Chapter NINE

32 1 0
                                    

Chapter 9

Naggabi na lahat lahat but still, no sign of Kerby. Feeling ko tuloy iniiwasan niya ko. Feeler ba? Oo nga, kaya nga 'feeling' ko lang eh diba? Hays. Third night namin, inaasahan ko talagang may bonfire na pero bukas ng gabi pa daw talaga. Nakakaasar naman.

Teka nga bakit ko nga ba hinahanap si Kerby.

Tssss.

"Sinong mauuna?" tanong ni ate Rica. Meron kasi kaming sharing ngayon. Bale hiwalay ang girls sa boys and ate Rica being the eldest in our group, sya ang naglilead samin.

Wala naman akong problema so naisip ko na hindi ko kelangan mauna. Magpapahuli nalang siguro ako since ang gaan gaan lang ng mga problema ko sa buhay.

Nagsimula kame sa dalawang freshie, tapos isang sophomore. Yung mga kinukwento nila tungkol sa family. Nakakalungkot ren talaga kapag hindi mo maturing na home yung bahay mo. Grateful ako kasi kahit only child ako hindi ako nalulungkot sa bahay at okay kami ng parents ko.

Nagshare na rin yung iba tapos nung ako na. . .

"Well, ang tanging problema ko lang ay yung pugitang aligid ng aligid sa bestfriend ko. Masyado siyang clingy para sa isang lamang dagat."

Natawa naman sila sa sinabi ko.

Nagsamasama na kami ulit (boys and girls) at pinagpray kami ng facilitator namin na si Kuya Tom, na sana daw kung anong pinagdadaanan namin ay malagpasan namin at wag daw kami susuko kagad dahil lagi namang nandyan si God sa tabi namin. We're never alone because God knows our struggles.

Natapos na yung sharing at lights off.

--

Kinabukasan, medyo malungkot nagsigising yung mga babae sa girls' dorm. 4th day na daw kasi namin dito. Pero nung narealize nilang magbobonfire na mamaya, aba ang sasaya.

Pagkatapos namin maligo at magbreakfast nagpunta kaming lahat sa session hall at syempre by team pa rin. Last talk na to at tungkol to sa pagwa-wash away ni Jesus ng mga kasalanan natin. Habang nakikinig ako, nagreflect na rin ako. Ang dami ko palang kasalanan pero kahit minsan hindi sumuko sakin si God.

Binigyan kami ng pako isa-isa.

"Tusukin niyo yung mga palad niyo gamit ang mga pakong binigay sainyo."

Ginawa ko yung sinabi ng nagttalk. Pero hindi ko pa man din nadidiin, inalis ko na yung pako kasi hindi ko kaya yung sakit.

"2 inches lang na pako yan pero hindi niyo na kaya yung sakit. Ano pa kaya yung mga sacrifices ni Hesus diba?" sabi ulit ng pastor sa harap.

Pagkatapos ng talk, pinaglunch na kami tapos free time ulit. Kaya naman naglaro kami ng mga classmates ko ng spin. Yung hawak kamay kaming lahat tapos iikot kami. So ayun, kada iikot hindi maiiwasang may hindi titilapon sa ere. Hahaha! Parang si Jochelle, tumama pa sa bakal. Ajujuju, okay lang yan bestfriend, maganda ka pa rin. Mana sakin.

Nagpunta kami ni Jochelle sa dorm kasi mainit na sa labas. May ilang nagppractice ng kanta sa may church para sa performance daw bukas bago umuwi. Meron naman naglalaro sa basketball court. Meron din mga nakatambay lang sa damuhan sa ilalim ng puno. Meron din mga tamad na mas gustong mahiga sa kama habang nakain ng chips, parang ako at si Jochelle.

Hehehe.

"Julia, tinext ako ni Kerby kanina."

Napalingon ako kay Jochelle pagkarinig ko ng "Kerby" kaya nataranta ako at nagsalita habang may lamang chips ang bibig, "Ha? Anong sabi?"

Confessions of a Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon