Prologue

141 2 0
  • Dedicated kay Julia Cuaresma
                                    

Prologue

“Julia!”

Tumingin ako sa tumawag sakin.

“San ka ba galing? Kanina ka pa namin hinahanap ah.”

Nginitian ko siya. “Nandun lang ako sa may garden ng kapilya. Kayo naman.”

Ginulo niya yung buhok ko. As in magulo! Bwisit! Eto nakakainis dito kay Lucky eh!

“Sa susunod magpapaalam ka ha. Pinag-aalala mo kami eh.”

Nagpunta kami kela mommy. Katulad ng sinabi ni Lucky sakin kanina, sinabi rin sakin ni mommy na magpaalam muna bago ako umalis at pumunta kung saan-saan.

Natapos na yung misa at ngayon nasa van kami nila Lucky kasama ang mommy't daddy niya, ang mommy't daddy ko, at ang tatlong kapatid ni Lucky. Pero etong si Lucky, kinikiliti ako. Napa-“ah” tuloy ako ng malakas kaya nagtinignan sakin yung mga kasama namin.

“Sorry po.” Nakayukong sabi ko. Napansin kong napangiti yung parents namin ni Lucky. Well, maliban kay daddy.

“Ano ba Lucky,” pabulong na saway ko.

Hindi na niya ko ginulo pagkatapos nun.

Bestfriend ko si Lucky. Yata? Ewan. Kasi mula mga bata pa lang kami, magkasama na kami. Ang dami nga naming memories together eh. Pero wag kayo maingay ha? Crush ko si Lucky. Matagal na kong may gusto sakanya. Hindi ko lang masabi kasi ayokong masira yung friendship namin. Typical bestfriends love story—ay wait. Wala pa lang love, story lang.

Pagkababa namin ng van, nagpasalamat kami sa kanila sa paghatid samin pero nagulat ako nang bumaba rin si Lucky.

"Mommy, daddy, kela Julia muna ako ah," paalam niya sa parents niya. Nag-okay lang sila tapos umalis na.

Pagkarating sa loob, pumasok ako sa kwarto ko para sana magpahinga na pero sumunod sakin si Lucky. Siguradong magdadaldal na naman 'to.

“Julia,” sabi niya pagkaupo sa kama ko.

“Oh, baket?”

“May nililigawan na ko, Julia!”

-xx

Hi kay klasmeyt Julyah :---) nigawan ko kayo ng isturyahe ni Lucky mo. Yak pls. ;;

Confessions of a Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon