Chapter 7 (It's Complicated, Really!)

26 2 0
                                    

Ken’s POV

                  Tinalikuran ko si Jayson at naglakad palayo sa resthouse. Pumunta ako ng dalampasigan, at nagliwaliw sa resort. Ang OA talaga ni Jayson. Paranoid lang.

Flashback (The night na pa-uwi na si Jayson at Ken after disco)

                  “Son, sino yung babaeng cute, kabarkada mo rin ba ‘yun?” tanong ko sa kanya.

                  “San dun? Walang ibang cute na babae sa barkada ko, si Ashlee, oo.” Tapos ngumisi lang siya. Hindi na rin ako nagtanong pa.

                  “Ah, naalala ko, si Nemo, cute ‘yun, 5” lang ang height eh.” Tapos humagikhik siya,isang kamay lang niya ang nakahawak sa manibela ng motor, ako nakaangkas sa likod niya.

                  Nemo. Cute name, bagay sa kanya. I remember the clownfish from the movie Finding Nemo. Tipid akong ngumiti. Hindi pa rin ako nagsalita.

                  “Bakit natanong mo? Naku, may nobyo na yun. Si Raymoon, yung gwapo din tulad ko.” Tapos ngumisi na naman siya.

                  “Mag-asawa nga naghihiwalay, magnobyo pa kaya.” Bulong ko sa sarili ko.

                  “Narinig ko ‘yun Ken, don’t you dare, ako ang makakalaban mo, wag mo sirain ang barkadahan namin. Mahal na mahal ni Raymoon ‘yang si Nemo.” Sabi niya, ngayon seryosong-seryoso na ang mukha niya. Hindi ko na siya pinansin.

                  Wala akong planong sirain ang barkadahan nila, alam ko kakauwi ko lang ng  Telgra, at kelangang makibagay ako sa kanila, lalo na kay Jayson, dahil siya lang ang kilala ko dito. At si Ashlee, na ipinakilala niya agad sa’kin , pag-uwi ko dito.

                  Sinabi ko lang naman yun, dahil hindi ako naniniwalang tumatagal ang relasyon ng dalawang tao. Darating ang panahon na magkakahiwalay rin sila. Lalo na ‘pag may nahanap ng mas better ang isa.

Present. . .still Ken’s POV

                  Nagpatuloy ako sa paglalakad, dumaan ako sa mga tindahan, tumingin-tingin ako ng mga bracelet items nila. Napansin ko na may sugat ang kamay ko. Maliit lang naman, just a scratch. Siguro nung niyakap ko ang ulo ni Nemo, para hindi siya mabagok sa sahig ng banyo.

                  I just shrugged at ipinasok ko na lang ulit ang kamay ko sa bulsa ko. Mamaya na ako babalik dun sa resthouse, pag di na mainit ang ulo ng Jayson na ‘yun.

Nemo’s POV

                  Tapos na akong maligo, kaya bumaba na ako sa kusina. Nakita kong halos tapos na sila sa paghahanda. Andami naming pagkain, chibugan ‘to mamaya. Saya!

                  “Oh, ok ka na ba? Baka may masakit pa sa’yo, magagalit si Raymoon.” Sabi ni Glary sabay siko kay Meian na ngumisi agad pagkakita sa’kin.

                  “Heh, tumigil nga kayo! Ano pa ba ang gagawin?” hindi ko na pinansin ang panunukso nila. Tapos walang ni isang sumagot sa tanong ko. Tiningnan ko si Glary. Nakangiti pa rin ‘to. Hay naku, kinikilig ang manang.

                  “Wala na, inililigpit na lang namin tong utensils.” Kaswal na sagot ni Avrille.

                  “Ngeee, wala man lang akong naitulong.” maktol ko sa kanila.

                  “Naku! Ok lang, na-entertain mo naman kami sa eksena niyo ni Raymoon. Hihihi.” Sabat ni Vinna na busy na sa pagkuha sa cabinet ng mga plato.

                  ‘Buti, hindi nila napagtuunan ng pansin ang nangyari sa’min ni Ken. Na-blind ng overflowing na concern ni Raymoon kanina. Hinanap ko si Ashlee sa kusina, wala siya. Bakit kaya? Naapektuhan kaya siya?

                  “Guys, bihis na tayo, mag-uumpisa na night swimming party-party and echoses natin maya-maya.” Aya ni Kramzy, bakla talaga. Hahaha.

                  Umakyat na kaming lahat para magpalit ng swimming attire. Pumasok kami sa rooms namin at nag-ayos. Nagulat kami sa inilabas na swimwear ni Kresly.

                  “Hoy Kresly! Yan ba susuutin mo?!” sigaw ni Meian sa kanya.

                  “Oo, bakit?” taas kilay siyang sumagot kay Meian.

                  “Aba, aba, alam kong sexy ka at maputi, pero hindi pwede yan, mga bata pa tayo, dapat conservative lang!” hmmm, na-iinsecure ata tong si Meian, hindi nakaprepare ng two-piece gaya ni Kresly. Hihihi.

“Like duuuuuh, magco-college na tayo, dapat dalaga na no!” sagot naman ni Kresly, tahimik lang kaming nakikinig sa bangayan nila.

                  “O-M-G! Wala akong dalang shorts! Two-piece ang nadala ko!” sigaw ko nang itinaas ko ang two-piece saka napasalampak ako ng upo.

                  I saw Meian grinned. Nasi-sense ko na. Hihiramin niya tong two-piece ko. At hindi nga ako nagkamali ng hula.

                  “Naisuot mo na ba to dati?” tanong niya habang hinablot niya sa’kin ang swimwear ko, at chineck.

                  “Nope, last month lang binili ni Mama ‘yan, di ko pa nagagamit.” Walang ganang sagot ko sa kanya.

                  “Sige, ako ang magsusuot nito, ikaw gumamit ng shorts ko.” Yun lang sinabi ni Meian at tumakbo na siya papasok sa banyo ng kwarto para magbihis.

                  Lumapit ako sa maliit na maleta niya, at nakita ko yung shorts, ang laki kaya ng bewang! Pasalampak ulit akong naupo sa sahig.

                  “Hmmm, ito oh, may sexy shorts ako, pero may zipper nga lang ‘yan” Avrille tossed the shorts to me. Tattered maong shorts ito.

                  “Sige na nga lang, kesa magpajama ako dun sa pool, hindi na lang ako maliligo.” Parang naiiyak na sabi ko. Bawal daw kasing maligo sa pool pag may zipper ang shorts.

                  Lumabas na si Meian sa banyo, ang sexy kaya niya sa swimsuit ko! Kainis, pero hindi ko rin kayang suutin ‘yun noh, mahirap na baka maglaway ang mga boys. Hihihi.

                  “Hoy, patungan niyo yang two-piece niyo ng satin dresses, ang lalaswa!” saway ni Glary sa kanila na naka-cycling shorts at sando. Naghagikhikan lang si Kresly at Meian, tapos nag-apir pa. Pero sinunod rin naman nila si Glary.

You Hate Me, But I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon