Chapter SIX

27 1 0
                                    

Chapter 6

Retreat camp na namin ngayon. Buong week kaming nasa campsite. At dahil nga excited ako, last week pa ko nakapag-empake ng gamit ko. Yun nga lang, nawala yung excitement kasi mula nung Friday pa ko ni Lucky hindi kinakausap. Hindi niya nire-reply-an yung mga texts ko, nire-reject niya mga tawag ko, at nung nagkita kami sa kapilya, hindi niya ko nilapitan. Parang wala lang. Parang hindi bestfriend.

Bestfriend pala ha?

Tch.

“Wow! Ang ganda ng lugar!”

“Oo nga ang presko! Ang sarap ng hangin!”

“Teka lang baka naman may multo dito”

“Kasama natin si God, bakit tayo matatakot?”

“May point ka! Tara na sa activity area!”

Daldal here, daldal there, daldal everywhere ang drama ng mga classmates ko habang ako, wala sa hwisyo.

“Julia ang tahimik mo ngayon. Hindi ako sanay.” Sabi ni Jochelle kaya napatingin ako sa kanya. “Kanina ka pa tulala, may problema ka ba?”

“Oo nga Julia, hindi rin kami sanay. Magpaka-hyper ka nga!” sabi pa nung iba naming classmates.

Nginitian ko nalang sila tapos nagkanya-kanya na naman sila.

“Kahit ayaw mo magsalita, alam kong si Lucky yan.”

“Manghuhula ka lang Jochelle, ganern?”

“Ang gulo mo. Bahala ka dyan.”

Pinaglakad na kami hanggang dun sa church. Sana kasi pinag-ayos muna kami ng gamit diba? Mabigat kasi yung mga bag namin diba? Kaya habang nag-aactivity kami, yung mga bitbit naming bags nasa may likuran muna.

May mga kumanta sa harap na taga-dito sa school. Etong campsite kasi, school siya pero para lang sa mga magpapastor. Hindi ko ma-explain.

Basta maganda yung lugar.

Hinati kami sa ilang grupo, sorry hindi ko nabilang, at kasama ko si Jochelle! Yung iba naming ka-team, mga nasa lower years na. After ng ilang churva ekek, pinapunta na kami sa dorm para mag-ayos ng gamit. Pagpasok sa loob, simple lang naman. May cr na malaki tapos may ilang cubicles sa loob. Marami ring kama, so pangkalahatan na to. Yung kwarto ng mga highschool students, sa second floor. Yung mga intermediate, sa first floor. Magkaparehas lang yung laki ng mga dorm. At syempre, hiwalay ang babae sa lalaki.

Binigyan kami ng mga teachers ng pillowcase, blanket at bed sheets. After ko ayusin yung kama ko, fineel ko muna yung kama.

Feeling ko na-magnet na naman ako sa kama at ayoko na tumayo.

Confessions of a Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon