Jin's POVNanginginig ang mga kamay ko habang hawak ang manubela. Hindi ko maiwasang kabahan para kay Luan. Alam ko naging masamang kapatid ako sa kanya pero hindi ko naman siya hahayaang mamatay. Parang ngayon palang ay nagsisisi na ako sa mga nagawa kong kasalanan sa kanya.
Pagdating ko ng ospital, dali-dali akong tumakbo papunta sa front desk. Humahagos ang paghinga ko ng makarating ako.
"M-miss, nasaan po ang pasyenting dinala dito? Yong may head injury?" Hinihingal kong tanong sa nurse.
"Ano pong pangalan ng pasyente?" Tanong niya sakin.
"K-Kim Luan Hye po."
"Ah, sa room 246 po." Nakangiting sagot niya.
Dali-dali akong umalis doon at tumakbo papuntang elevator. Nanginginig ang kamay ko habang pinipindot ang button ng elevator. Hinanap ko kaagad ang room 246 at naabutang kong naka-upo sa labas sina Hoseok at Jimin.
"Asan si Luan?" Tanong ko sa kanila.
"Nasa loob pa. Hindi pa tayo pwedeng pumasok hintayin muna natin ang doctor." Sagot sakin ni Jimin.
Naupo sa tabi nila. Napasabunot nalang ako sa buhok ko dulot ng frustration. Naghintay kami ng ilang sandali at nong lumabas ang doctor agad namjn siyang nilapitan.
"Kayo nanaman. Wala pang isang linggo nong lumabas dito si Ms. Kim nandito nanaman siya." Panimula ng doctor. Siya rin ang doctor na tumingin kay Luan noong nakaraang araw.
"Ano doc? Kamusta na siya?" Tanong ko sa kanya.
"Okay na. Stable na ang kalagayan niya ngayon but sad to comatose siya ngayon." Parang isang bomba ang tumama sakin nong sabihin niya yon.
"K-kailan po siya magigising?" Kinakabahang tanong ni Hoseok.
"I don't know. Maybe 2 weeks? A month?" Sagot niya.
"B-bakit?" Tanong ko.
"She suffered from major head injury Mr.
Kim kaya siya na comatose and there's a big possibility na magka amnesia siya pag gising niya." Hindi ko na kinaya ang mga naririnig ko."Oh my god!" Napatakip nalang ng bibig si Hoseok habang tulala naman si Jimin.
"Maaari niyo na siyang puntahan." She said and excuse herself.
Sabay kaming tatlong pumasok sa loob ng room ni Luan. Kawawang-kawawa ang kapatid ko, ang putla niya. Para siyang walang buhay nakahinga sa hospital bed. Hindi ko napigilang umiyak. Ang sama-sama ko. Ako ang pinakamatanda samin kaya ako dapat ang nag-aalaga sa kanya pero ako pa 'tong nag papahirap sa kanya.
Hindi ko siya kayang tignan ng matagal kaya lumabas ako ng room niya. Nakasalubong ko ang mga kapatid ko. At agad na nanlaki ang mata ko ng makita ko si Jennie. Agad ko siya nilapitan at sinampal. Lahat sila gulat na gulat sa ginagawa ko. Tiningnan niya ako ng nanlalaki ang mata niya ngunit tinignan ko lang siya ng masama.
"Kuya ano ba?!" Suway sakin ni Taehyung.
"K-kuya J-jin sorry." Naiiyak na sabi ni Jennie.
"Sorry?! Ha? Kulang pa yang sampal na binigay ko sayo sa ginagawa mo sa kapatid ko!" Hindi ko napiligan ang mga luhang dahan-dahang pumapatak mula sa mga mata ko.
"Kuya! Huwang kang gumawa ng eksena dito." Sabi sakin ni Namjoon.
"Manahimik ka!" Sigaw ko sa kanya. Nilapitan ko si Jennie at unti-unti naman siyang umaatras.
"Alam mo ba kong anong ginawa mo? Ha?!" Sigaw ko sa kanya habang dinuduro siya.
"Ano bang nangyari?!" Sigaw ni Taehyung. Ngumisi ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
MY BROTHERS HATE ME
FanfictionKaya bang palitan ng kahit ano ang pagmamahal ng isang kapatid? Kasi sabi nila basta ang mag kakapatid ay nagmamahalan. Pero bakit kami hindi? Bakit nagkakasakitan kami? Ayuko ko lang sana umabot sa point na kong wala na ako tyaka nila ako mamahal...