindi kasi mainit sa t. L. E room kasi mapuno dun at saka mahangin.

Nasa room na kami nila anj at malapit sa bintana kami naka upo.

Busy si anj mag ayos ng sarili niya. Kasama nila aileen at rosaly. Ewan ko ba akala mo naman mga aatend ng party kailangan magpaganda.

Ako naman ay Tahimik lang at nakatinggin sa labas ng bintana. Naiisip ko pa din kasi ang mga pinagsasabing selos nila jeffrey at mikko. Napa buntong hininga na lang ako.

"uy beshy nyare sayo! Lalim ng buntong hininga mo ah! " tanong ni anj habang nag aayos padin ng sarili

"wala! Ano kasi anj may tanong ako sa inyu tatlo.! " sagot ko sabay harap sa akin ng tatlo.

"ano yun sge besh! Chika mo! " curious ni anj.

"ano kasi! Pano kong sinabihan ka ng guy na nagseselos daw sya sa ibang guy na nakakasama ko. Tapos sabi naman ng isa pang guy na nagseselos naman daw siya sa ginagawa ng isang guy sa akin! " sabay gulo ng buhok ko.

"ay alam mo anong tawag diyan beshy ganda problem yan! " sagot ni anj.

"correct! Ganda mo kasi day! " dagdag ni rosaly.

"pahawa naman kami gurl! " dagdag din ni aileen.

"salamat sa mga sagot nyu. Nakatulong sobra! " sabay kamot ulo ko.

Nag sayang lang ako ng laway sa tatlo na toh. Wala naman akong nakuhang matinong sagot. Kakaloka.

"beshy halika ka dito. Aayusin natin yang ganda mo medyo magulo eh! Lika dali! " tawag ni anj.

"kaya nga mag ayos ka naman ng kahit kunte lien. Ang cute cute mo lang dapat maganda ka! " dagdag ni rosaly.

"nako ah! Wag nyu ko damay sa mga kaartihan nyu sa muka! ayaw ko! " Sagot ko.

"sige na lien maaga pa naman tagal pa nating mag aantay kay maam. Gina noh! Aga aga nating dumating dito. "paliwanag ni aileen.

"ah basta ayaw ko! Kayo na lang! " sabay yuko ko sa desk.

"mga friendship hawakan ang target. And let's make lien beautiful girl " utos ni anj.

Hinawakan naman agad ako nila rosaly at Aileen sa magkabilang braso. Habang si anj inilabas ang lahat ng kolorete niyang dala sa bag.

"wag kang mag inarti besh kung ayaw mong isigaw ko sa madla sino crush mo! " panankot ni anj.

"boset ka talaga anj.! Ok ok pero wag masyado OA baka mag muka akong bakla niyan. Sasakalin talaga kita. " pagbabanta ko ..

"oh promise! I will make sure na pagagandahin kita ng sobra sobra beshy ko! " sagot ni anj

Hindi ko alam paano makakatakas sa amazona kong kaibigan na si anj. Inayusan niya ako sa muka. Habang sila rosaly at Aileen naman ay sa buhok.

Nagsimulang ahitan ni anj ang kalat ko sa kilay. Tapos sinuklay nya gamit ang maliit na pang suklay sa kilay hindi ko alam ang tawag dun ehh..

Sunod naman ay ang pilikmata ko nilagyan niya ng eye lashes saka inipit. Jusko maiyak iyak ako sa sakit.

Habang kinukulot nila aileen at rosaly ang dulo ng buhok ko. Inikot lang nila. sabay tinali yung dulo. Mahaba kasi ang buhok ko. mamaya daw tatanggalin para kumulot. Tapos hairpin sa buhok.

"The Memories of an Ex" (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon