5. A Dragon's Cry

50 7 28
                                    

A Dragon's Cry
Written by: QueenRheiyah

Note: I’m no professional nor gifted when it comes to writing. I don’t sugarcoat words either so everything I’m gonna tell here is purely based on my knowledge, and I may have probably missed some flaws but I hope it could really help you to improve more. Keep writing!

Plot:

Interesting—that’s one word that comes to my mind as I’ve read the teaser of this story. Mula pa lang dito ay nakita ko na ang linis sa style ng pagsusulat mo. Mas lalo pa akong humanga dahil purong Filipino ang ginamit mong lenggwahe rito.

Maganda rin ang pagkaka-narrate; mai-imagine mo talaga ang mga pangyayari dahil maayos ang mga description at narration nito. Pati ang mga pangalan ay unique. Mahahalata talaga na pinag-isipan lahat mula sa pangalan, sa flow ng story, pati plot, lahat-lahat na. Sobra mo 'kong pinahanga sa kabuuan ng kuwento kaya po kudos, writer-nim!

Ngunit dahil malinaw ang aking mga mata at talagang ninamnam ko ang bawat salitang nakapaloob dito, may mga napansin lang ako na hindi nakalagpas sa mga matanglawin kong mata.

Ya ready na po? Sa pagkakataon pong ito ay ako na po bilang reader ang persona at nagsasalita rito.

Una:

Yes po, alam ko pong hindi naman po talaga ito totoo at nagbabalat-kayo lamang siya bilang Patrizio

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Yes po, alam ko pong hindi naman po talaga ito totoo at nagbabalat-kayo lamang siya bilang Patrizio. Ang odd lang po kasi talaga na sasabihin niyang isa siyang espiya sa isang mamamayan ng Zahara gayong unnecessary na rin naman po itong banggitin, bakit? Dahil po wala rin naman pong naganap na pag-iimbestiga nang nabasa ko na ang buong kuwento.

Para bang in-input mo ang information na iyon for nothing. Kung pandagdag lang po ito sa katauhan niya at hindi rin naman po palalawakin ang naibahaging detalye sa story, hindi na po ito kailangang ilagay pa. After all, sa isang story na under Fantasy, bawat salita ay napakaimportante dahil ibang mundo ang ibinabahagi na kailangan mong i-build para ma-imagine ng mga mambabasa.

Lahat po kasi ng information na ilalagay lalo na sa mga ganitong genre ay dapat mag-make sense habang binabasa ng readers ang isang story. Paano kung natandaan ng reader ang isang detalyeng ibinahagi mo tapos nang narating niya na ang dulo, wala lang pala o pandagdag na detalye lang pala ang information na ibinahagi mo?

Ang spy ay para na ring secret detective. Ang nangyari lang naman po kay Patrizio ay siya mismo ang humalili sa prinsipe dahil kung hindi ako nagkakamali, siya ang nakakausap ni Lilian noong mga panahong naroroon pa sila sa Zahara.

Pero iyon nga po, medyo odd lang po talaga na sinabi ni Vladimir kay Naira na isa siyang espiya. Kahit pa hindi talaga siya iyong taong d-in-escribe niya, he should not point that out given na isa siyang prinsipe ng kabilang kaharian.

Saka kung ako po ang sinabihan ng isang estranghero na isa siyang espiya ng kabilang kaharian, malamang sa alamang at hindi ko na pagkakatiwalaan ang taong ito. Mamamayan ako ng kahariang ito at sinabi lang naman niya sa akin na isa siyang espiya. Wala ba silang tiwala sa kaharian namin? Akala ko ba ay may pagkakasundo ang dalawang kaharian? Bakit kailangang magdala sila ng espiya sa pagbisita nila rito? Atsaka bakit niya sinabi sa 'kin 'yan? Bahagi ba 'yan ng mga plano nila?

She Gives Critiques (CLOSED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon