Yevon Kingdom...
Yevon Temple
(Prince Auron's POV)
Nagsisimula nanaman kumanta ang kapatid kong Prinsesa, ang Divine Healer ng aming kaharian
"I Pray, Goddess Eirene, Dream
I am your child of prayer, forever and ever
Grant us peace, Grant us peace...."
Ang aming kaharian ay isa sa anim na kaharian na bumubuo sa mundo ng mga immortals (heaven,yevon,earth, Zanarra (dark),rain at tempest kingdom) bagamat mga diyos at diyosa ang tawag sa amin ng mga mortal ay pinapamunuan pa dn kmi ng heavenly emperor na nasa heaven kingdom at siyang nangangasiwa sa pangkahalatang pangyayari sa buong immortal world... Kasalukuyan kaming nasa templo ng yevon kung saan maaring makausap ng mga seer ang supreme beings na siyang gumawa ng mundo, balak ko sanang sunduin na ang aking kapatid para ayain ng maghapunan sa palasyo medyo malayo kasi ang tatahakin namin pabalik at kailangan kong protektahan ang simbolo ng pag asa sa aming kaharian ngunit hindi ko naman magawang guluhin siya sa kanyang pagdadarasal, nararamdaman ko rin ang lungkot sa kanyang pagkanta hindi nga naman ganoon kadali na tanggapin ang nangyari sa aming ama, Ilang araw na itong walang malay dahil nagamitan ito ng malakas na dark magic spell at sinisisi ko rin ang sarili ko dahil hindi ko nagawang protektahan ang mahal na hari sa kasagsagan ng gyera. Oo kasalakuyan kaming nasa giyera at ang yevon kingdom ang unang lumaban sa dark beings na siyang nagsimula ng rebelyon laban sa heaven kingdom
"Prince Auron?! ano't naparito ka sa templo?" maya maya napansin na ako ni Prinsesa Freya
"Aayain sana kitang maghapunan, tapos ka na ba sa iyong pagdarasal kapatid ko?" Tanong ko naman sa kanya ng makalapit ako sa kinatatayuan niya
"Kakatapos ko lang kuya tamang tama ang dating mo, kamusta na si ama?" malungkot na tanong niya sa akin
"Wag ka ng mag alala kay Amang hari Freya napagaling mo na siya at mag aantay na lang tayo sa muli niyang pag gising" pang aalo ko sa aking kapatid
sumang ayon naman siya at nagsimula na kaming maglakad palabas ng templo at babalik na kami ng palasyo, medyo tago ang aming templo napapalibutan ito ng kagubatan kaya hindi ito basta basta napupuntahan, ang mga high priest at priestess lamang pati ang royal families ang nakakapasok dito. pagbukas ng gate ay agad kong sinakyan ang pegasus na nag aantay sa amin sa labas
"halika na Freya at baka nag aalala na ang inang reyna sa atin ang kupad mo maglakad" pang aasar ko sa kanya
"at ako pa talaga ang makupad ah!" natatawang ganting sagot niya
maya maya pa ay nakita kong nagdarasal siya at nagliwanag ang likod niya, alam kong humiling siya ng mga pakpak sa mga wind sprites sa paligid
"Karera tayo pabalik ng palasyo kuya" sabi ni Freya sa akin at sabay lipad niya sa himpapawid na may ngiti
"Woy! ang daya mo ah wala pa nga akong sinasabi eh!" sagot ko pero sumunod na lang din ako sakanya, lumipad na rin ang sinasakyan kong pegasus, tawa lang ang sinagot sa akin ni Prinsesa Freya
sa aming lahat sa royal family si Prinsesa Freya lang ang bukod tanging sinusunod ng mga nature sprites, bukod doon siya rin ang pinakamalakas na healer sa aming kaharian, sa edad na 100 ay nakumpleto na niya ang lahat ng kailangan pag aralan sa panggagamot at na improve pa niya ito ngunit lingid sa kaalaman ng mga magulang namin ay tinuruan ko rin ang kapatid ko ng mga attack at defensive spells kung sakaling tawagin ng sitwasyon ayoko kasing umalis kami ng amang hari sa palasyo na walang laban ang iba naming pamilya kung sakaling sugurin ang palasyo.
![](https://img.wattpad.com/cover/24689051-288-k983752.jpg)
BINABASA MO ANG
Healer's Light
FantasyIn a world where good and evil has a clear line, can love really conquers all? A world full of fantasy and adventure begins!