Luan's POVNaglalakad ako ngayon patungong classroom, hindi kami sabay ni Chanyeol dahil hinatid ako ng kuya ko. Wala akong masyadong estudyanteng nakasalubong dahil 7:45am na and I'm 15 minutes late. At wala rin akong pakialam.
Malapit na ako sa room nong maramdaman kong may sumusunod sakin. Nilibot ko ang paningin ko at may nakita akong lalaki na naka-lean sa pillar malapit sa field. Naningkit ang nga mata ko. Tatakbo sana ako para habulin ang lalaki ngunit nakasalubong ko ang isa sa mga prof ko.
"Oh Ms. Kim? Oras na ng klase ah bakit nandito kapa?" Tanong niya, napakamot naman ako ng ulo sabay linga sa kinaruruan ng lalaki ngunit laking gulat ko ng wala na ito.
"Ah.. pupunta po sana akong restroom." Dahilan ko, tumango naman siya at umalis na. Napapadyak naman ako sa inis dahil hindi ko na makita ang lalaki.
Napag-desisyunan kong bumalik nalang sa room dahil 8am na at talagang late na ako. Pagdating ko ng room ay nagulat ako dahil sirado ang pinto. Pinihit ko ang pinto at binuksan, nagulat ako ng may tumilapon na parang powder sa ulo ko. Harina. Ang akala ko tapos na ay biglang bumuhos ang isang napakalagkit na likido sa ulo ko. Biglang nag init ang ulo ko. Inamoy ko ang kamay ko at nalamang chocolate syrup ang natapon sakin.
"Welcome back Luan! Sorry ngayon kalang namin pinaghanda, hindi kasi namin alam na papasok kana kahapun. HAHAHAHA!" Napa-angat ang tingin ko at nakita ko si Jennie na may hawak na cellphone kasama ang tatlo pang babae. Pinagtitinginan ako ng mga kaklase ko.
Nakuyom ko ang mga kamay ko dahil sa galit. Agad akong umalis ng room at pumuntang locker room. Mabuti nalang at tinuro sakin ni Chanyeol 'to kahapun. Pinagtitinginan ako ng mga estudyante na makakasalubong ko.
"Si Luan ba yan? Anong nangyari sa kanya?"
"Bakit ganyan ang itsura niya?"
"Naku! Lagot ang may gawa niyan sa mga kuya niya!"
Napangisi nalang ako sa mga sinabi nila. Baka ako pa ang lagot kapag nasaktan ko si Jennie. Mabilis na tinungo ko ang locker room at naligo, ang lagkit ng katawan ko dahil sa bwesit na syrup na yon. May spare clothes naman ako dito, PE uniform nalang ang susuotin ko. Pagpasok ko ng room ay nandoon na ang prof ko.
"Bakit ngayon ka lang Ms. Kim? At bakit PE uniform ang sinuot mo?" Tanong ng prof ko. Napayuko naman ko.
"Nabasa po kasi kanina, sorry po." Narinig ko naman ang tawa ng grupo ni Jennie. "Go to your sit." Umupo naman ako sa upuan ko.
Nagtatakang tinignan ako ni Chanyeol. Wala siya kanina ng mangyari ang 'Welcome Party' sakin. Hindi ko siya pinansin at nakinig nalang sa klase. Iniirapan ako ng grupo ni Jennie, sana tumitik na ng tuluyan ang mata niyo mga bwesit!
Natapos ang klase hanggang maghapun at sabay kaming naglakad ni Chanyeol. Ayaw ko pa sanang umuwi ngunit kailangan kong sabayan si Chanyeol, mamaya nalang siguro ako aalis. Ng makarating ako sa bahay ay agad akong nag bihis at umalis.
Jimin's POV
Naka-upo ako sa couch at pinapaikot-ikot ang phone sa kamay ko. It's already 11pm at ako lang ang nandito sa bahay, hindi pa umuuwi ang mga kapatid ko lalong-lalo na Luan at sigurado akong mapapagalitan nanaman siya. Ewan ko ba simula ng magising siya talagang nag bago na siya, dati hindi umuuwi ng gabi yon kapag hindi nagpapaalam ngayon naman ay madalas na siyang umuuwi ng gabi.
Dati-rati sa kwarto niya lang siya nagkukulong ngayon ay nag-gagagala na niya. Marami na talagang nag bago sa kanya, naaawa ako sa sitwasyon niya dahil sa pagkawala ng memorya niya pero parang sumusubra naman siya. Sa kakaisip ko sa kapatid ko ay nakatulog na ako.
BINABASA MO ANG
MY BROTHERS HATE ME
FanfictionKaya bang palitan ng kahit ano ang pagmamahal ng isang kapatid? Kasi sabi nila basta ang mag kakapatid ay nagmamahalan. Pero bakit kami hindi? Bakit nagkakasakitan kami? Ayuko ko lang sana umabot sa point na kong wala na ako tyaka nila ako mamahal...