Chapter SEVEN

25 1 0
                                    

Chapter 7

Hindi naman sa nang-aasar ako pero trip ko talaga tong Jessa na to. Imbes na magselos kasi ako sakanya, pagtripan ko nalang siya. Masaya pa diba?

Jessa:

What do you mean?

Oh my. Ang slow. Maitext na nga lang si Lucky. Naalala ko hindi pa nga pala ako nakapagreply sa text niya na "wag ka masyado lalapit dun ah."

Julia:

Ano bang problema mo kay Kerby? Mbait nman un, gentleman pa. "daw".

Lucky. . .
Calling . . .

"Hello?" sabi ko pagsagot ko.

"Basta sundin mo nalang ako kung ayaw mo may mangyaring hindi maganda."

"Ha?"

"Wag ka lalapit kay Kerby." Sabi niya.

Magsasalita na sana ko pero ang bastos lang ni Lucky! Binabaan ako!

1 message from Lucky.

Good night, Jul :)

-----------

"Good morning Jochelle!!!" sigaw ko pagkagising ko. Napatingin tuloy sakin yung ibang kasama namin sa room.

"Sorry po." Sabi ko sakanila tapos nagsmile.

Muka namang effective yung pagsigaw ko kasi nagising si Jochelle.

"Ang aga aga Julia. Ang ingaaaay!" sabi niya habang nagiinat.

"Tara na, maligo na tayo!" yaya ko sakanya. "Baka hindi tayo makaligo eh."

Tumayo na siya sa kama tapos nag-ayos ng gamit habang ako, inaayos ko yung pinagtulugan ko. Pagkatapos ko mag-ayos, tinignan ko yung phone ko.

6 unread messages

Pugits:

Nagets ko na what u mean on your text. How dare u call me a pugita!

Pugits:

May araw ka rin skin.

Lucky:

Good morning, Jul. :)

Lucky:

Gising na oy!

Lucky:

Ang daya mo. Msaya sguro dyan sa retreat nyo noh? TT_TT

Lucky:

Ppasok nko. Mmya nlng kita ittext.

Yung mga texts ni Jessa kagabi pa yun. Hindi ko na kasi binasa yung texts niya kasi nakakatamad eh. Yung kay Lucky naman, kanina madaling araw.

Nireplyan ko si pugits.

Julia:

Awh.. medyo slow ka dear ah? And oh, I'm sooo scared :o

Medyo natatawa ko sa isip ko sa mga sinasabi ko kay Jessa. Ang sarap kasi mangasar ng pugita. Oh diba, nagrhyme!

Mareply-an na nga si Lucky.

Julia:

Good morning, Lucky. Kkagsing ko lng. :)

Message sent.

Confessions of a Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon