Luan's POV"Okay but why do they keep bullying you?" Tanong ko. Napahinto naman si Fey sa kanyang ginagawa at yumuko.
"K-kasi ganito lang ako. Isang nerd, pangit, not classy at hindi ako nababagay sa mga tulad nila, sa tulad niyo." Wika niya ngunit nag protesta ako.
"Hey! Hindi ako tulad nila. Yes, I maybe be not nerdy at classy sa paningin ng iba but I will never be like those bratty students here." I defend myself. Nahihiyang tumingin naman siya sakin.
"S-sorry." She uttered. Nagpatuloy lamang ako sa aking pag kain at ganun din naman siya. "M-malapit na pala ang foundation day. Pupunta ka ba?" I glance at her.
"I think so, mandatory 'yan diba?" Tumango naman siya.
"Next week, kailangan na nating gumawa ng booth by year and section."
"Student Council ka nga pala ano?" She said something like 'yes'.
May sense din naman palang kausapin si Fey kaya lang napapansin ko na parang nahihiya siyang kumausap sakin. Marami din kaming pinag-usap tulad ng balik dito siya nag-aaral at kung anu-ano pa. Aalis na sana kami nang biglang may umagaw ng bag ni Fey. Napatingin ako sa kumuha ng bag at gusto kung matawa dahil isang maliit na bata... well, high school na siya base sa uniform niya at may mga kasama siya na mas malaki sa kanya. "Hi Fey. Kunin mo bag mo oh." Nakangising sabi niya.
"A-ano ba Kyle. Akin na y-yung bag ko."
"Abutin mo muna." Sabi ng totoy kaya napatingin ako sa kanya. I scan him from head to toe bago mag salita.
"Sa liit mong 'yan ipapaabot mo pa sa kanya?" Natatawang sabi ko at nakaturo pa sa kanya. Masamang tingin naman ang iginanti niya sakin.
"At sino ka naman?" Maagas na tanong niya kaya lumapit ako sa kanya. Tinignan ko siya ng matiim sa mata.
"You don't need to know. Akin na ang bag niya." Natawa naman sila ng mga kasama niya tyaka siya tumingin ng maangas sakin.
"Hindi mo pa ako kilala ha?" Napaikot naman ang mga mata ko. Ayan nanaman tayo sa ganitong senaryo.
"Hindi at hindi rin naman ako interesadong kilalanin ka kung sino ka mang kutong-lupa." Umangat ang baba nito at nanlaki ang mga mata. I think I hit his sweet spot. Natawa ako sa kanya.
"Aba!" Babatukan niya sana ako ng hawakan ko ang kamay niya ng mahigpit at pabatong binitawan.
"Yan ang huwag na huwag mong gagawin dahil baka humagis ka." Banta ko sa kanya at mas lalong nagalit siya. Lumabas na kasi mga ngipin nito. Akmang susuntukin niya ako kaya inihanda ko na ang sarili kong sanggain ito ngunit may naunang sumangga nito.
Napatingin ako sa kanya. Isang lalaki, medyo may kalakihan ang pangangatawan at maputi. Napasulyap din ito sakin bago ibinalik ang tingin sa dwendeng kaharap namin. "Babae 'yang kaharap mo pinapalutan mo?"
"Bakit sino kaba?!" Kita mo 'to kalalaking tao sumisigaw.
"Oh.. I'm Jaebeom, your senior high student." Dahan-dahan naman silang napaatras. Pabato niyang ibinalik kay Fey ang bag kaya pinanlisikan ko siya ng mata. "Hindi pa tayo tapos." I just rolled my eyes.
"Thanks." Sabi ko naman don sa Jaebeom and I saw him smirk at me kaya napangiwi ako. Agad ko namang hinila si Fey palabas ng cafeteria.
That Jeabeom guy is something. Whatever. Inihatid ko si Fey sa klase niya and at the same time ay pumasok narin sa afternoon class ko.
*****
The afternoon class when smoothly kasi less stress and bullsh*t if you know what I mean. Wala akong kasamang umuwi dahil may practice pa sina Chanyeol and yes, doon na talaga ako umuuwi sa bahay niya 'cause I feel like hindi na ako welcome sa bahay namin.
BINABASA MO ANG
MY BROTHERS HATE ME
FanfictionKaya bang palitan ng kahit ano ang pagmamahal ng isang kapatid? Kasi sabi nila basta ang mag kakapatid ay nagmamahalan. Pero bakit kami hindi? Bakit nagkakasakitan kami? Ayuko ko lang sana umabot sa point na kong wala na ako tyaka nila ako mamahal...