Sobrang boring na boring ako dito sa site . Wala ako makausap nagbabantay lang ako ng mga tinda ni mama at nakakainis lang kasi ang konti konti ng benta tpos puru lang sila palista.Simangot na simangot ako dito hindi na nga ako ngpapautang eh kaso lumalapit sila kay mama para magpaalam tpos no choice ako kundi pautangin ng pautangin sila. Kaya siguru walang lumalapit o kumakausap kasi naartihan sila sa mukha ko. Hindi din sila naniniwala na anak ako ni mama kasi si mama daw masayahin at palakwento eh ako daw sobrang tahimik tpos masungit. At ang nakakainis pa pinagttripan ako ng tatlong lalaki dito yung isang lalaki siya yung halos pumuno na ng listahan ko dito sa pautang. Kanina pa to kakabalik balik ng sigarilyo siguru ko makaka dalawang kaha na to.
Naiinis ako sa pagmumuka nito bukod sa close sila ni mama eh kanina pa papansin ng papansin. Tingin ng tingin parang manyakis. Hindi ako lapitin ng lalaki kasi ayoko sa kanila hate na hate ko ang mga lalaki kasi pare parehas lang sila - manloloko, babaero at walang kakontentuhan sa sarili .
At eto na nga ako na naman magisa dito sa tindahan ng biglang dumating yung lalaking yun.
" Ate pakuha nga ulit ng isang sigarilyo tas candy "
Padabog kong binigay sakanya yung lalagyan ng mga yosi.
" Grabe , galit ka ate ?"
Tinignan ko sya ng masama at nanahimik nalang.
" Anak kaba talaga ni mommy beks? "
Kapal ng muka nitong tawaging mommy si mama. Ganun naba sila kaclose para tawaging mommy ito ? .tskk
" Grabe si mama mu kwento ng kwento tapos lagi nakatawa bakit ikaw parang pinagsakluban ng lupa? Hahahaha"
Sabi nya, sabay hithit ng sigarilyo. At bumuga sa harap ko.
Pucha.. Hindi na tlga ako babalik dito. Tinakpan ko yung ilong ko ng dala kung panyo.
" Ay sorry, ayaw mu ba ng amuy ng sigarilyo ?"
Sabi nya ng nkangisi sakin.Inirapan ko nalang ulit sya. Nanggigigil na ako pag hindi pa to umalis sa harap ko mabubuhusan ko na tlaga to ng tubig . Nakakabwisit na sobrang presko nya ! Ang yabang !
" Anu pangalan mu ate ?"
" Epal ka ba ? Kung hindi ka pinapansin wag kana pumilit ! Badtrip naman oh"
Sabi ko sakanya at alam nyu ba ginawa nya ? Tinawanan lang ako ngjojoke ba ako ah ? Hanep ! Grrrrrr. Gigil mu ako ah .
" Ang cute mo"
BINABASA MO ANG
With Him
HumorI dont like you and I hate you so much ! You're a total kind of Jerk. Lahat ng ayaw ko sa lalaki nasa iyo. But i dont know how we've been click to each other. Yung umabot sa puntong whatthefuck anung nagustuhan ko sayo ? Wala namang kagustu gustu...