Jayson’s POV
Nakita kong bumaba ng jeep si Ken at Nemo, talagang ayaw makinig ni Ken. Hinintay kong makaalis si Nemo, at saka ko nilapitan si Ken, dala ang motor ko, pinasakay ko siya, at mabuti naman at sumakay siya. Nakita pa kami ni Nemo.
“Ilang beses ko bang sasabihin sa’yo Ken na huwag mo nang guluhin si Nemo, kahit hindi na sila ni Raymoon, kayo pa din ni Ashlee.” Tiim bagang ko nang sabi sa kanya.
“It was coincidence. I just saw her at the mall.” Sabi niya sa kalmadong paraan, habang ako, parang umuusok na ang ilong at tenga sa inis sa kanya.
“Kahit na, hindi ka dapat dikit ng dikit sa kanya. Isipin mo siAshlee.” Insist ko sa kanya. Tahimik lang siya, hindi siya sumagot. Nakarating na kami ng bahay. Hindi siya kumibo, diretso siyang bumaba at pumasok ng bahay nila.
I know I’ve become a dictator of his life, pero ayaw kong masaktan si Ashlee. I maybe selfish as a cousin, but as a friend, I am not. Shit! Ano bang nangyayari sa’kin?
Ken’s POV
One thing I hate the most is being manipulated. I hate how Jayson treated me as his slave to follow his orders, a genie to grant his wish. I hate it!
Diretso akong pumasok sa kwarto ko. Isa pang kinaiinisan ko, bakit hindi ko masabi sa pinsan kong yun na ayoko nang sundin siya. Pero anong mangyayari? Siguradong di na siya kikibo sa’kin.
So what? Tingnan natin ngayon kung sinong matigas sa’tin Jayson, punung-puno na ako. I picked my black notebook out of my drawer and I wrote:
Plan: Play with Nemo
Yeah. Play with Nemo. Jayson will be enraged. And that’s better.
Nemo’s POV
Hindi pa ako nakapasok ng bahay, nang magring ang phone ko. Si Glary, ano na naman kaya ang kababalaghan nito.
Me: Ano? Sino naman ang latest chika mo ngayon?
Glary: Tse, tumahimik ka. Andito kami kina Edward, punta ka. Andito si Raymoon kasama yung kabit niya.
Ako: Bakit? Anong meron?
Glary: Wala. Punta ka na dito.
Ako: Ayoko. At alam mon a kung bakit.
Hindi ko na pinagsalita si Glary, pinatay ko agad ang phone. Mahilig talaga sa kontrobersiya ang babaeng ‘yun, alam ko na gusto niya lang malaman ang mga reaction naming sa isa’t isa. Kainis talaga.
Pumasok na ako ng bahay, mas mabuti pang magkulikot ng kung anu-ano dun, kesa maging entertainment naman ng barkada. Ewan ko ba bakit ko naging kaibigan ang mga ‘yun. T^T
(Phone ring) Unregistered caller. Hmmm.
Ako: Glary? Ang kulit mo din noh?
UC: It’s me. Ken.
Ako: o_O Ken?! Where did you get my number?
UC/Ken: Jayson’s phone.
Ako: Ba’t ka napatawag?
Ken: Hmmm. Gusto sana kitang isama.
Ako: Saan?!
Ken: Basta. I’m here at your gate.