Luan's POVWhy are they like this? Hindi ba nila ako matanggap dahil half sister lang nila ako? Bakit ba ang sama nila sakin? Ano bang ginawa ko? Wala naman akong kasalan. Hay buhay nga naman. Tsk!
Nandito ako ngayon sa school naka harap sa teacher ko pero nakalutang ang isip ko. Hindi naman masama kong hindi ako makinig minsan. Top student kaya ako!
"Hoy babae gising! Tapos na yong klase!" Nagulat ako nung sigawan ako ni Chanyeol.
Shit! Lutang nanaman ako kakaisip sa mga kapatid kong pinaglihi sa sama ng loob. Mga bwesit!
"Lutang ka nanaman! Halikana lunch na tayo." Aya niya sakin.
Niligpit ko ang gamit ko tsaka sumabay sa kanya papuntang cafeteria. Eto ang bestfriend ko si Chanyeol. Eto yong parati kong karamay sa mga problem ko, iiyak kapag umiyak ako, sasabay sa tawa ko at sa mga baliwan ko. Actually childhood friends kami ni Chan, kapit bahay namin siya noon kaso lumipat sila sa Busan. Tapos after 3 years bumalik ulit sila dito sa Daegu at hanggang ngayon kapit-bahay parin kami. Tambay nga ako sa bahay nila eh.
"Oh eto na pagkain mo mahal na prinsesa." Nilapag niya ang dala niya sa harap ko.
"Wahh! Mah favourite kimchi and jjajangmyeon." Excited na sabi ko.
"Halos araw-araw yan ang kinakain mo, na e-excite ka parin?" Nakangiwing sabi ni Chan.
Tiningnan ko siya ng masama at nag panggap naman siyang kumakain. Na excite ako kaya kumain ako agad, gutom narin kasi ako eh.
"Hoy, dahan-dahan lang para kang baboy kong kumain." Natatawang sabi ni Chan.
"Nakatikim kana ba ng sampal, suntok at bugbog Chan?" Nakangiti kong sabi.
"Oh, k-kain na lang ako." At ayun tumahimik na siya. Maya-maya pa ay tinanong ko siya.
"Chan? May girlfriend ka ba?" Natanong ko habang pinapaikot ang straw sa loob ng baso ng iniinom ko. Nabilaukan naman siya.
"H-hoy dahan-dahan kasi sa pagkain." Sabi ko habang inaabot sa kanya tubig niya.
"A-ano ba kasing tanong yan." Sabi niya habang umuubo pa.
"Bakit? May masama ba sa tanong ko? At bakit? May girlfriend kana ba?" Nakataas na kilay na tanong ko sa kanya.
"B-bakit? L-ligawan mo b-ba ako? Tanong mo muna kay mama kong pwede." Sabi niya sabay yakap sa sarili niya. Napapikit nalang ako sa inis dahil sa sagot niya.
"Putang— isa nalang talaga Chan at masasaksak ko sayo 'tong chopstick na'to." Inis na sabi ko.
"Wala bakit ba?" Inis rin na tanong niya.
"Ah... Crush meron?"
"M-meron bakit?" Tanong niya.
"Bakit hindi mo ligawan?" Tanong ko pabalik sa kanya.
"Bakit naman?"
"At bakit hindi?" Tanong ko.
"Dahil ayuko." Sabi niya sabay ikot ng mata niya. Tsk parang babae.
"Eh paano ka magkaka girlfriend niyan? Sakin ka kasi dikit ng dikit eh." Sabi ko.
"Bakit kailangan ko pa ng girlfriend eh nandyan naman yong bestfriend ko." Natawa ako sa sagot niya.
Matapos naming kumain kay bumalik na kami sa room. Dumating ang professor namin at nag klase nakinig lang ako ng nakinig, wala kasi akong alam kanina sa klase eh, lutang ba naman ako. Matapos ang klase ay uwian na sabay kami palaging umuwi ni Chanyeol dahil kapit bahay nga kami.
BINABASA MO ANG
MY BROTHERS HATE ME
FanfictionKaya bang palitan ng kahit ano ang pagmamahal ng isang kapatid? Kasi sabi nila basta ang mag kakapatid ay nagmamahalan. Pero bakit kami hindi? Bakit nagkakasakitan kami? Ayuko ko lang sana umabot sa point na kong wala na ako tyaka nila ako mamahal...