Chapter ONE

83 2 0
                                    

Chapter 1

“Jochelle!!!” sigaw ko kay Jochelle habang inaalog yung balikat niya.

“Ano ba? Ang sakit mo sa tenga!” reklamo niya.

“Jochelle kasi!!” maiiyak na ata ako. “Si Lucky, may nililigawan na! Anong gagawin ko, Jochelle?!”

“Maglaslas ka,” seryosong sabi niya. “Promise, effective.”

Tinulak ko siya ng malakas tapos umupo na ko ng maayos.

Bestfriend ko yan si Jochelle. Magkakilala na kami mula freshmen years. Pero kung anong kina-ingay ko, yun naman kinatahimik niya. Kung anong kina-sabog ko, yun namang kina-kj niya. Opposites attract, baby.

“Ano ba nangyari?” tanong ni Jochelle.

“Heh! Wala ka namang pakealam eh.” Sabi ko, kunyare nagtatampo.

Binatukan niya ko. Malakas! Muntikan na kong mauntog sa desk ko! “Ang arte mo. Bahala ka diyan.” Sabi niya tapos nangopya ng notes.

Oo, hindi kami sinasaway ng teacher kasi wala namang teacher. Yung secretary namin nagsusulat ng notes.

Kaya ganyan yan si Jochelle kasi never pa nagka-boyfriend o nagka-crush eh! Well, hindi pa rin naman ako nagkaka-boyfriend. Pero nagka-crush na ko! At si Lucky yun. Na sa kasamaang palad, may ibang napupusuan.

Ang sakit lang, fre.

“May nililigawan na ko, Julia!”

“Ah talaga?” tanong ko tapos tumawa ko. “Hindi ka sasagutin nun, sigurado!”

Sumimangot sya. “Bakit naman?”

“Ang pangit mo kasi!”

Nagpogi pose siya. “Eto pangit?” Tinuro niya yung sarilo niya. “Ang dami-daming nagkakagusto sakin sa school noh.”

Inirapan ko siya. “Ang dami palang bulag sa school niyo kung ganon.”

“Sus baka nga ikaw crush mo rin ako eh,” nag-wink siya sakin tapos ngumiti.

Aish! Kung alam mo lang, Lucky. Kung alam mo lang.

“Asa ka!” tapos binato ko siya ng unan.

 

Naalala ko na naman. Sino kaya yung nililigawan nun?

Lord, hindi naman po sa selfish ako pero…

…sana hindi niya sagutin si Lucky! Mamahalan ko na yung babaeng yun kung hindi niya pagtatangkaan sagutin si Lucky beybeh ko.

Confessions of a Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon